CHERRY’S POV Tumayo na akong nang maging okay na ako at sa tingin ko ay wala na siguro sila sa loob ng grocery store. Pero nagkamali ako dahil napatigil ako sa paglalakad dahil makakasalubong ko silang dalawa. “Miss Cherry, puwede ba kitang makausap?” Tanong sa akin bigla ni Dyosa. “Sige,” sagot ko sa kanya. “Love, usap lang kami saglit ha.” Sabi niya kay Rico. “Okay, love.” Sagot ni Rico. Parang sin*saksak ng ilang libong punyal ang puso ko. Ako ang dating tinatawag niya ng love. Pero ano ba ang magagawa ko. Hindi na ako ang laman ng puso niya. Kaya mas mabuti na hayaan ko na lang siya na mabuhay ng masaya. Naunang maglakad si Dyosa bago ako sumunod sa kanya. “Boyfriend ko na pala siya,” sabi niya sa akin. “It’s okay, maging masaya kayo.” Sagot ko sa kanya. “Magiging masaya kam

