RICO’S POV Unang bumungad sa akin ang puting kisame. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin at kung bakit ako nandito? “Chiefy,” umiiyak na sambit ng asawa ko. “Love, what happened to me?” Tanong ko sa kanya. “Kilala mo na ako?” Tanong niya sa akin. “Of course, love. Makakalimutan ba kita?” Sagot ko sa kanya. “Thank God, bumalik kana. Bumalik na ang asawa ko. Naalala mo na ako ngayon.” Umiiyak na saad niya sa akin. “May nangyari ba?” Tanong ko sa kanya. Niyakap niya ako ng mahigpit. At mas lalo siyang umiyak. Kaya bigla akong naguluhan hanggang sa bumalik sa alaala ko ang lahat. Simula noong umpisa. “Love, I’m sorry.” Bulong ko sa kanya dahil alam ko na nasaktan ko na naman siya. “Nasaan ang mga anak natin?” Tanong ko sa kanya dahil naalala ko ang mga anak namin. “Nasa bah

