CHAPTER 1

1896 Words
Chapter-1 NAPAKAGANDA NG GISING ni Chanel nang umagang iyon. Ito ang araw na pinakahihintay nito. Ang maging malaya at magagawa na nito ang anumang nais. Laking mayaman si Chanel, nag-iisang anak ngunit hindi siya masaya sapagkat laging wala sa piling nito ang magulang.Tuwing bakasyon lamang niya ito nakakasama kaya ganun na lang kalungkot ang kanyang buhay. Mabuti na lang meron siyang mga naging kaibigan na laging nandyan for her. Isang katulong lamang ang kasa-kasama nito mula pagkabata hanggang siya ay ganap na dalaga. Kahit napaka-sad ng childhood niya ay pinaramdam naman sa kanya ng kanyang yaya ang pagmamahal at pag-aalaga nito sa kanya, Matapos siyang mag-aral ng kursong gusto nito ay naramdaman na niyang maging malaya at tuluyang subukan ang mga bagay na kanyang naisin. Nakatira pa din siya sa kanyang Mansion at nakabili na din ito ng sariling Condominium unit kung saan siya namamalagi kapag working days dahil malapit lang ito sa workplace niya. Every weekend lang ito umuwi sa Mansyon. She wants to be independent at this time kaya kailangan niya rin na mag-isa paminsan-minsan. Hindi rin naman spoiled brat at napaka-hardworking nito. Madalang makakauwi ang magulang niya kaya kapag nag-iisa ay hindi ito maiwasang malungkot at magdamdam. Mabuti na lang at hindi yum nakaapekto sa trabaho nito. Kahit nasanay man siyang laging wala ang magulang ay minsan gusto niya ding itong makapiling. Isang ganap na Architect si Chanel, at dahil din sa taglay nitong kagandahan ay nakuha ito bilang modelo ng isang Magazine at paminsan minsan ay rumarampa din ito sa mga fashion events kung saan nakasama niya ang isang binatang na maging kapareha niya sa naturang event. Sa paglipas ng panahon, ayaw na niya pahirapan ang sarili. Masarap sa pakiramdam ang pagiging single at malaya. Ngunit dahil na rin sa pangungulila ng nadarama ay may isang lalaki na nagpapabago ng lahat pati ang mga pananaw niya sa buhay. Isang lalaki na magbibigay ng kulay sa kanyang buhay. Siya si Santi ang manliligaw ni Chanel. Mahigit isang buwan na din itong nanliligaw sa kanya magmula ng magkkilala sila sa isang event kung saan pareho silang naging modelo. Una ayaw niya pa sana ngunit sa paglipas ng panahon ay unti-unti nang nahuhulog ang loob ng dalaga sa binata. Si Santi ang lalaking naging lakas ng dalaga, sandigan at sandalan tuwing kailangan niya ng kausap. Hindi rin naman mahirap mahalin ang binata at pinatutunayan nito na karapat-daapat siya sa pagmamahal ni Chanel kung sakali ay sasagutin na siya nito. Dalawang araw makalipas matapos sng mga commitment nila ay biglang nag-aya si Santi na lumabas silang dalawa ni Chanel. Bago yun ay nagtext muna siya sa dalaga. “Hey, Chanel. Are you free later this afternoon?” patanong niyang text sa dalaga. “Yes, Santi. Bakit?” replied nito. “Okay, Can I invite you out?” muli niyang text sa kanya. Napaisip si Chanel bago ito muling naka-reply. Hindi alam ni Chanel lang isasagot niya kasi it’s been a while na nag-imbita si Santi. Nasa balcony ng kanyang kwarto si Chanel ng mga oras na yun habang nakatingin sa phone niya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin at mararamdaman. Bigla niya naalala na nanliligaw pala sa kanya ang binata. “Bahala na si Batman!” sambit niya habang huminga ng napakalalim. Samantala hindi mapalagay si Santi dahil pakiramdam niya ay napakabilis niya at baka nabigla si Chanel. Kaya matagal sigurio ito nakareply sa text niya, Matagal na rin kasi silang hindi lumalabas. Makalipas ang ilang minuto ay tuluyan na ngang nagreply si Chanel. “Sorry for the late reply. Pwede naman tayong lumabas mamaya,” reply ni Chanel sa kanya. Nang mabasa ni Santi ang naturang message ni Chanel. Bahagya na napangiti ang binata. Hindi niya lmaiwasang kiligin at maging excited. Hindi na tuloy ito