02

519 Words
WHAT THE FROSTED DONUT? Hindi ba nila ako babayaran? Sa rami ng binili nila? Nababaliw na ba sila? Kung hindi nila ako babayaran ay sweldo ko ang makakaltasan sa trip nilang to. Kinatok ko ulit ang gate ng bahay. "Sir! Order niyo po from Trulala!" Hindi ko tinigilan ang gate hangga't walang lumalabas. Aba, naghihirap na nga yung taong kumayod tas hindi pa sila magbabayad. Bumukas ulit ang gate at... ang dami nila! Bigla akong kinabahan. What if mga r****t to at modus nila itong order order pero hihilahin talaga nila ako papasok at gagawan ng masama!? OMG! Mas lalo akong kinabahan sa iniisip ko kaya kinuha ko na ang orders nila. Yung isang maliit na lalaki yung nag receive at ngumiti sakin. "Nahirapan ka ba sa pag deliver?" Umiling ako at umiwas ng tingin, "H-hindi naman po. One thousand seven hundred ten po lahat." Bakit naman niya tinanong? "Ikaw ba si Mari?" Napatingin ako sa nagtanong. Matangkad siya kumpara dun sa kumuha ng inorder nila at nakaakbay siya sa lalaking sa gilid nakatingin. Ako? Si Mari? Bakit naman nila iisipin na ako yun eh ang layo ng mukha namin? Umiling na ako at ibabalik na sana yung sukli nila pero umiling yung kumuha ng orders. "Keep the change, Mari." Kumunot ang noo ko, "Hindi po ako si Mari. Katrabaho ko po yun." Nagkatinginan naman sila at sabay tinignan yung lalaking sa gilid nakatingin kanina na ngayon ay nakatingin na... sakin? Siya yung gwapo kaninang pinagsarhan ako ng pinto. Nailang ako sa tingin niya kaya umiwas na ako ng tingin. Siya siguro yung mastermind at nagkamali siya ng nakuhang impormasyon. Sumakay na ako sa motor at umalis na agad. Feeling ko kung nagtagal pa ako dun ay hinila na nila ako papasok. Omg! Marami pa akong pangarap sa buhay. Narinig ko pa silang tinawag akong Mari, eh hindi nga ako si Mari! Pag dating ko ng Trulala ay dumiretso ako kay Mari na kausap si Ma'am Kaori. "Mari, kilala mo ba yung mga lalaki dun sa malaking bahay sa Sitio Fe? Bakit nila ako tinatawag na Mari? Binenta mo ba ako dun? Ano sila? Mga sindikato ba yun? Nababaliw ka na ba?" sunod sunod na tanong ko sa kaniya. Medyo natigilan siya bago umirap. Si Ma'am Kaori naman ay napatingin sakin, "Why, Emery? Among ginawa nila sayo? Did they harassed you?" Umiling ako, "Hindi naman po, Ma'am pero ang dami po nila kanina habang nirereceive ang order." May sasabihin pa sana si Ma'am Kaori pero narinig niyang tinawag siya ni Taki kaya nagpaalam na muna siya para puntahan ang anak niya. Umirap si Mari sakin. "Hindi ka na maganda, ang layo pa ng imagination mo. Sa gwapo ng mga yun pinagkamalan mong sindikato? Ang OA mo, ha," sabi niya bago bumalik sa cashier at nag cellphone. OA agad? Kung siya kaya nag deliver dun, tignan natin kung di siya matakot pag maraming lalaki bumungad sa kaniya. Kinuha ko ang basahan at spray para maglinis ng mg table nang marinig ko nag salita si Mari. "Next time na mag order ulit sila ako ang kakausap at mag dedelivery." Edi mabuti!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD