Episode 21

2539 Words
"Natulog ako no! Kakagising ko lang kaya." Sabi ko tumango tango lang sya, sabay binalingan ng tingin si Trix ng tingin at ngumiti. 'Anong ningingiti-ngiti nya jan! Sarap mo na talagang sapakin.' "Wala na yong ulan, pwede ka ng umalis." Walang gana kong sabi. "E ang aga aga pa Ken, inaantok pa nga ako. Tyaka nalang ako aalis pag nagising si Trixie gusto kong mag paalam sa kanya bago ako umalis." At bakit ka naman mag papaalam sakanya?! Jowa mo ba sya huh, hindi naman diba! Di ka naman siguro mamamatay pag di ka nag paalam na bababeng yan! "Umalis ka na," sabi ko sabay tayo at binuksan yong pintuan. "Ang harsh mo sakin Kenny." Parang bakla nyang sabi, tinignan ko sya ng masama kaya nag seryoso naman sya. "Ba't ba galit ka sakin Ken?" Seryoso nyang tanong. Bakit nga ba ako galit sakanya? Ay ewan basta naiinis ako pag nakikita ko yong pagmumukha nya lalong lalo na pag nakikipag landian sya kay Trix! "Nag seselos ka ba samin ni Trix?" Napatikom naman ako ng bibig. Nag seselos? Ako? Shutangina ba't naman ako mag seselos sa kanilang dalawa huh!! Hindi ba pwedeng naiinis lang ako pag--- bwesit basta naiinis lang ako period!! "Pfft ako nag seselos? Really Steven. Are you joking? Bakit naman ako mag seselos sa inyong dalawa." Diin kong sabi. "Oh okay nag tatanong lang naman ako. Akala ko kase mahal mo na sya kaya ganyan yang inaasta mo, kahapon ko pa kase napapansin na parang galit na galit ka sakin. Nakikita ko sa mga mata mo na parang nag seselos ka. Well mali pala ako." Oo mali ka talaga, maling mali! "Kong tapos ka ng dumaldal, pwede ka nang lumabas." "Aalis lang ako pag nagising na si Trix." Pag mamatigas nya, kong kaladlarin nalang kaya kita para masaya. "I said leave. Now." Maawtoridad kong sabi. "Ken---" di na nya natapos ang sasabihin ng biglang mag ring yong phone nya. "Hello? What? Right now?" Binalingan nya ako ng tingin, bago sumagot don sa katawag nya. "Oh okay. I'll be there in 30 minutes." Sabi nya don sa katawag at binaba na ang linya. "As you wish aalis na ako Ken, pakisabi nalang kay Trix na pupunta ako dito pag may time ako, and then paki sabi narin na I love you." Saad nya bago lumabas ng kwarto. 'and then paki sabi narin na I love you.' "What?! Pakisabi narin na I love you???? I love you!!!! Pweee!" Napatakip ako ng bibig, napalakas kase yong boses ko baka magising yong bruhang 'yan! 'Ba't may I love you! Friends lang sila diba! Dapat nga di nakikipag kaibigan si Trixie kay Steven, kase ang babae at lalaki hindi pwedeng maging friends. Dyan naman nag sisimula ang lahat diba? Sa pagiging kaibigan tapos ma f-fall sila sa isat-isa ganern!' Oh baka naman sila na talaga! Diba narinig ko si Trixie nong nakaraan, nag I love you sya kay Steven don sa telepono! Pag nalaman ko talaga na---- "Hubby ano ba hahah wag ka ngang ganyan! Nakikiliti ako!" Nabaling akong tingin ko kay Trix na tumatawa ngayon..... At ang weird kase tulog sya, nakapikit parin yong mata nya...? What the fvck anong nangyayari sayong babae ka?! Nananaginip kaya sya? Ano naman kaya yang napapaginipan nitong bruhang 'to. "Steven, steven i love you!" Nanlaki ang mata ko sa binanggit nya. Shutangina ano bang pinagsasabi mo jan Trix!! Nakakagigil ka na huh!!! 