makakapaghintay at naghanda para mapuntahan ang dalaga. Kitang-kita sa mukha niya ang excitement sapagkat alam ng puso niya na sa araw na ito ay muli niyang tatanungin si Chanel. Katanungang paniguradong magpapaligaya sa kanya dahil nais din niyang malaman na meron nga ba siyang pag-asa or ibabasted ba siya nito. Habang naging abala naman ang dalaga sa pag-aayos ng sarili sapagkat alam niyang susunduin siya ng binata. Sa ilang buwan na nanliligaw sa kanya ang binata ay nasagi na rin sa isip niya ang status nilang dalawa, ang tunay niyang nararamdaman sa binata. Hindi naman niya maipagkakaila na unti-unti nang nahuhulog ang kanyang loob dito, Ayaw naman n iyang madaliin ang lahat pero sa puso niya ay meron ng puwang ang binata at kahit anumang oras ay maaari na niya itong sagutin. Makalipas nga ang ilang sandali ay dumating na si Santi sa bahay ng dalaga. Agad din naman silang umalis at tinungo ang isang lugar na gustong-gusto ni Chanel. Pumunta sila sa isang beach resort at doon sila namasyal. Dahil biglaan ay gusto lamang nilang mag sight seeing sa naturang lugar. Naghihintay din sa paglubog ng araw. Nasa dalampasigan ang dalawa habang magkatabing naupo sa buhangin. Habang nakatanaw si Chanel sa malayo ay hindi mapigilang pagmasdan at pakatiitigan ng binata ang maamo at magandang mukha ng dalaga. Napabuntong hininga ito bago tuluyang nagsalita. "Chanel….” sambit niya na ikinalingon ng dalaga. “Huh?” “Gusto ko lang malaman no na mahal na mahal kita, nais kitang alagaan at pakaingatan Pangako ko na hinding-hindi kita iiwan Will you be my girlfriend?." madamdaming pahayag at tanong ng binata sa dalaga habang hawak nito ang mga kamay. Halos hindi makapagsalita si Chanel habang titig na titig sa kanya si Santi. Hindi niya alam paano mag-react ngunit tila merong tumutulak sa kanya para sabihin ang mga katagang alam niyang pinakahihintay ng binata. "Santi, Mahal din kita" pag-amin nito na ikinatuwa naman ng binata.Napalundag at napasigaw pa ito sabay yakap at buhat sa dalaga na ngayon ay nobya na nito. Shane Therence Alonzo, certified hunk and bachelor. Isang Model at Engineer. Nagkakilala sila sa larangan ng pag modelo. They're consider as good couple, Sa simula pa lang ay umuugong na intrigang may relasyon ang dalawa. Subalit hindi ito pinapansin ng dalawa. Paano ba naman laging may nakakapansin sa sweetness ng dalawa.Parehong masaya at nakangiti ang magkasintahan. First Love ni Chanel si Santi kaya ganun na lang ito kasaya. Samantala Nasa Mini Bar si Zionne nang araw na iyon. Mag-isang umiinom sapagkat nagtalo na naman sila ng nobyang si Claudette. Claudette Alexis Salvador, ang babaeng labis na minahal ni Zionne na isang Photographer at Entrepreneur. Isang taon na silang magkarelasyon ngunit walang pagbabago sa kanila. Minsan pa nga On and Off ang kanilang relasyon. Oras, Selos at duda ang iilan lang sa sanhi ng kanilang pagtatalo na minsan nauwi sa hiwalayan. Linggo na umabot ng buwan ang hiwalayan ngunit sa huli ay magkakasundo ulit.. Magkagayon pa man, Mahal na mahal ng binata ang kanyang nobya kaya ayun nagtitiis pa rin sa walang pakundangan pagtatalo at di pagkakaunawaan. Selosa si Claudette, Hindi naman nito masisisi ang sarili sapagkat lapitin talaga sa babae si Zionne.. Tila may magnet ito kung dikitan ng kababaihan. Kung si Zionne ay nakakalungkot sa mga sandaling iyon.. Napakasaya naman iyon para kay Chanel. Everything for her is going good and perfect, her life where she can do whatever she wants, her career and of course her love life. Mahal na mahal niya ang nobyo kaya nga niya ito sinagot. Lahat ng pagkukulang ng magulang pakiramdam niya si Santi ang magpupuno. Ni minsan hindi siya iniwan nito, hindi kumwestiyon sa pagkatao niya, hindi nagduda sa kakayahan niya bagkus ay tinanggap siya ng buong-buo. Isang rason iyon upang mahalin niya ang binata. Dahil sa pagsagot ng dalaga ay agad silang umalis upang pormal na ipakilala si Chanel sa pamilya ng nobyo. Para di mahalata si Chanel ay ipinasyal muna ni Santi ito sa Mall bago tuluyang dumeretso sa bahay ng binata. Magkahalong kaba at galak ang naramdaman ni Chanel ng maharap at makilala sa unang pagkakataon ang pamilya ng nobyo. Mayaman din ang pamilya ng binata, Isang Businessman ang ama nito habang isang doktor ang ina. May dalawang kapatid ang binata na sina Sebastian at Kyrinne.. Mabuting pamilya ang pamilya ng binata kaya hindi mawala ang kakaibang ngiti ni Chanel. Hindi man niya ito inaasahan pero simula na rin ito ng magandang ugnayan sa pamilya ng nobyo kung sakaling ipakilala siya. NASA MANSIYON na ang dalawang sina Chanel at Santi. Ngayong gabi ay nakatakdang ipakilala ng binata ang nobya nito. Halos naroon na ang buong pamilya habang sila'y hinihintay. Nagtaka man si Chanel ngunit dahil kay Santi ay pilit nitong pinapakalma ang sarili. Ang ina ni Santi ang siyang naghanda ng naturang hapunan para sa kanila. Dahil na rin sa Excitement na nadarama ng ina ng binata ay siya na mismo ang nagluto para sa kanilang hapunan. Masaya lamang ito sapagkat nais na din nito na makilala ang nobya ng anak. Malapit sa ina at Mama's boy itong si Santi, Lahat ng magagandang nangyari sa kanya ay ang ina niya ang unang nakakaalam. Tulad na lamang nito, Pangalawang pag-ibig ng binata si Chanel. Mula nung nabigo nasaktan ito sa una nitong Pag-ibig ay medyo matagal-tagal pa bago ito nagkaroon ng relasyon ulit. "Iha, Wala pa ba ang Kuya mo?" tanong ni Merna sa anak nitong si Kyrinne. "Si Mama talaga oh! Hindi halatang excited.. Parating na yata sila Ma." sagot nito." Ay andiyan na pala sila Ma." anito nang makita ang papalapit na kapatid kasama ang napakaganda nitong nobya. "Iho! Thanks God, nandito na kayo." natutuwang salubong sabay yakap at halik ng ina nito. "Ma! Pasensya kung natagalan kami. Trapik kasi. By the Way si Chanel pala my girlfriend." turan at pagpapakilala ng binata sa ina. "Hello Iha! Welcome.. You know my son has told me everything about you and it seems he has the right choice, doesn't it?" galak nitong sambit sabay beso-beso sa dalaga. "Hello po Tita! Nice meeting you po." nakangiti ding bati ng dalaga. "Oh siya! Halina kayo nang makakain na." aya ng ina ng binata. "Baby, Meet my father and my siblings." "Hello po. Good evening po." "Sebastian is my name.. Glad to meet you,." "Chanel po." "Okay Chanel, huwag kang mahiya ah.. Ituring mo ng pangalawang tahanan itong bahay namin." "Salamat po Kuya." "Ate Chanel, ako pala si Kyrinne or Kai. Ang prinsesa ng pamilya." si Kyrinne. "Hi Kai! Kumusta? Nice meeting you." "Oh Siya kumain na tayo. Ako nagluto ng lahat ng iyan." pagbibinata ni Merna sa kanila. Napasarap ang kwentuhan nila ng matanong si Chanel tungkol sa kanyang pamilya. Biglang nalungkot ito na hindi naman nakaligtas sa kanila. Dahil nga sa labis na kagalakan ng pamilya ni Santi, kulang na lang ay hindi nila ito papauwiin. Masayang kausap si Chanel at magkasundo talaga sila ng ina at kapatid ng binata. Samantala masaya naman si Santi sa malugod na pagtanggap ng kanyang Pamilya sa babaeng pinakamamahal. "Ma, It's getting late, may pasok pa si Chanel bukas." wika ni Santi sa ina. "Naku! OO nga Anak, napasarap yata ang kwentuhan namin ni Chanel, tuloy hindi namin namalayan ang oras." turan naman ni Merna sa kanila. "Pasensya ka na Iha ha!" "Ayos lang po 'yun Tita, Pa'no mauna na po kami." si Chanel. "Alis na kami.. Balik po ako agad pagkahatid ko sa kanya." "Sige, Mag-ingat kayo. Iha, Sa weekend punta ka dito." "Sige po Tita." Nakapag-paalam na nga ang dalawa, napakasaya namang nagkwento si Chanel sa mga napag-usapan nila ng ina at kapatid sa kanyang nobyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD