I LITERALLY run for my life. Pakiramdam ko kahit nandyan lang si Mommy at andito ako sa bahay, parang hindi ako safe. "Run baby, run!" Sabay tawa na mala demonyo ni Don Agusto. Nanginginig ang kalamnan ko sa takot at dali-daling pumasok sa kwarto ko at nai-locked ang pinto. Pabaling baling ako sa magkabaling bahagi ng kwarto. Palakad-lakad sa pabalik balik lang na direksyon habang pinipisil ang aking kamay upang makalma ang sarili at makaisip ng paraan. Pinalis ko ang mga luha sa aking pisngi na ayaw magtigil. Purong takot na ang aking nararamdaman lalo nat may naririnig akong mga yabag sa labas ng kwarto ko. Pinilit kong pakalmahin ang aking sarili upang makapag-isip ng tama. Pumasok sa isip ko ang aking cellphone! Dali dali ko itong kinuha sa bag ko, at nakita ko doon ang napakar

