Third Hour of the Punishment

1296 Words
Dayle's POV Nagbabasa lang ng student handbook 'tong kasama ko. Mag-iisang oras na s'yang nagbabasa. Halos patapos na nga e. Parang ewan lang, basahin ba naman daw yun. Ni ako nga, since grade 7 hindi ko pa nabubuklat yung handbook ko. Ang alam ko lang, nirevise yun nung second year kami. May dinagdag na page daw. Well, pake ko naman at pake niyo rin? Dalawang oras at sampung minuto na rin kaming magkasama. Limampung minuto na lang tapos na ang parusang ito. Naparusahan ako ng walang kasalanan! Bu@!$#llsht! Nagkamali sila e. Transferee naman pala 'tong nahila ko! Nasan na ba kasi ang mga yun? Kanina pa kaming ikot ng ikot sa school. Nalibot na nga namin pero di pa din namin sila makita. Nauuna akong maglakad dito sa kasama ko. Ayoko s'yang sabayan. Baka naman isipin niya, feel na feel ko siyang kasama. Naramdaman ko na lang, bumagal yung paglalakad n'ya. Ngalay na kaya? Nilingunan ko s'ya at... Namimilipit s'ya habang naglalakad! Anong nangyayari sa babaeng 'to?! Parang may pinipigil na kung ano! *** The Transferee's POV Kani-kanina ko pang pinipigilan pero parang... Hindi ko na ata kaya! Hindi ko na nga talaga kaya! Hinding hindi ko na talaga kaya! Kung bakit ba naman kasi napadami ang inom ko ng drink! Naiihi na tuloy ako! Oh, gosh. Let me pee! Napalingon naman si Kuya SMP. Nakaramdam ata? Sorry na po. "Oh, nangyayari sa'yo?" tanong niya. Intra: Ihing-ihi na 'ko! "A-ano kasi kuya... I think—-" Oh lupa lamunin mo na ako! Di ko kayang sabihin! Nakakahiya! "Ano nga kasi?!" Ayan! Galit na naman ata! Nakakatakot na ulit s'ya! Ano ba?! Napepressure ako! Sasabog na! Sasabog na! SASABOG NA! Waaaaah! NO CHOICE! "Kuya! Pee! Let me pee!" ayan, nasabi ko na! Nanlaki naman yung mga mata niya tapos namula pa siya! Susme kuya mamaya kana magemote! Sasabog na! *** Dayle's POV Napalunok ako sa sinabi niya. Anong gagawin ko?! Ihing-ihi na pala siya. Mukhang sasabog na! Isip Dayle, isip. Alangan namang sa CR ng boys ko siya dalhin e babae s'ya at alangan naman sa CR ng girls e lalaki ako! Bu@!$#llsht! Ang hirap! Anong gagawin ko?! Lintek na posas naman kasi 'to! Pahamak! Tinuro ko yung damuhan sa may likod n'ya. Buti na lang nasa may garden kami. Wala masyadong tao. "Huh?" tanong niya. "Dun! Dun ka umihi!" sabay turo ko sa damuhan. Nanlaki naman yung mata niya. Ano bang iniisip nito?! "Oh? Wag ka ng maarte!Wag kang mag-alala! Hindi kita sisilipan!" sabi ko na lang sa kanya... Alam ko namang yun yung nasa utak n'ya e. Tumakbo naman agad s'ya dun sa damuhan! Ihing ihi na talaga siya. Hindi na nag-inarte. Pinilit ko talagang hindi mapatingin sa kanya. Di ko din naman maaatim na manilip ng babae. Tumalikod ako tutal yung posas naman ay nasa kanang kamay n'ya at sa kaliwang kamay ko nakalock. Mga isang minuto din bago s'ya natapos. Grabe! Parang gripo ang ihi niya! Ang lakas ng tunog! Waterfalls e! Natatawa tuloy ako! Bu@!$#llsht! *** The Transferee's POV Hoo! Success! Akala ko magkakasakit na ako sa bato e! Tumayo na ako. Di man lang nakapagpunas/hugas. Ew. Pagtingin ko kay Kuya SMP, nakangiti! Halatang nagpipigil ng tawa! Syems, bakit naman kaya? Kita ko naman s'ya kanina e. Hindi s'ya nakatingin habang jumigingle boo ako. Bakit ba siya ganyan?! Bakit siya nagpipigil ng tawa?! "Hoy kuya, bakit ka natawa ha?!" "Wala!" sabi niya sabay ngiti. Ngumiti siya. Syems. Nalaglag ata panga ko, pakilimot sa makakakita. Lord, no joke. I'm drooling. Is this heaven? *Snap* Napailing na lang ako.Nakatingin lang siya sa'kin. Tinalikuran ko na lang siya at nagpatuloy na lang ako sa pagbabasa noong handbook na hawak ko. Malapit na rin akong matapos. Tatlo pala may-ari nito. Sina Mr. Ceniza, Mr. Chua at Mr. Cortez. Puro 'C' ah, ayos. Three pages to go at tapos na rin ako. Halos 2 hours and 30 minutes na din kaming magkasama ni Kuya. 30 minutes na lang at goodbye posas na! *** Dayle's POV Ayun! Sa wakas! Nakita ko rin. "Prince! Zaidian! Ash!" tawag ko sa kanila. Napatigil naman sila tapos napatingin sa amin nitong katabi ko tapos lumapit. "Zup Bro? 30 more minutes left you know. Enjoy ka muna..." pacool na sabi ni Prince. "Zup bro ka dyan, kalagan n'yo na kami! Mga bobo! TRANSFEREE 'tong nahila ko!" Nagulat silang tatlo sa sinabi ko. Aba, dapat lang. Bu@!$#llsht! Napatingin naman sila dito sa Transeferee na 'to habang nagbabasa ng handbook. "Mukha nga bro! Wait, tawagan ko lang si Ynez, nasa kanya ang susi e." sabi ni Ash sabay dial sa phone n'ya. Si Zaidian naman nakatingin lang dito sa katabi ko. Maya-maya, dumating na si Ynez, kaklase namin na bestfriend ni Ash. Kinalagan na n'ya kami. Atlast! *** The Transferee's POV Nahanap na n'ya yung tatlong chinito. Pakinig ko pinag-uusapan nila pero deadma lang ako. Busy ako e. Nagbabasa ako ng handbook. Nasa last part na ako. Yung about sa school activities at sa special—- "Pasensya na, transferee ka pala." sabi noong babaeng lumapit. Tinanggal niya na yung posas. Syems, at last! HELLO FREEDOM! Napatingin ako sa relo ko. 11am na pala! Isang oras na lang at klase na. Di ko pa nga pala alam ang section ko! Nakalimutan kong tanungin sa registrar. Syems, need to go. Ang alam ko lang ang grade 7 at grade 8 dito, 7am-12pm ang sched. Tapos ang grade 9 at grade 10 naman 12:30pm-5:30pm. Kelangan ko ng magmadali! Kasi naman ang aga ko pa dito. 7am pa lang nandito na ako tapos naposasan pa agad. Ayan tuloy. "Pa'no ba yan Miss Transferee, sensya na, di naman namin alam e. By the way ,enjoy ka na lang sa campus. I'm Prince..." sabi ni plain chinito sa'kin? Oo sa akin. Sa akin s'ya nakaharap at nakatingin. Ooh, so siya pala si Prince. Bagay! Mukha namang prinsipe e! "Oo nga miss. Sorry, di naman talaga namin alam e, by the way, I'm Ash..." sabi naman ni chinito highlights. Kaya naman pala may Ash color na highlights ang hair niya. S'ya si Ash! "We're very sorry, next time mag-iingat na kami." sabi naman ni gray eyes chinito. Syems, ganda ng mata! "I'm Zaidian." Nakatanga lang ako sa maganda nyang mata for about 10 seconds. Para siyang pusa! Cute eyes, perfect nose with red kissable lips, syems. "Ah—miss?" and he snapped, natauhan naman ako. "O-ok lang." yun lang nasabi ko. Syems, gwafu talaga ni gray eyes chinito. "Gusto mo sama ka muna sa amin? Mamaya pa naman ata klase mo e." yaya sa akin ni Prince. Gusto ko sana kaso, pupunta pa akong registrar. "Naku, next time na lang. May pupuntahan pa ako e. Sige una na ako!" sabi ko then naglakad na palayo. Waaaaaah! Sayang yun! Sensya. Di ko pa alam section ko e! Next time na lang! Hawak ko yung handbook at naglalakad lang. Medyo malayo na din ako. Di na tuloy ako nakapagbabye kay Kuya SMP. Ang bastos ko naman ata? Matapos n'ya akong ilibre. Ganun na lang? Lumingon ako. Nandun pa din sila. At... Nakatingin sila sa'kin. Problema ng mga yun? Nagsmile na lang ako then shouted, "Kuya SMP! Thank you sa milo, 'til next time! Babye!" yun lang ang sinabi ko tapos tumalikod na ulit. Tumalikod agad ako. Nakita ko kasing ngumiti ulit siya. Hindi ko alam kung bakit pero nagpapalpitate na ata ako. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Di ko mapigilang hindi mapangiti. That smile. "Hoy stranger!" narinig kong sigaw niya. Ako ba ang tinatawag niya? Hindi ako lumingon pero tumigil ako. "Welcome stranger! Teka! Anong pangalan mo?!" Syems, oo nga pala. Nakalimutan kong magpakilala. Nakangiti akong lumingon sa kanila, "Kailyn kuya! KAILYN YUNNA!" kinawayan ko siya at mabilis akong naglakad paalis. Nakita ko na naman kasi yung killer smile niya. Napapangiti tuloy ako! Syems!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD