CHAPTER 3

1033 Words
Fatty's POV Kinabukasan, mukhang ako ang unang nagising dahil nakapatay pa ang mga ilaw sa salas at maging sa kusina. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng makakain at dumiretso sa pool garden ng aming bahay. Binabad ko ang paa ko sa tubig habang kumakain ng aking almusal. Tumingin ako sa relos ko at mag a-alas-sais pa lang. Kahapon kase ay magdamag akong naka tambay sa kwarto matapos ng paglalakbay ng isip ko sa ibang dimension. Nakakasiguro akong panaginip lang iyon. Hindi maaaring mag katotoo iyon. Matapos kong kumain, kumuha ako ng robe na naka sampay sa railing ng ikalawang terrace. Hinubad ko na ang aking damit at tanging bra't panty na lang ang natitira. Lumusong na ako sa tubig at niyakap ako ng malamig na simoy ng hangin. Patuloy lang sa ako sa paglangoy habang ang utak ko naman ay lutang. Siguro, kung hindi namatay si Mommy, hindi ako magkakaroon ng panibagong ina. Sabagay, ako ang pumilit kay Daddy na mag mahal muli at si Tita Nancy ang inibig niya. Pero.. hindi ko naman alam na may anak pala si Tita Nancy na porn addict. Maayos naman ang turing sa akin ni Tita Nancy, pero ang tatlo niyang anak--HINDI!! Si Darren, siya ang panganay sa magkakapatid kahit na kambal sila ni Nik. Limang minuto daw kasi ang pagitan nilang dalawa. Oh, si kuya Darren ay isang nakakatakot na nilalang na nabubuhay sa mundong ibabaw. Lagi niya akong tinitignan ng masama at pinagbabantaan din simula palang nung unang kita namin. Lagi niyang sinasabi sa akin na isasama raw niya ako sa bahay niya na puro mga gangster and b***h ang naroon. Sinong hindi matatakot do'n? Si Nik, magkaiba sila ni kuya Darren. Kung si kuya Darren ay nakakatakot na nilalang, si kuya Nik naman ay nakakabwisit na nilalang! Palagi siyang nananakit sa akin at minsan din ay pinagbabantaan ako. Bully kumbaga. At isa pa, manyakis at malibog siya!! Nung minsan nga, wala si Daddy at Tita Nancy sa bahay kaya kaming apat ang natira sa bahay. Si kuya Darren ay nasa rooftop at umiinom. Si kuya Vhinz naman ay nasa game room at naglalaro ng just dance. At ako naman ay nasa kwarto habang nakikipag face time sa kaibigan kong si Mindy. Naudlot ang pag-uusap namin nun kasi nakarinig ako ng ungol tapos sinisigaw 'yung pangalan ni kuya Nik. At sa huli, nahuli kong may ka s*x si kuya. Si kuya Vhinz, maalaga at mapagmahal naman siya. Pero nakakahiligan na niya kasi ang kotongan ako sa noo, pingutin ang tenga ko, kurutin ang ilong ko, ginugulo ang maayos kong buhok at hilahin ang nguso ko kapag naka simangot ako. Sinong hindi maiinis doon?! Ginawa niya akong teddy bear! Natigil sa paglalakbay ang utak ko ng may parang tumalon sa pool. Huminto ako sa pag floating at nakita ang naka ngising mukha ni kuya Vhinz. "Wit-wew!" sipol niya at binabasa ako kahit na basa naman na ako. Sumunod na tumalon si kuya Darren at parang hangin lang ako dahil hindi niya ako pinasadahan ng tingin. Patuloy lang siya sa paglangoy habang kaming dalawa ni kuya Vhinz ay nagbabasaan at tumatawa. "Ang cute niyong magkakapatid!" kinikilig na sabi ni Tita Nancy. Lumingon kami sa kaniya at nakita namin na mukhang kararating niya pa lang. "Tch. Asa, Mom. Asa." nakakalokong sabi ni kuya Darren. "Hindi pa nga kayo kasal ni Tito Daddy eh." singit naman ni kuya Vhinz at napanguso na lang si Tita Nancy. "Kahit na! Sa tagal ng panahon niyong pagsasama ay para na rin kayong tunay na magkakapatid." maktol ni Tita Nancy at pumasok na sa bahay na nag mamartsa. Saktong pagpasok ni Tita Mile ay ang paglabas naman ni kuya Nik na naka top less at may hawak hawak na iilang bote ng alak. Saka ko lang napansin na tatlo pala silang naka shorts lang at minomodel ang naghihimutok na abs habang ako naman ay naka bra't panty lang. Hindi naka bikini. Hindi naka two-piece. Bigla akong may naramdaman na kung ano sa loob ng sikmura ko at ito ang ayaw ko sa lahat. Shit! Dinadalaw na naman ako! Umahon na ako sa pool at ibinalot ang robe sa katawan. Tumakbo agad ako sa kwarto ko at sa banyo at mabilis na nag asikaso ng sarili. Matapos kong magbihis, muli akong bumaba at nakitang nakabihis na rin ang tatlo kong kuya. Nakaharap sila kay Tita Nancy habang patango-tango. "Sakto, Fatty! Samahan mo silang tatlo sa mall para bumili ng kakailanganin sa Palawan trip niyo!" tuwang tuwa na ani Tita. "P-Po?" tumingin ako kay kuya Darren na masama ang tingin sa akin. "H'wag na po. Meron kasi ako ngayon.." "Edi bumili ka ng kailangan mo sa mall! Go!" sabi ni Tita. Hinila niya kaming apat sa damit namin at itinulak sa van. Wala naman na akong nagawa kaya naman ay sumama na lang ako. *** "Tsk! 'Yung piatos na malaki kasi!" "H'wag ka ngang epal Nik! 'Yung Lays ang gusto ko!" "Nagtatalo pa kayong dalawa. Bakit hindi niyo na lang bilhin 'yan?" "Piatos!" "Lays!" Tulak-tulak ko ang cart habang si kuya Darren ay nasa gilid nito at hawak ang railings. Habang ang dalawa naman ay palaging nagtatalo sa bibilhin. Nakaramdam na naman ako ng kung ano sa sikmura ko kaya naman ay naisipan kong pumunta sa napkin station. Sumundo naman ang tatlo na may pagtataka sa mukha. "Anong gagawin natin dito?" tanong ni kuya Nik. "Me-Meron kasi ako ngayon.." nahihiya kong sabi habang nakayuko. Tumakbo bigla si kuya Vhinz at Nik habang si kuya Darren naman ay nakakunot ang noo. Bumalik naman agad ang dalawa at may hawak ng kung ano. "Eto Fatty oh! Diaper, para may supporter ka at hindi matagusan." nakangiting sabi ni kuya Vhinz. What the? "Tanga. Pang baby lang ang diaper. O eto, band aid. Itapal mo diyan sa ano mo para huminto sa pag dugo." si kuya Nik naman at inabot sa akin ang isang box ng band aid. The f**k?!! "Mga bobo! Magaling lang kayo sa pag score pero hindi niyo alam ang kailangan ng babae pag meron sila? Napkin ang kailang ni Fatty." inis na sabi ni kuya Darren at dumampot ng anim na pack ng napkin. Habang si kuya Vhinz at Nik naman ay nagkatinginan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD