Chapter 13: The Suplado King and The Arrogant Hero

1528 Words
Brittany Harries' POV "Kung ayaw mo, edi wag. Napaka-arte mong lalaki ka." bulong ko sa sarili ko habang pinapanood siyang naglalakad palayo sa hallway. Ang dami ko nang effort na ginawa para sa coat na 'yun tapos ganyan lang? Napaka-ungrateful talaga. Nasa harapan ko pa rin ang paper bag na may laman ng coat niya, pinaghirapan ko pang patuyuin nang maayos kagabi. Tinapat ko pa sa electric fan, siniguradong walang bahid ng amoy, at pagod na pagod akong i-check every few hours para lang siguraduhin na tuyo na ito. Pero ngayon, parang wala lang sa kanya lahat ng iyon. Ethan Montgomery, the suplado king of Kingsfield university. Napapikit ako saglit, huminga ng malalim, at pinilit na pakalmahin ang sarili. Pero hindi ko maiwasang maisip kung bakit ba ang hirap niyang pakisamahan. I mean, sino bang tao ang hindi maa-appreciate sa isang gesture ng effort? Lalo na kung maliwanag na maliwanag naman na hindi ko sinasadyang matapon yung drink sa kanya! Tsaka, kasalanan ko ba na bigla na lang syang sumulpot nun? Pero, sige. Kung ayaw niyang tanggapin ang coat niya, fine. Hindi ko na siya pipilitin. Kung ayaw mo, edi wag. Dumiretso ako sa locker ko at inilagay ang paper bag sa loob. Bahala siya sa buhay niya. Pagkasarado ko ng locker ko, nagulat ako nang biglang lumitaw sa harapan ko ang isang grupo ng mga babaeng mukhang naghihintay talaga sa akin. Si Joannah ang nasa gitna, naka-cross arms at may kasama siyang dalawa sa mga alipores niya. Kilala ko si Joannah—sikat siya sa campus, pero hindi sa magandang paraan. May aura siya na parang dapat kang mag-ingat kapag malapit siya, lalo na kapag kasama pa niya ang mga ‘minions’ niya. Thanks to Michelle, she told me those things. "Well, well, well," sabi ni Joannah, tumataas ang kilay at nakatingin sa akin na para bang nagkasala ako sa kanya. "Ikaw pala ang Brittany Harries na naririnig ko sa paligid. They said, you're friends with the heartthrob. I knew I recognized that face." lumapit pa sya lalo sa akin, "Ikaw yung kasama nila sa table nung nakaraan hindi ba? nakataas ang kilay nyang sinasabi iyun. Napakunot ang noo ko. So, pinag-uusapan ako ng ibang estudyante dito, just because nakasama ako sa grupo nila Michelle? Oh no! That is bad, very bad. baka dahil dito ay maungkat ang sikreto ko. Tinanggal nya ang kamay nya sa pagkakahalukipkip at sabay tulak sa braso ko, sapat na ang lakas para mapa-atras ako ng kaunti. Ano ba problema ng babaeng ‘to? Wala naman akong ginagawang masama sa kanila. In fact, ngayon ko lang talaga sila nakausap. “Uh, may kailangan ba kayo?” tanong ko, pilit na maging kalmado kahit kinakabahan na ako. Hindi ko gusto ang tingin niya, para bang may masama siyang binabalak. Tumawa si Joannah nang bahagya, sabay palit ng expression na parang may alam siyang hindi ko alam. "Don’t pretend you don’t know," sabi niya, malakas ang boses, kaya parang gusto niyang marinig ng lahat ng dumadaan sa hallway. "Alam namin kung ano ang nakita mo sa parking lot." Napatingin ako sa mga kasama niya, naghahanap ng kahit anong clue kung ano ang pinag-sasasabi nila. Pero nakataas lang din ang kilay ng mga alipores ni Joannah, parang ready na rin makisali sa drama. "Ano?" tanong ko, hindi ko alam kung ano ang sinasabi ng mga ito. "Ano bang nakita ko?" Napairap si Joannah at humakbang palapit sa akin, halos magkadikit na ang mukha namin. "Huwag ka nang mag-deny. Alam kong nakita mo kami kahapon sa parking area. Alam kong nakita mong may hawak kami…" Saka niya binaba ang boses niya, pero sapat na para marinig ko. "…may hawak kaming weed." Nanlaki ang mga mata ko. Weed? Ano bang pinagsasabi ng babaeng ‘to? Totoo nga na nadaanan ko sila kahapon sa parking area, pero wala akong napansin na ganun. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga sila pinansin kasi wala naman akong pakialam sa kanila. I mean, oo, kinabahan ako ng mapatingin sila sa akin, pero iyun lang ang dahilan kung bakit ako mabilis napaiwas ng tingin. Wala ng iba. Well, now I know. Thanks to her stupidity for telling me. Maganda sana e. Sabi nga ng iba, you can only have one. "I don't know what you are talking about," sagot ko, diretso at seryoso. Hindi ko kailangan ng ganitong drama sa buhay ko. Pero imbes na maniwala siya, tumawa lang siya ulit, at ngumiti na para bang nakakabasa siya ng kasinungalingan. "Oh, really? So you’re telling me na wala kang nakita?" "Oo," sabi ko, nakatingin sa kanya nang diretso sa mata. "Wala akong nakita. Bakit ko naman kayo iintindihin, hindi