CHERRY’S POV “Hinahanap ka ng anak mo,” biglang nagsalita si Rico sa likuran ko. Kaya mabilis kong pinunasan ang mga luha ko. “Uminom na ba siya ng gamot niya?” Tanong ko sa kanya. “Tapos na at hinahanap kana niya.” “Salamat,” sabi ko sa kanya. Ngumiti ako sa kanya na hilam ang mga luha ko sa mga mata ko. Gustong-gusto ko siyang yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko. Habang nakatingin ako sa kanya ay hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Umiyak na ako sa harapan niya. “Pasensya kana, naabala pa kita.” Umiiyak na sabi ko sa kanya. Yumuko ako dahil sobrang sakit ng puso ko. Dahil hindi ko kayang makita ang mukha niya. Sa loob ng ilang taon ay palagi kong ipinadarasal na sana ay makasama ko siya. Dahil sobrang mahal na mahal ko ang asawa ko. Siya ang buhay ko at kaya ko kinakaya a