'Grrr maka labas na nga lang sa kwartong 'to!! Baka kong ano pang magawa ko sa babaeng 'to pag nanatili ako dito!' E n d O f F l a s h b a c k "Hoy Ken!!" "Arayyy!! Anong bang problema mo ha?!!" Napahawak ako sa ulo ko, binatokan ba ako ng babaeng 'to?!! Tinignan ko sya ng masama. "Ikaw kaya yong may problema hubby. Kanina pa ako nag sasalita dito tapos di ka pala nakikinig! Kaya binatokan kita heheh sige babye maliligo na ako." "Oo sige maligo ka na." Saad ko sabay tulak sakanya, dahilan para matumba sya, napatawa naman ako ng mahina. Nag simula na akong mag lakad, narinig ko pang tinawag nya ang pangalan ko pero di ko 'yon pinansin. _ Nandito ako sa harap ng hagdan inaantay yong bruha. 'Antagal naman ata nyang mag bihis, Ilang damit pa ba ang sinukat ng bruhang 'yon? 20? 50? Hayst pag ako talaga na inip iiwan kita dito, aalis nalang ako mag isa Trix.' Dahil na busy ako sa pag c-cellphone, di ko namalayang nandito na pala sya sa harapan ko. Unti unti ko syang nilingon, napakunot naman yong noo ko sa suot nya. Aalis sya na ganyan ang suot nya?!! "Ano yang suot mo?!!" "Damit, di ba halata?" Namimilosopo ka nanaman Trix! "Wag mo 'kong pilosopohin Trix! Ba't ka ba naka short!" Wala ba syang ibang masusuot at short pa talaga pinili nya! Ba't ba ang hilig nya sa mga maiiksing damit?! Sinasadya nya ba yan para pag tinginan sya ng mga lalaki! "Luh e gusto kong mag short pake mo ba? Pinag usapan na natin to kahapon diba na walang pakialamanan, at pumayag ka naman don. I'm I right?" I just rolled my eyes on her, tigas ng ulo pag ikaw talaga nabastos don sa mall wala na akong pake!! Wala naman talaga akong pake sayo. Tinalikuran ko na sya pero humarap ulit ako ng may biglang maalala. "Teka, bagong bili yata 'yang short at t-shirt mo?" "Oo bago talaga yan, ngayon ko pa nga na suot to." "Waka akong maalala na umalis ka para bumili ng bagong damit." Saad ko at nag cross arm. "Di naman ako umalis e." Nakanguso nyang sabi. Nabaling naman yong tingin ko sa labi nya para bang don naka tuon ang atensyon ko sa labi nya. Bigla kong naalala yong halik kanina. Napaiping iling ako. Ano bang iniisip mo Ken huh!! Mali yon okay, isa yong pagkakamali, na ano ka lang non.... Ahm basta di mo sinasadya yon! "So pano mo nabali yan kong di ka pala umalis?" "May nag bigay ba nyan sayo?!! Si Steven ba nag bigay nyan!!?" At kailan naman nyan binigay ni Steven sakanya?! Kahapon? Yong time na naglalandian ang mga pesteng 'to?! _ T r i x i e ' s P o v . "Hindi ah. In-order ko to....." Agad kong tinakpan ang bibig ko. Oopps heheh hutangina sasabihin ko ba o hindi? Kong wag nalang kaya baka magalit si Ken e. "In-order saan?" Oh my narinig nya pala yon hutangina! "Ahhh ehhh....." Nag dadalawang isip pa ako kong sasabihin ko ba o hindi. "Ano nga Trix?!!" Inip nyang sabi. "Sa ano, sa shoppe heheh." Shoppe 7/11 ganon. "Pero ko nanaman ba ginamit mo Trix?!" If lang ba yon lahat "Malamang, wala naman akong trabaho pano ako magkaka pera? At tyasa diba dapat binibigyan mo ako ng pera kase asawa mo ako?!" Dapat lang talaga na binibigyan nya ako ng pera kase ako ang asawa no! "Tsk. Ang daldal mo." Iniiba mo yong topic ah, okay sige pag bibigyan kita ngayon hubby. "Tara na. Ang daldal mo." "Wait, wala akong maalala na binigyan kita ng pera." Taka nyang sabi, napatampal ako sa noo hayst ba't napansin mo pa yon Ken, ano bayan akala ko kinalimutan mo na ang topic na 'to. 'Pano mo naman maaalala kong tulog ka hubby?' "Nangunguha ka ba sa wallet ko? Napapansin ko kaseng unti uting nawawala yong mga tig 500 at 1000 o kahit mga sukli ko nawawala." Luh grabe naman yong nangunguha, di kaya ako nangunguha! Nanghihiram kamo. "Luh di nga ako nag nanakaw at mas lalaong hindi ako nangunguha, pinag usapan na natin to kahapon diba!" "Sabi mo yong pera ko ang ginamit mo diba." "Ah basta di ako nag nakaw kase kapag nanghihiram ako ng pera sa pitaka mo e nag papaalam muna ako no!" Kumunot naman yong noo nya dahil sa sinabi ko. "I don't remember na nag paalam ka sakin Trix." He said in a serious tone. "Hindi mo talaga maaalala kase tulog ka non, ambobo nito." Mahinang sabi ko sa huli. "What the fvck!!" Hoy bunganga mo! What the fvck ka jan! "Dapat ba sa pitaka mo ako mag papaalam?" Tinignan nya ako ng masama, aba mukhang ready na akong patayin ni Ken. Bakit naman kaya? May mali ba akong nasabi? Oo mukhang meron nga. "Heheh peace, di na mauulit." "Hindi na talaga mauulut kase mapapatay kita ngayon!!" "Sige subukan mo isusumbong kita kay Tito." Banta ko. "Good gay dog." Tinignan nya nanaman ako ng masama yong parang gusto nya nanaman akong patayin. Diba sya natatakot makulong? Sayang yong ganda ko hubby kong papatayin mo lang ako, maraming iiyak na lalaki. "Oh may problema ka hubby? Kong may problema ka sakin, si Tito kausapin mo huh." "Just shut up Trix!" "Just shut up too Ken!" Panggagaya ko, napahawak naman sya sa batok nya. Aruy tumatanda na yong lolo nyo mga apo. "Crazy bitch." Tanging sabi nya bago nag umpisang mag lakad. "Mas crazy b***h ka." Panggagaya ko nanaman pero mabuti nalang at hindi nya narinig, hindi naman sa natatakot ako sakanya no. "Narinig kita Trix." Ayy narinig nya pala? Tsk talas talaga ng pandinig mo e no, "Kong ano ano nanaman yang iniisip mo, dalian mo na nga para maaga tayong makauwi." 'Maaga? Hala nananaginip ka ba hubby? Malapit na kayang mga hapon tapos sasabihin ming maaga tayong makakauwi? May sayad ka na talaga.' 'Ah baka gusto ni hubby na bukas na kami umuwi, pero san naman kami matutulog? Sa hotel? E hate ni hubby matulog sa hotel o kong saan man yan, di kase sya comfortable matulog pag di sya sanay. Yong di sya nakakatulog ganon.' "Oh anong ginagawa mo?" Tanong nya ng sasakay na sana ako sa backseat. Ano bang akala nya sa ginagawa ko? Matutulog ganon? Syempre sasakay para makaalis na kami, alangan namang magpa iwan ako diba. "Sasakay?" Patanong kong saad. "Dito ka sa driver's set. Gagawin ko pa yata akong driver mo e!" Ako na mag d-drive? Hmm okay, kailangan ko rin naman matutong mag drive, siguro oras na para mag practice akong mag drive. Para naman ma proud si hubby sakin. Pumunta naman ako sa harapan, binuksan ko yong pinto at umupo sa driver's set. Taka ko naman syang tinignan ng napatampal siya sa noo. Napasinghap ako ng bigla nyang hinila yong braso ko at pinalabas sa kotse. 'Ano bang problema ng baklang 'to?! Pinapaupo nya ako dito tapos kinaladkad palabas? May sayad ka ba sa utak huh Ken?' "Hindi jan!" "Sabi mo dito ako umupo diba?!" Kunot noo kong tanong. "What I mean is don ka sa kabila, hmm ano nga ba tawag jan?" Abay malay ko, ba't ako tinatanong mo gagu ka pala e! "Ah basta dyan ka sa tabi ko, di ka naman marunong mag maneho kaya di ka pwede sa driver's set!" Bakit sino bang nag sabing marunong akong mag maneho? Diba wala. Gulo mo ring kausap hubby. "Ba't parang kasalanan ko e' ikaw nga 'yong ambobo mag paliwanag." "Di ako bobo mag paliwanag sadyang TANGA ka lang!" Diin nyang sabi. "Mas TANGA ka!" Pasigaw kong sabi at diniin rin yong salitang tanga, tsk sino ba sya para sabihan ako ng tanga huh?! "Mas pu-TANGA ka!" Aba gusto mo pala ng ganyanan huh, akala mo wala akong alam sa ganyan Ken, mali ka kase pag dating sa ganyan magaling ako. "TANGA-mo!" "Trix-TANGA!!" "Ken-TANGA!!" "Shu-TANGA-mo!!" "Hu-TANGA-mo!!" Di ako mag papatalo woyy! "Tumigil ka na nga!" Abay ikaw yong nauna e, tapos ako yong pinapatigil mo!! "Ikaw yong tumigil!" Sigaw ko sakanya. "Ikaw nauna e!" Pinag bintangan pa ako hutangina talaga!! "Ikaw kaya!" "HOY TUMIGIL NGA KAYO SA KAKASIGAW!! DI LANG KAYO ANG NAKATIRA DITO SA SUBDIVISION HA!!!" "Ikaw kase e," pabulong nyang sabi. "Anong ako kase, upakan kaya kita jan Ken!" "Bleeee," hutangina hindi ka bata para mag gaganyan hubby! Sumakay nalang ako para wala ng gulo. _ "Arayyy hutangina!!" Hinimas himas ko yong noo ko, tinignan ko si Ken na ngayoy nakatingin rin sakin. Hinampas nya ba yong noo ko? Sakit non ah! "Kanina pa kita ginigising babae, alam mo bang ayaw kong tinutulugan 'tong sasakyan ko, lalo na kong ikaw yong matutulog." Taas kilay nyang sabi. "Bakit nakatulog ba ako?! Di naman ah!" "Sige deny pa! Lumabas ka na nga!!" Sumilip ako sa labas ng bintana. "Teka sabi ko sa mall tayo pumunta hubby! Ba't naman nandito tayo sa..... Ano nga tawag dito? Ahm sa Jollibee??" "1:06 pm na, kaya inihinto ko muna dito. Bakit ayaw mo pa bang kumain." "Luh syempre gusto ko ng kumain no, kanina pa kaya ako nagugutom." "Alam ko kaya nga pagka kita ko sa Jollibee e huminto kaagad ako. Habang tulog ka rinig na rinig ko yang tyan mo, kanina pa nag mamaktol yong mga bulate mo sa tyan!" "Nag kausap ba kayo ng mga bulaye sa tyan ko Ken? Anong sabi nila? May sinabi ba sila sayo?" "Halika na nga nababaliw ka nanaman, kailangan mo na talagang kumain." Sabay hila nya sakin palabas, grabe makahila si hubby nakalimutan nya sigurong tao yong hinihila nya at hindi kong ano anong bagay. Ang harsh nya talaga sakin. Pagkatapos naming kumain e dumiritso na kaagad kami sa mall para mamili na ng mga gusto kong pagkain heheh siguradong busog ako nito palagi sa bahay. Hmm kasya kaya lahat ng bibilhin ko sa kotse ni Ken? Balak ko sanang hakutin lahat ng makikita kong pagkain, kaso baka sabihin sakin ni Ken na abuso ako, kaya wag nalang. "Ikaw na nga magtulak nitong cart!" Kanina ka pa nag rereklamo dyan hubby. "Ikaw yong lalaki, kaya ikaw mag tulak nyan." "E sayo nama to lahat, kaya dapat lang ikaw mag tulak nito." "E ikaw yong magbabayad nyan lahat kaya ikaw mag tutulak." "Fvck you!" "Fvck you too!" Natatawa kong sabi, nawala naman ang ngiti ko ng makita ang isang batang babae na nakatitig sakin. Mga nasa 13 or 14 na yata ang batang 'to. 'Nako, narinig nya ba yong sinabi ko?' "Hello bata." Masaya kong sabi. Ang cute nyang bata, mahilig ako sa mga bata lalo na kong cute sila parang ako, oh ang papalag sasakalin ko. "Ang bad po ng bibig nyo." Narinig nya nga, ngumiti ako ng pilit sakanya. "Heheh pasensya na narinig mo pala yon." "Ang gwapo nya." Rinig kong bulong nya sa sarili. Sinong gwapo? Sinundan ko kong saan sya nakatingin, napangisi naman ako ng kay hubby pala. Gwapo naman talaga si Ken. "Asawa mo ba sya ate?" Abay iniba ang usapan, hmm okay lang mas mabuti nga yon. Ngumiti ako at tumango ako bilang sagot. Tinignan ko si Ken na ngayoy nakatingin saming dalawa. "Asawa mo po ba sya kuya?" Tanong nya kay hubby, tsk sinagot na kita ah! Akala mo ba nag sisinungaling ako huh! "No." Tanging sabi ni Ken na ikina laglag ng panga ko. No. No? Anong no ka jan Ken?! Dapat siguro pag aalis kami ng magkasama sa bahay dapat dalhin ko yong wedding pictures namin, basta lahat ng napapatunay na mag asawa kami. "Ate alam nyo ba---" "Hindi ko alam." Putol ko. "Hindi kayo bagay ni kuya, kase mag bagay kami." Abay malandi kang bata ka ah!! nag sisimula nakong mainis sayong bata ka!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD