WE'RE ON our way home, sakay ng isang Limo na sumundo samin sa airport. Yes, a f*****g Limo. Masasanay ka na lang talaga pag may kaibigan kang sobrang flashy.
Nakasandal ang ulo ko sa backrest dahil napagod ako sa byahe at dahil din siguro sa nangyari sa amin ni Colton kagabi. Everything flashed again, I can still feel his warmness. The heat of his tongue, the way he pound me violently. The way I shivered in his kisses.
"So, anong nangyari?" ani Marky na tinititigan ako sa mata kong magsasabi ba ako ng totoo o hindi.
I sighed.
"He took me..." ang tangi 'kong nasabi. He gasped and a big O is formed in his mouth. I laughed at his reaction. And he giggled.
"Water... water, I need water!" aniya at pinapaypayan ang sarili na animoy hihimatayin. Kumuha sya ng bottled water sa may mini bar ng Limo at agad uminom. Nang na relax na nya ang sarili. "So paano?.. I mean, God Reonn! give me the details, every bit of it. Malaki ba? Magaling bang kumayod?" aniya at napailing na lang ng nakangisi.
"Yeah, masarap sya..." totoo naman kasi, sabi ko. At naisip ko agad kung ano nangyari sa kanila ni Marky pagkaalis namin. Wala kasing pinapalampas 'tong higad na 'to.
My brow shot up.
"How 'bout you and Ryan, may nangyari ba?" namula ang pisngi nya at biglang nalungkot ang mukha nya.
"Wala...ayaw nya sa mga katulad ko..." ramdam ko ang lungkot sa tono ng pagkasabi nya. "Naiintindihan ko naman na mahirap kaming tanggapin but he's words really did hit me to the core..." I hugged him.
"It's okay Marky, makakahanap tayo ng para sa atin pagdating ng panahon..."
kumawala sya sa yakap ko.
"What are you saying? Meron ka ng sayo no, inggrata ka! malamang baka nga asawahin ka na ni Colton..." at inirapan nya 'ko at tumawa ako.
Imposible naman kasing mangyari yun. Alam ko ang mga lalaking katulad niya. One night stand doesn't mean his inlove with me or he wants me. It's just a plain bed connection. Tawag ng mga sariling libido. Hindi ko na nga ini-expect na makita pa sya. Hanggang dun lang ang lahat ng yun sa islang yun. Hanggang dun lang.
"Wala lang yun Marky, hanggang dun lang yun. You really think ang isang Colton Martinez ay hahabulin ang babaeng sya ang nakauna? I highly doubt it..." baka nga ilang daang babaeng virgins na ang natikman nya. Makita mo pa lang sya, ikaw na mismo ang su-surrender sa kanya at ibibigay ang p********e mo. In my case I'm just drunk. Pero nagustuhan ko naman kahit papaano.
Bumaba na ako ng sasakyan at nagpaalam na kay Marky. Sinalubong ako ng katulong namin. Plano 'kong kausapin si Mom and Dad dahil gusto 'kong makipag dinner sa kanila mamaya sa labas. Pagpasok ko ng bahay hinanap ko sila sa sala, sa office ni Daddy ngunit walang tao dun. Pag ganitong araw palaging nasa office lang sila ni Mommy.
"Manang, si Mom and Dad, asan?" tanong ko. Parang natataranta si manang at hindi makatingin sakin.
"Ahh.. eh.. kasi hija nag-away kasi ang mommy at daddy mo kagabi, at ang mommy mo ay hindi umuwi. Yung dad mo naman umalis ng maaga..." sagot nya at agad akong iniwan.
Si mommy, hindi umuwi? Saan naman sya natulog kong ganun? Baka oo nag hotel sya. Pero hindi naman umabot sa ganito pag nag-aaway sila dati. Well, I don't know. Since matagal akong namalagi sa US. Kaya tinawagan ko si mommy pero nakapatay ang phone nya kaya si daddy na lang ang tinawagan ko at sinagot naman nya.
"Dad... where's mom?" huminga ng malalim si daddy sa kabilang linya.
"Hija... sa bahay na lang tayo mag-usap, pauwi na ako..." aniya at agad pinatay ang linya. Pagkalipas ng ilang minuto at dumating na nga si Daddy at agad ko syang sinalubong ng yakap, niyakap nya din ako ng mahigpit at hinalikan sa noo.
"What's wrong dad? nag-away daw kayo ni mommy..." tumango sya, giniya nya ako paupo sa couch at hawak nya ang mga kamay ko. Nakikita ko ang kalungkutan sa mga mata ni Daddy.
"Inatake sa puso si Magda..." aniya.
Mommy ni Colton! Nanlaki ang mata ko habang nakatitig kay dad at sa sahig lang ang tingin nya. Ano namang koneksyon ng mommy ni Colton dito sa usapan namin?
"Because, s-she found your mom and his husband in a hotel room..." ani dad.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko alam anong sasabihin ko. Ni hindi ko ma proseso ang lahat ng sinabi ni daddy. Bakit nasa hotel room ang daddy ni Colton at si Mommy?!
Are they cheating?! No, no, no, pailing iling ako. Hindi ako naniniwalang magagawa yun ni mom.
"B-Bakit dad? Bakit nasa isang hotel room sila? Are , are they cheating dad? Mom is cheating?" sabi ko
Nag-angat ng tingin si daddy at nanlumo ako ng makitang namumula ang mata ni daddy. Umiiyak sya! Ngayon ko lang nakitang umiyak si daddy. Parang pinipiga ang puso ko at di ko namalayang umiiyak na din ako.
Hinawakan nya ng mahigpit ang mga kamay ko at huminga sya ng malalim.
"Don't hate your mom hija. Please, don't hate her. I understand your mom..." what? naiintindihan nya si mommy? Ang pangangaliwa ni mommy? "our marriage was fixed by your grandparents. I love your mom, hija.
I do..." ngayon yumuyogyog na ang balikat ni dad sa pag-iyak nya at niyakap ko sya.
Hindi pa rin ako nagsalita.
"Sa ilang taon naming pagsasama, alam kong wala sakin ang puso nya. Si Agusto ang mahal nyo noon pa man at hanggang ngayon. Kung hindi lang sana sila pinaghiwalay noon, baka sila nga ang nagkatuluyan..." ani dad
Nag-angat ako ng tingin.
"But dad, bakit ako nabuo kong hindi ka mahal ni mom?" nabasag ang boses ko "alam kong mahal ka ni mom, dad, baka... baka na tukso lang sya, kakausapin ko sya dad. Maaayos to, aayusin natin 'to..." ngunit umiling si daddy na para bang suko na sya.
And it broked my heart into pieces.
"I'm giving your mom her freedom. Panahon na upang sumaya sya. Naging makasarili ako ng sya ang pinili ko maipakasal sakin iha, akala ko... akala ko matututunan nya akong mahalin pero hindi rin pala talaga natuturuan ang puso...hindi ang mom mo..." ani dad
Walang humpay na ang pagbuhos ng mga luha ko sa mga sinabi ni dad. All these years, akala ko mahal nila ang isat-isa pero si daddy lang pala ang nagmamahal. Kahit ilang taon pala ang pinagsamahan nyo, kung hindi talaga sya ang mahal mo ay hindi mo talaga mapililit ang sarili mo. Pero, bakit ako nandito? Bakit ako nabuo? Ano ako?
"Bunga ka ng kapusukan ko hija... ngunit mahal ka ng mommy mo, kahit na hindi nya 'ko mahal. Nagpanggap kaming nagmamahalan upang hindi ka namin masaktan. Pero tama na siguro ang lahat ng pagpapanggap at pagpapahirap ko sa mom mo. Sana anak, mahalin mo ang mommy mo gaya ng pagmamahal ko sa kanya." ani dad
Yun ang mga huling sinabi ni daddy bago sya umalis ulit ng bahay. Nakatunganga lang ako sa kwarto, habang tumutulo pa rin ang mga luha ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko, na parang hindi na ako makahinga sa sobrang sakit.
Ano ng mangyayari sa pamilya namin? The perfect family that I thought would last forever. Paano na si dad? Si mom, iiwan nya ba kami? Paano naman ako?
Nagising ako kinaumagahan na mugto ang mata. Nakatulugan ko pala ang pag-iyak ko magdamag. Kahit ayokong bumangon at lumabas ng bahay. Pero kailangan kong ayusin ang pamilya ko. Aayusin ko.
Pagkatapos kong maligo at magbihis, bumaba ako sa bahay at nadatnan ko si manang na papaakyat sa hagdanan. Balisa sya at umiiyak. Kinakabahan ako sa itsura nya kaya't nagmadali akong bumaba.
"Manang, a-anong nangyari?" sabi ko
Nanginginig sya at mas lalo akong kinabahan sa ginagawa nya.
"Hija... ang daddy mo naaksidente. Nahulog sa bangin ang sasakyan nya at sumabog ito. Sabi ng mga police posibleng nagmaneho ng lasing ang dad mo..." ani manang
Namilog ang mata ko sa sinabi ni manang at agad bumuhos ang mga luha ko. Parang pinupunit ng pinong pino ang puso ko sa mga sinabi nya. Napaupo ako sa sahig at tuluyan ng sumigaw sa sobrang sakit ng balitang bumungad sa akin. Iyak ako ng iyak at nanlalamig ako. Bigla na lang nag dilim ang pangin ko at iyun na lang ang huling naalala ko.
"Reonn, baby. Are you okay?" naramdaman kong may humahawak sa mga kamay ko kaya't unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. Nakita ko si mommy na umiiyak at nasa likod nya si Marky na may mga mata mg pag-aalala. Puti ang mga dingding at sigurado akong nasa hospital ako.
"Mom, si daddy? Nasaan si daddy?" sabi ko at bumangon ako.
Niyakap ako ni mommy ng mahigpit at humagulhol sya ng iyak.
"I'm so sorry hija. I'm so sorry..." aniya
And the realization hit me. Wala na si dad. Sumabog ang sasakyan ni dad. Kumawala ako sa pagkayap ni mommy at nagpa-iling iling. Punong puno ng galit at paghihinagpis ang puso ko, at wala akong ibang masisisi kundi si mommy.
"It's your fault!" sigaw ko na bahagyang ikinagulat nya. Lumapit naman sakin si Marky at niyakap ako sa gilid ko.
"namatay si daddy dahil sayo mom, dahil sinaktan mo sya! kaya siguro sya naglasing, at nahulog doon sa bangin ang sasakyan nya! Ikaw ang pumatay sa kanya mom. Ikaw!" buong puso kong sigaw. Isang malakas na sampal ang natanggap ko at nagulat ako doon.
Natutop ni mommy ang bibig nya sa gulat ng ginawa nya. Bahagya syang lumapit sakin pero pinandilatan ko sya ng mata sa sobrang galit ko sa kanya.
"Baby I'm sorry. I didn't mean to..."
"Stop it mom! wala ng magagawa ang sorry mo, w-wala na si daddy. Sobra syang nasaktan sa ginawa mo mom..." habang yakap ako ng mahigpit ni Marky na medyo nagpakalma sakin. "nag-usap kami kagabi at sinabi nya sa akin ang lahat, bakit mo nagawa yun! Bakit?!" sabi ko at nabasag ang boses ko.
"I did love your father, Reonn. Pinakasalan ko sya kahit labag sa kalooban ko. Sinakripisyo ko ang puso ko anak, dahil ayokong suwayin ang magulang ko noon..." at nakalapit na nga si mommy sakin at hinayaan ko syang hawakan nya ang mga kamay ko.
"How 'bout me mom? Mahal mo ba 'ko? hindi ba talaga kaya ng puso mong mahalin ng buong-buo si daddy?" sabi ko at tiningnan sya sa mga mata. Natigil na ako sa pag-iyak. Parang wala na akong mailabas na mga luha.
"I love you, baby... kahit paulit-ulit akong ipagkasundo sa daddy mo, papakasalan ko pa rin sya. Dahil kong hindi, walang isang katulad mo dito sa harap ko. Isang anak na sobrang bait, maunawain at mapagmahal..." nabasag ang boses ni mommy at nagsimula na namang mamumuo ang luha ko. "kaya wag mong sabihin na hindi kita mahal, Reonn..."
Hinaplos ni mommy ang mukha ko at pinalis ang aking luha. Agad ko syang niyakap. Hindi ko man maintindihan
sa ngayon ang mga nangyayari pero magulang ko parin sya, at mahal ko siya. Walang kasalanan si mommy. Biktima lang din sya dito.
Kung sana ay hindi sila ipinagkasundo noon ni daddy. Hindi sana hahantong sa ganito ang lahat. Nagmahal lang silang pareho ni daddy, salungat nga lang ang mga puso nila. Kahit ganito ang nangyari. Nagpapasalamat pa din ako, dahil binigyan ako ng pagkakataon ni mommy at daddy na makita ang kagandahan ng mundong ibabaw.
Kahit kulang ang ibang parte ng katawan ni daddy dahil sa pagsabog. Pinili naming e cremate ang katawan nya. At pinagluksa namin ni mom si dad. May parte pa rin sa puso ko na galit kay mommy. Hindi ko matanggap ang pagkamatay ni daddy. Namatay syang hindi masaya at nasasaktan.
Siguro nga ito ang nakatadhana na mangyari sa pamilya ko. Everything happens for a reason right? At wala tayong karapatang kwestyunin ang ano mang nakalaan para sa atin. Dahil alam ng diyos ang ginagawa nya.
Yun ang pinanghawakan ko sa pagkawala ni daddy.
Mag-aapat na taon na din ang lumipas ng namatay si dad. Apat na taon akong hindi umuwi ng pilipinas. At ngayon nasa eroplano na ako papuntang pinas. Dahil may sasabihin daw na importante sakin si mommy. Napatawad ko na din sya. Pinili kong wag na lang sisihin si mommy dahil sya na lang ang meron ako.
At alam kong hindi magugustuhan ni daddy kung kamuhian ko si mom.
'Don't hate your mom' hindi ko makalimutan ang sinabi ni dad bago sya namatay. Kaya tutuparin ko yun para kay daddy.
Nakapagtataka lang dahil kailangan ko pa talagang umuwi para malaman ang sasabihin ni mommy. Kahit anong pilit ko sa kanya na sabihin na lang sakin sa telepono kung ano man ang sasabihin nya, ngunit ayaw nya.
Nagtrabaho ako sa US at inaral ko ng mabuti kong paano patakbuhin ang negosyo namin. Dahil sakin rin naman mapupunta ang lahat ng iyon.
Ilang taon din kaming hindi nagkita ni Marky. Though we always talked through Line, pero hindi sapat yun. Namimiss ko parin ang tanging kaibigan ko.
Bumaba na ako ng eroplano dala ang isang malaking maleta ko. Hinanap ng mga mata ko si Marky. Dahil sya ang magsusundo sakin. At isasama ko sya sa pag-uusap namin ni mommy. Balak ko din bisitahin si daddy bukas, dahil baka nagtatampo na yun sa akin.
Pinili kong umalis ng bansa upang gamutin ang punit-punit kong puso. Hindi din naman ako pinigilan ni mommy at alam kong naiintindihan nya naman ako.
Ngayon, magsisimula akong muli. Gagawa kami ng memories ni mommy kahit wala na si dad. Alam kong yun din ang gusto ni daddy.
Magiging okay ang lahat.