Chapter 18: Expect the unexpected

1536 Words
Brittany Harries' POV Nang matapos kong basahin ang mga notes ko, naisipan ko na na lumabas ng library. Okay din talaga na nakuha ko na yung ID ko para kapag gusto kong mag-aral, one tap away na lang ako sa library. Jusko, ito nanaman ako sa pagka-adik ko sa library. Naalala ko tuloy yung dati kong school. Sobrang naka close ko na si ma'am librarian nuon dahil sa halos araw-araw kaming nakatambay duon ni Emma. Bukod pa duon ay, sumali din kasi ako sa book club ng dati kong school kaya kapag may oras ako, pumupunta ako sa library para tumulong sa pag o-organized ng mga libro at ng ibang mga kagamitan. Hayst!! Na-miss ko tuloy sila. Habang naglalakad ako sa hallway, parang nakaramdam ako na may mga matang nakatingin sa akin, kaya naman napatingin ako sa likod, at sa magkabilang gilid ko. Wala naman akong nakita kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Pero, habang nagpapatuloy ako sa paglalakad, nakarinig ako ng mahinang mga yapak at sobrang hina na tawa ng mga babae. This time, hindi na ako lumingon pa, bagkus ay mas binilisan ko ang paglalakad ko. Hindi ko na kailangang tumingin pa dahil medyo may ideya na ako kung sino ang sumusunod sa akin. Sa nakakainis pa lang na tawa ay alam ko na na sina Joannah at ang mga alipores nya ang mga ito. Ano bang gusto kasi sa akin ng mga ito. Nakakainis, pero sa loob-loob ko, nakakaramdam din ako ng kaunting takot. I don't know what they are capable of. Hindi ko sila kilala at wala din akong ideya kung ano na ang mga nagawa nila sa mga taong nakakalaban nila. Kagaya nga ng sinabi sa akin ni Matt, maraming kapit si Joannah and I wouldn't wanna mess with that. Habang binibilisan ko ang paglalakad, ramdam ko ang mabilis na paglapit ng mga hakbang sa likuran ko. Hindi lang iyon, naririnig ko rin ang mga malisyosong ngisi nila. "Where's Matt when I need him?" tanong ko sa sarili ko habang sinusubukan kong lakasan ang loob. Pero bigla akong napahinto nang marinig ko ang isang tili mula sa kanila. Paglingon ko, nakita ko ang isang matangkad na lalaki. Nakatalikod ito sa akin pero nakaharap kila Joannah. He stand tall and proud. If I'm Joannah, I would run for my life. Pero nagulat ako ng biglang hinawakan ni Joannah ang braso nito and it wasn't just a normal touch, it's more on a flirty way.... and I hate it! I hated it! Mabilis akong lumapit at tinapik ang kamay ni Joannah, sapat lang para mapabitaw ito. Nakatingin ako kay Joannah pati sa mga alipores nya at kitang-kita ang pagkagulat sa mga mata nila. Pati ako ay nagulat sa ginawa ko. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na humarap sa kanila ng ganito... in fact, hindi ko nga rin alam kung bakit ko ginagawa 'to e. Why am I doing this? I should have just walked away... as fast as I could. But no! Here I am, confronting the people I have been running to since the first day of school. Nang bumalik ang ulirat ko, naramdaman ko ang malamig na tingin ni Joannah. "Who do you think you are? Sino ka para tapikin ang kamay ko?" Malamig ang boses niya, puno ng galit, but that did not scare me. Not at all. Inangat ko ang mukha ko at tinitigan siya nang diretso sa mata. Nararamdaman ko ang lakas ng loob na bumalot sa akin, parang hindi ko na inaalintana ang maaari niyang gawin. "I'm Brittany Harries," sagot ko nang walang alinlangan. "A student at Kingsfield University, Section Emerald." Tumigil ako saglit, siniguradong maririnig nila ang susunod na sasabihin ko. "Matt's partner." Narinig ko ang sabay-sabay na pagsinghap nila sa gulat, hindi nila inaasahan ang sinabi ko, even I did not expect that to come out my mouth. Ang tahimik ng paligid at tanging simoy at galaw ng mga dahon sa puno lang ang maririnig. I gave them a chance to speak pero ng makaraan ang ilang segundong katahimikan, I smirked at kinuha ko ang kamay ni Matt bago ko sya hinatak palayo. Nang makalayo na kami sa grupo ng mga babae na iyun, hindi ko na napansin na nakahawak pa rin pala ako kay Matt. Tumatakbo kasi sa isip ko yung mga posibilidad na mangyari sa mga susunod na araw. Did I just make the tension worse? Did I just tell them that I'm Matt's partner? Hindi ko man lang clinarify yung ibig kong sabihin. Paano kung isipin nila na girlfriend ako ni