ko naman kayo kilala?" Bigla siyang ngumiti ng masama, pero hindi pa rin siya umaalis sa harapan ko. "Good," sabi niya, bahagyang huminga nang malalim. "Dahil kung kumalat ang tungkol dito… well, let’s just say hindi ka tatagal dito sa Kingsfield." Napaismid ako. Alam kong may power si Joannah sa campus, pero hindi ibig sabihin na dapat akong magpa-intimidate sa kanya. "Look, Joannah," sabi ko, pilit na nananatiling kalmado kahit na bumibilis ang t***k ng puso ko. "Hindi ko papakielaman ang mga buhay nyo, kaya kung nag-aalala kayo na may makakaalam, hindi iyon manggagaling sa akin." Ngunit bago pa siya makasagot, biglang sumingit ang isang pamilyar na boses. "Well, well, well, what is going on here?" It's Matt Woods. Bigla siyang sumulpot sa eksena, walang ibang kasama, at halatang nag-eenjoy sa tensyon sa paligid. both of his hands are in his pocket. Typical Matt, always drawn to chaos. Pumwesto siya sa pagitan namin ni Joannah. Ano 'to? pagtutulungan na ba nila ako? Gosh! “Oh, Matt,” sabi ni Joannah, pilit na nagpapacute sa kanya. "Hindi, wala. Kausap lang namin si Brittany." Pero kahit anong pilit niya, halatang hindi naman na-eengganyo si Matt sa kanya. Oohhh! I forgot na hindi nga pala siya pinansin nito nung nagpapansin sya sa mga ito nung nasa canteen kami. "Wala nga ba?" Matt raised an eyebrow, tumingin kay Joannah at sa mga alipores niya. "Kasi mukhang iba ang nakikita ko." Tumalikod siya, tumitig sa akin at ngumiti, na parang sinasabing huwag akong mag-alala. "So, anong kailangan mo kay Brittany?" Nakakunot pa rin ang noo ni Joannah, pero hindi na siya nakapagsalita agad. Mukhang hindi nya alam kung paano haharapin si Matt. Alam naman ng lahat na may reputation si Matt na hindi maganda, pero dahil mayaman at sikat siya sa campus, wala ring may lakas ng loob na kumalaban sa kanya. Well, from what Michelle had told me. Buti na lang talaga at nakilala ko si Michelle, kahit papaano ay nagkakaroon ako ng idea about sa mga estudyante dito. I mean, may times na pinagsisisihan kong sila yung nakasalama ko pero at the same time, I'm glad. “W-wala,” sabi ni Joannah, pilit na tinataas ang kilay niya para magmukhang hindi affected. "Nagkakamustahan lang kami." “Kamustahan ba talaga ‘yun? She looks uncomfortable.” sabi ni Matt, may konting yabang sa boses. Tiningnan niya ang mga kaibigan ni Joannah nang mabagsik, kaya napaurong nang bahagya ang dalawa. “I'm pretty sure na ayaw nyong malagay sa alanganin. Am I right?” Napailing si Joannah, halatang pilit na lang ang pag-ngiti. "Fine, Matt. Wala kaming problema kay Brittany," sabi niya, pero halatang napipilitan lang. Humarap siya sa akin at ngumiti na parang walang nangyari. "Well, see you around, Brittany. Sana naintindihan mo yung pinag-usapan natin." At bigla na lang silang naglakad palayo, halos nagmamadali. Bago sila makalayo, narinig ko pang bulong ni Joannah sa mga alipores niya, "Bakit kasi nandito si Matt?" Nang tuluyan na silang nawala sa paningin namin, binalingan ako ni Matt, naka-cross arms at may ngising mayabang. "Salamat." sabi ko sa kaniya kahit na alam ko namang hindi ko kailangan ang tulong ng kahit na sino. I can handle myself naman but I'm still thankful. "Hmm, parang kulang yata ‘yan sa sincerity," sabi niya, nilalapit ang mukha niya sa akin. "Wala man lang bang dinner treat d’yan o something? It’s not every day that Matt Woods decides to play the hero." Napatingin ako sa kanya, hindi sigurado kung nagbibiro ba siya o totoo. "Dinner treat? Balita ko mayaman ka ah. bakit ka nagpapalibre?" sya nga dapat ang nanlilibre sa akin e. Gosh! Tumawa siya, halatang natutuwa sa pang-aasar ko. "Come on, Brittany. Kung talagang sincere ka, iinom tayo ng coffee o kahit ano. Bilang pasasalamat mo sa akin." Napaisip ako saglit. As much as ayoko sanang bumigay sa pangkukurakot niya, totoo naman na tinulungan niya ako. Kahit na mayabang siya, may konting bahagi sa akin na na-appreciate ang gesture niya, kahit pa halatang gusto lang niyang i-rub in ang tulong na ginawa niya. "Fine," sabi ko, rolling my eyes. "Coffee. But don’t expect anything fancy." Ngumiti siya nang malaki, halatang natutuwa na pumayag ako. "Perfect. That’s all I need. Set the date." At bago pa ako makapag-back out, tumalikod siya at naglakad palayo, mukhang masaya na naman sa sarili niya. Napailing ako, pero hindi ko maiwasang mapangiti nang konti. Matt Woods. The arrogant hero. Pero wait lang, ako na nga ang manglilibre, ako pa ang mag se-set ng date? Aba ayos!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD