Chapter 5-Hindi ito panaginip.

1066 Words
Nayayamot na hinagilap niya ang back pack para kunin ang kanyang wallet. Kumuha siya roon ng tatlong libong piso at iniabot rito. “Aanhin ko ang papel na ito?” nagtatakang tanong nito sa kanya. “Hindi 'yan basta papel. Pera yan. Madami ka nang mabibili gamit yan.” “Pinaglololoko mo ba ako?” Galit na singhal ng lalaki. “Aanhin ko ito? Hindi naman ito salapi o pilak na maaaring ipangalakal sa mga nais kong bilhin.” Napasimangot siya. “Nasaang panahon ba ako? Bakit naghahanap ka ng ginto at pilak?Wala pa ba kayong banko dito at hindi niyo alam kung ano ang pera?” Pinagtaasan siya ng kilay ng lalaki. “Anong pinagsasasabi mo? Para mabuhay, kailangan mo ng ginto at pilak o anumang gamit na kapaki-pakinabang para may maipambili ka ng pagkain at pangangailangan mo.” “Kulit mo naman eh! ‘Yan na nga ‘yon. Pera ‘yong pambili ng kung anu-ano.” “Sinong mangmang ang tatanggap ng kapirasong papel kapalit ng serbisyo?” “Ikaw palang 'yong una dito sa lugar at panahon niyo.” At ngumisi siya ng nakakaloko sa lalaki. Nagdilim ang gwapong mukha nito. Napalabi si Aila pero agad din namang hinablot ang pera mula sa mga kamay nito at ibinalik iyon sa wallet niya. Malakas ang kutob niya na nasa ibang panahon siya. Kung anong panahon ito ay hindi niya alam. Parang wala naman ito sa history. Kaya lang ay paano nga ba siya napunta rito? “Wala akong pwedeng ibayad sayo kundi itong pera na ayaw mo namang tanggapin.” Out of frustration ay sabi niya. Umangal ang swapang na lalaki. “Hindi pwede ‘yan. Kailangan mo akong bayadan!” Naningkit ang mga mata niya. “Kung sabihin ko sayong ako si Kroen? Sisingilin mo pa ba ako?” iritadong hamon nga niya. “Sinabi mo nang hindi ikaw si Kroen at hindi mo na iyon maaaring baguhin para lang makaligtas sa pagbabayad.” “Bakit kapag si Kroen, ayos lang na hindi magbayad? Bakit kapag ako, kailangang magbayad sa tulong na ibinigay mo?” “Hindi ‘yon tulong, serbisyo ko iyon.” pagtatama nito sa sinabi niya. “At natural na hindi ko papagbayarin si Kroen dahil siya ang babaeng mahal ko.” Parang napakanatural lang rito na sabihin iyon. Bigla tuloy siyang nakadama ng inis ng may maalala. “Mahal mo pa din siya kahit iniwan ka na niya?” “Oo.” Aba! May katangahan din pala ang lalaking ito. Iniwan na nga ito ng babaeng nagngangalang Kroen─whoever she is─ay hayun pa din ito at mahal pa din ang babae. At hindi rin naman niya maintindihan si Kroen. Bakit naman kaya nito iniwan ang lalaking ito eh napakagwapo naman nito at mukhang malapit na sa perpekto? Huwag nga lang itong magsasalita. “Ano? Magbabayad ka na ba?” untag pa nito sa kanya. “Ano ngang ibabayad ko sayong lalaki ka? Ayaw mo namang tanggapin ang pera ko.” “Cairo.” “Ano?” “Cairo ang pangalan ko. At iyang nasa leeg mo. Alisin mo yan at iyan ang ibayad mo sa akin.” Hinawakan niya ang kwintas na suot. Maaari pa naman siyang bumili ng ganoong kwintas pag-uwi niya. Ibibigay nalang niya iyon sa lalaking ito ng matigil na ito. “O, ayan, Cairo .” Iniabot niya rito ang kwintas niyang hinubad mula sa sarili. “Akhi nalang itatawag ko sayo, di ko type bigkasin ang Cairo. Mas cute pakinggan ang Akhi.” “Bahala ka.” walang anumang sabi nito at tumalikod na. Sumunod naman siya rito. Nakakailang hakbang palang sila ng muli itong bumaling sa kanya. “Saan ka pupunta?” “Eh…” Saan nga ba siya pupunta? “Sasama sayo.” sagot niya. “Bakit?” “Hindi ko alam ang lugar na ito. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kaya mabuti pa, tulungan mo nalang akong makauwi. Babayadan kita ng kung anumang gustuhin mo, basta makauwi lang ako.” Saglit itong nag-isip. “Saang bayan ka ba nakatira?” “Sa Quezon City.” And she doubt it if he understands what she’s talking about. Umangat ang isang kilay nito. “Saan 'yon?” ‘Patay na!’ “Paano ka bang napunta rito?” Nagtatakang tanong na nito na parang ngayon lang nagkainteres sa naging pagsulpot niya. Ikinuwento niya rito ang lahat ng pangyayari, mula sa paghabol sa kanya ng apat na mga lalaki hanggang sa makapasok sila sa isang pinto at mahulog sa para bang walang hanggang bangin. “At ang sumunod ay 'yong naabutan mo na kanina. ‘Yong pinipilit akong isama ng mga tipaklong na iyon.” “Tipaklong? Kanina, bayabas, ngayon naman, tipaklong. Lilinawin ko sayo, mga tao ‘yong nakita mo at hindi insekto o bunga ng isang puno.” “Ah… eh… ‘wag mo nang pansinin ang mga sinabi kong iyon. Alam ko namang mga tao sila kahit hindi sila mga mukhang tao.” Ikinumpas-kumpas pa niya ang mga kamay sa harapan nito. Napapagod na kasi siyang magpaliwanag ng magpaliwanag ng kung anu-anong maliliit na bagay na hindi nito naiintindihan. He’s right fingers move up to his chin and playfully rub there. As if he’s in a deep thought. Malamang na pinag-iisipan nito kung katanggap-tanggap ba ang kwento niya. Hindi na niya pinagtatakahan iyon. Maski nga siya ay hindi din makapaniwala sa mga nangyayari. Baka naman nananaginip lang siya. Tinapik niya ng tinapik ng dalawang palad ang mga pisngi. Agad namang kumilos si Cairo para pigilan siya. “Anong ginagawa mo?” saway nito sa kanya. “G-Gusto ko lang siguraduhing gising ako. B-Baka isa lang itong panaginip. At kailangan ko na talagang magising, kailangan ko ng bumalik sa normal kong buhay.” Bigla ay parang gustong bumunghalit ng iyak ni Aila nang ma-realize na talagang totoo at hindi na biro ang nangyayari. Pakiramdam niya’y napaka-helpless niya sa sitwasyong iyon kung totoo man ngang nangyayari ang mga iyon. Bakit ba kailangang mangyari ito sa kanya? Bakit siya? At 'yong babaeng kasama niyang pumasok sa pinto, nasaan na 'yon? Bakit hindi niya kasama? “Huwag mong saktan ang sarili mo dahil ako na ang nagsasabi sayo, totoo ang lahat ng ito. Hindi ka nananaginip.” “Kung ganoon? Anong gagawin ko? Kailangan ko nang umuwi!” May bigla siyang naalala. Kinuha niya ang cellphone sa bag. Baka naman may silbi pa iyon, Pero sa malas ay wala namang signal. Paano nga bang magkakaroon ng signal eh hindi pa yata uso maging ang kuryente sa lugar na iyon, cellsite pa kaya? Bigla nalang nawala sa kamay niya ang hawak na cellphone. Hinablot na iyon ni Cairo mula sa kanya. “Ihahatid kita sa taong pwedeng tumulong sayo, pero ito ang ibabayad mo sa akin. Mukhang mapapakinabangan ko pa ito kaysa rito sa una mong ibinayad.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD