Chronicles ng Babaeng Torpe Chapter 29 Heto na naman kami at matatapos na naman ang isang sem. Dalawang linggo na lang bye bye na naman ako sa aking sinisintang paaralan. At dalawang linggo na lang din akong maghihirap. Dalawa din ang exam ko ngayon. Isa sa second subject at isa sa third. Medyo cardiac at alam kong matutuyo ang utak ko kung hindi ako kakain ng kahit na ano. Gumising ako nang mas maaga. Mga thirty minutes earlier than usual. Syempre bibili pa ako ng pagkain. So heto na nga dahil napakabagal ko pa ding kumilos... ten years na naman ako bago nakalabas ng dorm. Fifteen minutes before my classes start, lumabas na ko ng dorm at naglakad papuntang Wendy's. May hawak pa kong mga reviewer at nag-aaral habang naglalakad. Super saglit na lakad lang papuntang Wendy's kaya tinig

