Chronicles ng Babaeng Torpe Imagination #16 Babala: Pawang imahinasyon lamang. Huwag idagdag sa kabuuan ng mga tunay na pangyayari. So dahil nga, recently puro exam na ko... ganito ang isang scenario na nabuo sa utak ko sa aking Socio Anthropology class. "Exam na natin!! Nag-aral ka ba?" tanong sa'kin ni Mage. "Duh?" sagot ko sa kaniya. "Malamang hindi, ikaw pa ba tinanong ko?" sabi niya. "Excuse me, nag-aral ako. Lahat tayo naghahabol ng uno dito. It's easy pie with this subject." "Sa totoo lang." "Alright," sabi ng prof namin pagpasok niya. "So for today you will be having your finals exam. Sobrang dali lang. I promise you. Wala pang fifteen minutes tapos na kayo. For the meantime, let's wait for the graduating students from my petition class who will be taking the exam with you

