Chapter 8-Susundin mo ako, sa ayaw at sa gusto mo.

1018 Words
“Isa kang mambabarang!” akusa ng lalaki kay Aila. “Pakawalan mo ako rito!” Nanggigigil na nilapitan niya ito at saka pinatikim ng malakas na sampal. “Hindi ako mangkukulam! Napakaganda ko naman yatang mangkukulam.” Galit na saad niya. Kung anu-ano nalang kasi ang ibinibintang nito sa kanya. Una, inakusahan siyang gumagawa ng kahalayan, pangalawa inakala nitong siya ang babaeng tumalikod rito at pangatlo, pinagbibintangan siya nito ngayon bilang isang mangkukulam. “Ikaw, magaling na lalaki, inisahan mo na nga ako sa hindi mo pagtupad sa napag-usapan natin, pagbibintangan mo pa ako na mambabarang! Ayos ka rin ano?” “Kung hindi ka mambabarang, paano mong nagagawa sa akin ang ganito?” “Aba, malay ko?” Napakamot siya sa noo. Bakit nga ba nangyayari iyon? Nagpumilit itong ikilos ang mga paa pero wala namang nangyayari. “Baka naman kulang ka lang sa energy. Sige nga, kumilos ka, lumakad ka.” Nagulantang na naman siya dahil nagawa nitong makakilos. Agad ding nahagip ng paningin niya na kumislap ang mga bato sa nasa kanang kamay niyang─bangle? Paanong nagkaroon siya ng ganoong bangle na napapaligiran ng apat na iba’t-ibang uri ng bato? Napatili siyang bigla ng maramdamang bumubulusok siya pabagsak sa damuhan dahil na-out of balance ang lalaki. Buong pwersa siguro ang ginamit para makakilos at dahil para bang nagkaroon ng kapangyarihan ang salita niya ay nagawa nitong makakilos. 'Yon nga lang, nasa harapan siya nito kaya’t kasama siya nitong bumagsak sa damuhan. May napansin din siyang nagliliwanag sa batok nito habang nagliliwanag ang mga bato sa bangle niya. Hinagip niya ang batok nito para tingnan ang kung anong mayroon doon. Hindi niya din gaanong pinansin ang pagsinghap ni Cairo dahil nakapokus siya sa bagay na mayroon sa batok nito. “Bitawan mo nga ako!” angil nito. Bigla niya itong binitiwan ng mapansing halos mapasubsob na ito sa dibdib niya. “Bastos ka! Lumayo ka sa akin!” Gayon nalang ang pagkamangha niya ng awtomatiko ang ginawa nitong pagtayo at umurong palayo sa kanya habang patuloy sa pag-ilaw ang mga bato sa bangle niya. “Anong bastos? Ikaw diyan ang biglang humila sa akin.” Sa nakikita niyang anyo nito’y para bang gusto siya nitong sakalin pero ang nakakapagtaka ay kung bakit sinusunod pa din nito ang mga utos niya. Bigla tuloy siyang nagkahinala. “Tulungan mo akong makatayo rito, bilis!” gulat na gulat na naglakad ito palapit sa kanya at tinulungan siyang makatayo. “Tumalikod ka.” Tumalikod nga ito. “Anong ginagawa mo sa akin? Mambabarang ka!” “Hindi ako mambabarang!” angil niya rito. “Madapa ka sana diyan sa damuhan ng magtigil ka na.” Bigla nalang nga itong sumubsob sa damuhan habang kumikinang ang kung ano sa batok nito gayundin ang mga bato sa bangle niya. Napasinghap siya. Tama nga ang hinala niya. May kapangyarihan siyang pasunudin ito gamit lang ang salita niya. Dinaluhong niya ang batok nito para tingnan ang kung anong kumikinang sa batok nito. May marka ito na tulad ng isa sa mga batong naroroon sa bangle niya. “Oh, my God!” GULANTANG na tinulungan ni Aila si Cairo na makatayo mula sa damuhan. “Akhi, hindi ko alam. Hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari.” Sabi pa niya. “Anong sinasabi mo? Katatapos mo lang akong parusahan ng kung anong itim na salamangka na mayroon ka, sasabihin mo sa akin na hindi mo naiintindihan ang mga nangyayari?” nanggigigil na sabi nito. “Wala talaga akong naiintindihan.” Pinilit niyang hubarin ang hindi pamilyar na bangle na suot niya Pero hindi iyon maalis gayong maluwag naman iyon sa kanya. “Anong nangyayari? Bakit hindi ko maalis?” tanong niya rito. “Ibabayad mo ba iyan sa akin?” tanong ni Cairo. Pinukpok nga niya ito sa ulo. Nasa kakaibang sitwasyon na nga sila, pagkagahaman pa din nito ang iniisip nito. “Hindi ko ito ibabayad. Ito ang dahilan kung bakit napapasunod kita. Magkaugnay ito at ang marka sa batok mo.” “Marka? Anong marka?” Namangha na naman siya. Kung ganoon, hindi din ito aware sa marka na mayroon ito tulad ng pagiging unaware niya kung paanong napunta sa kanya ang bangle na iyon. “Ibigay mo sa akin ang cellphone ko, kukunan ko ng picture ang marka sa batok mo.” Agad nitong iniabot ang cellphone niya na ipinagtaka niya. Paano nitong nalaman na cellphone ang tawag sa gadget na iyon? Nagtatanong ang mga matang sinulyapan niya ito. Mukhang naunawaan nito ang ibigsabihin ng tingin niya. “Hindi ko alam. Kumilos nalang bigla ang mga kamay ko para iabot sayo ‘yan.” gulat ding saad nito. Iniayos niya ang camera at handa na niyang kunan ng larawan ang marka sa batok nito pero wala na iyon roon. “Bakit wala?” nagtatakang tanong niya. “Anong wala?” Kumilos ito para harapin siya. “Stay put!” Hindi na nga ito muling kumilos at muling lumitaw ang marka sa batok nito. Agad niyang kinunan ng larawan ang marka saka iniabot sa binata ang cellphone. “Iyan ang marka sa batok mo.” Agad na tiningnan iyon ni Cairo saka inabot ang kamay niyang kinasusuotan ng bangle at ikinumpara ang bato na naroroon. Ngayo’y naiintindihan na niya, lumalabas lang ang marka ng bato kapag pinapasunod niya si Cairo sa mga salita niya. Matapos iyon ay muling maglalaho ang marka. Ano bang kababalaghan ang mga nagaganap sa kanila? “Kailangang maalis ang palamuting iyan sa kamay mo. Hindi ako makakapayag na maging alipin mo habambuhay!” Napalingon siya kay Cairo na hawak pa din ang kamay niyang may suot na bangle. Pilit nitong inaalis ang polseras. And there’s the tingling sensation that passes through her nerves. Warm and electrifying. And she kind of liked it. Marahang ipinilig niya ang sariling ulo. Bakit ba siya nakakaramdam ng ganoong kakaibang init mula sa lalaking ito? Muli niyang pinagtuunan ng pansin ang kanilang sitwasyon. ‘Teka, mukhang maganda ang ideyang iyon ah. Magiging alipin ko ang suwapang na lalaking ito. Mauutusan ko siya ng walang anumang kapalit. Good idea!’ Hinablot niya ang kamay mula rito. “Bitiwan mo nga ako!” sikmat niya at agad itong sumunod. Napangisi naman siya. “Mula ngayon, alipin na kita. At susundin mo ang lahat ng ipag-uutos ko.” “Hindi! Hindi maaari. Marami pa akong mahalagang dapat gawin. Hindi mo ako maaaring gawing alipin, mambabarang!” Halos maghurumentado ito sa pag-angil sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD