Chronicles ng Babaeng Torpe Chapter 27 Three weeks! Three weeks na siyang wala! Ano na?! Miss ko na siya. Bakit hindi na nagpapakita si Ivo Campa sa'kin? "Chyanne, kain na tayo?" tanong ni Ate Chubs sa'kin. Sa mga nakalimot na, ka-dorm ko siya. "Wala akong gana," sabi ko at tumalikod. Baka kasi makita niyang inii-stalk ko 'yung mga council accounts ng college namin dahil alam kong kino-cover nila ang mga events. Nakakatagal na ko sa kaka-scroll up nagla-lag na nga 'yung f*******: ko. Hinahanap ko kasi ang mga pictures noong Intercollegiate games. I'm sure kasi na may picture doon si Ivo. "Hala? Wala ka talagang gana?" tanong ni Ate Billy. "Tinatamad akong kumain." Puka. Nag-lag na naman! "Wala ka manlang gustong kainin? Wala kang kini-crave?" Si Ivo. "Wala," sagot ko. Isang scr