Matt? AHHHH parang gusto ko na lang makain ng lupa. Ang kabog ng puso ko ay parang isang malakas na tambol. I was still walking fast ng biglang magsalita si Matt, "Okay, partner. Malayo na tayo sa kanila. Pinagtitinginan na rin tayo ng mga tao." sabi sa akin ni Matt kaya napahinto ako at napalingon sa kaniya. Nung una ay sa mukha ako nakatingin pero ng mapansin kong parang may hawak pa rin ako, napatingin ako sa baba at duon ko lang na realized na magkahawak pa rin kami ni Matt ng kamay. Agad akong napabitaw sa kamay nya. Syemay! Nakakahiya! Napabaling ang leeg ko sa mga taong nakatingin sa amin. Yung iba ay nakangiti pero may mga matatalim na mata ang nakatingin naman sa akin. Parang mali na na pasa ko yung scholar ko dito ah! Napaupo ako sa sahig habang ang mga maya ko ay nasa ulo ko. "Ahh! Nakakainis! Nakakainis talaga!" napapailing kong sabi habang sinasabunutan ang sarili sa inis. "Chill! Sabi ko naman sayo, I'll protect you from her." grabe yung t***k ng puso ko nung ulitin nya yun. Ano bang nangyayari sa akin? Nabilis akong tumayo at humarap sa kaniya. Iniayos ko ang sarili ko pati na rin ang buhok ko na nagulo dahil sa pagkasabunot ko sa sarili ko. "Just tell me what you want from me." inis kong bulalas sa kaniya. Marinig na ng iba ang sinasabi ko pero wala na akong pake. "Alam ko naman na kaya mo 'to ginagawa kasi may gusto kang patunayan." dugtong ko pa. Nakatingin lang sya sa akin ng seryoso, para bang wala syang narinig sa sinabi ko. Nakakainis lang kasi, ayoko ng ganito. Ayoko ng may utang na loob. Ayoko ng sa huli, maniningil sila dahil niligtas nila ako, o kung ano man. Ayoko ng sa huli, ipapamukha nila sa akin yung mga ginawa nila sa akin. I hate this. I have enough on my hands, and I don't want any more of this bullshit! He smirked! yung smirked nya na mapang-asar, mapang-loko... mapang-akit. Yung mga tao sa paligid namin ay nakatingin na sa amin, pero wala na talaga akong pake. I just want answers. Inilapit nya ang mukha nya sa akin at nagsimulang bumulong sa tainga ko, "You'll find out!" mapangloko nyang sabi sabay tayo ng diretso sa harap ko bago ako tuluyang lampasan at maglakad palayo sa akin. I was too stunned to speak. So, tama nga ako. May pinaplano sya, and for all I heard about this Matt guy, nakakasigurado ako na hindi ito maganda. Habang iniisip ang sinabi sa akin ni Matt, I found myself standing up in the middle of the campus, tulala at parang gusto na lang maglaho ng parang bula. Pagkauwi ko, nakita ko nanaman si papa sa garahe, may kinakalikot nanaman na bintilador. Minsan nga napapaisip na lang ako kung sira ba talaga yun o gusto nya lang na laging may kinakalikot. I usually say hi to him kahit na hindi nya ako pinapansin pero this time, I stayed quiet. Okay na din siguro na ganito, yung hindi na lang kami nagpapansinan. I mean, I have tried my best na pansinin nya. I pay the bills, buy groceries, cook, clean... mention it... I did it all para lang mapansin nya, but nothing worked. Minsan nga ay napapaisip na lang ako e, what if lumipat na lang ako g tinitirhan? What if magsarili na lang ako? Pero hindi ko naman ginagawa kasi ako na lang ang meron si papa. Ako din ang dahilan ng pagka-amputated nya. Wala na syang trabaho kaya kapag umalis pa ako, ano na ang gagawin nya? kaya ito ako ngayon, mas pinipilit na tiisin na lang ang sakit na nararamdaman ko kaysa kung saan pulutin si papa. I can't even imagine. Dumiretso na ako sa kwarto ko para ibaba ang mga gamit ko at para magpalit na rin ng damit. Alas sais na ng gabi at kailangan ko ng magluto. Simple lang naman ang lulutuin ko, adobong manok lang. Baboy sana kaso wala na akong oras para magpakulo pa. Habang nagluluto ako, naghain na rin ako para kakain na lang kami pagtapos. Halos kulang isang oras ko lang ito niluto at ng matapos ay naglagay lang ako ng kanin at ulam sa plato ko at nagsimula na akong kumain. Matapos ko namang kumain, agad ko ring niligpit ang pinagkainan ko. Hinugasan ko ito pagtapos ay kumuha ako ng dalawang mangkok, isa para sa ulam at ang isa naman ay para sa kanin para kay papa. Hindi na kasi ako sinasabayan ni papa kumain kaya lagi na lang akong nauuna at iniiwanan ko na lang sya ng pagkain sa lamesa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD