Chronicles ng Babaeng Torpe
Text Log #5
Second Day Shooting
5:56pm
Ela: Saw your snaps!!!!!
Chyanne: Oh anong meron
Ela: Hala bat ka badtrip? Nakasilay ka naman
Chyanne: Hindi ko din alam. Init ng ulo ko
Ela: Echosera talaga to
Ela: Dalian mo magkwento ka
Chyanne: Wala naman akong dapat ikwento
Ela: Sungit naman nito ts
Chyanne: Wala talaga ako sa mood
Ela: Bakit nalaman mo ba na may gf siya??
Chyanne: Hindi baliw
Ela: Eh ano?!
Chyanne: WALA NGA PARANG TIMANG AH
Ela: Eh bat ka ganyan
Chyanne: Naiinis lang ako
Ela: Saan?
Chyanne: In general
Ela: Adik ka talaga
Ela: Pero hoy binuhat talaga ni Ivo yung isang lalaki?
Chyanne: Oo
Ela: Strong pala eh dapat nagpabuhat ka din
Chyanne: Pakyu ang bigat ko
Ela: Ang payat mo eh ts
Chyanne: Lolololol
Ela: Akala ko ba sabi mo chubby?
Chyanne: Hindi ba?
Ela: Chubby pero easy na easy sa pagbuhat ng kagroup mo??
Chyanne: Hindi ba pwedeng gawin ng chubby yun?
Ela: Pwede naman...
Chyanne: Ang cute niya nga ang fluffy niya eh
Ela: Ts. Yakapin mo nga
Chyanne: Wag mo kong subukan
Ela: Magaling umarte?
Chyanne: Oo nakakagulat nga eh
Chyanne: At the same time nakakatawa
Ela: Bakit
Chyanne: Hindi ko kasi ine-expect na magiging in character talaga siya
Ela: Sus in love ka na naman
Chyanne: Kahit hindi?
Ela: Wag ako
Chyanne: Lul. After finals hindi ko na siya crush
Ela: Pwede ba naman yun
Chyanne: Marunong kasi akong mag suppress ng feelings
Chyanne: Hindi tulad ng isa dyan...
Ela: Oh anong ako ka dyan??
Chyanne: Wala
Ela: Tapos na shooting niyo?
Chyanne: Yup.
Ela: Hindi na kayo magkikita?
Chyanne: May exam pa
Ela: Work your magic!!!!!!
Chyanne: I'll try