Chapter 2

330 Words
Chronicles ng Babaeng Torpe Chapter 2 4th Meeting, History Petition Class Hindi ko naman ipagkakait 'yung crush ko sa ibang tao. Hindi naman kasi siya akin. Wag na tayo maglokohan. Kung mukha lang naman hinahabol ni Ela wala namang problema sa'kin 'yun. Psh. Syempre, somewhere deep within sa mga friendships nagdadaigan kayo ng crush kung sino bang may pinakamagandang taste sa inyo. Aminim niyo na. Sa group of friends ko, alam kong ako na 'yun. (Charot) Pero oo nga, wala din akong makitang Ivo Campa sa f******k. Saan ko kaya hahanapin 'yun? Wala na yata talaga akong choice kundi picturan siya para makita siya ni Ela. Pero paano? Paano ako didiskarte?! Pupunta ba ko do'n sa unahan tas isama ko silang lahat sa snap ko? Pero s**t ang weird no'n. Hindi ko nga silang lahat kinakausap eh. Pero ano, alangan namang itapat ko sa kaniya camera ng phone ko? Inuusog ko na 'yung upuan ko. Pinapag-groupings kasi kami ng prof namin. Ano daw bang naaalala namin sa lahat ng History class na kinuha namin? What the hell, di ba? Ayoko nga ng History class eh. Paano kasi noong high school 'yang klase na 'yan lang ang bukod tanging nagbigay sa'kin ng line of seven sa card. 79. Ang galing 'di ba? Akala ko hindi dadating si Crush. Jusq, nagdadalamhati na sana ako dahil lilipas ang isang linggong hindi ko siya makikita... but then, dumating siya. Anyway, nakapatong lang 'yung phone ko sa lamesa habang tinutulak ko ito. Tapos napatingin ang seatmate kong si Ate Minnie sa phone ko. Shit. Alam kong nabasa niya. Imposibleng hindi. WTF. Nakabukas kasi ang messaging app ko kung nasaan ang latest chika ko kay Ela. Wth talaga. But God is good at napakabuting tao ni Ate Minnie. Hindi niya pinansin kahit nabasa niya. Kahit namumula na ko sa hiya wala siyang sinabi at nagsimula ng usapan tungkol sa pinapagawa. Si Ate Minnie ang unang nakaalam ng maliit kong sikreto sa loob ng classroom na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD