Chronicles ng Babaeng Torpe
Chapter 13
Tao lang din naman si Ivo.
Alam ko naman pero...
...there is something special about him.
Hindi ko alam kung ano eh. Wala. Gusto ko lang talaga siya.
Hindi ko alam kung bakit.
Alam ko din naman na magf-fade lang din sooner or later ang nararamadaman kong paghanga sa kaniya.
Gusto ko lang talaga siya. Ang fluffy niya nga kasi. Tas ayun... tahimik. Parang ang sarap niya lang inisin gano'n tas kapag nainis na yayakapin mo gano'n. Hay ❤puso ko heto na naman kami.
"Gutom na ko," bulong sa'kin ni Blanca.
"Kumakalam na nga sikmura ko eh," pag-amin ko. Gutom na gutom na din kasi talaga ako eh. Wala pa kong breakfast tapos hindi pa ko kumain masyado kagabi.
Kaya hindi na talaga ako nagtataka kung bakit lumilipad 'yung utak ko. Wala nang pumapasok na lesson ng prof ko.
Kumalam na muli ang tiyan ko bago kami i-dismiss.
"Sabay ka?" tanong ko may Blanca.
"San mo gusto kumain?"
"Tipid muna tayo. Do'n tayo sa West."
"Sige, sige. Tara."
Habang naglalakad, nagpapatindihan kami ng gutom ni Blanca. Kagabi pa daw siya hindi kumakain dahil natulog lang siya.
Mas gutom siya kesa sa'kin.
"Ba't ang ingay?" tanong ko dahil parang ang daming tao sa covered West court. "Anong mayroon do'n?"
"Ah, 'di ba Science week na? Finals na yata ng basketball eh. Bio nga nandiyan eh."
"Tayo?! Talaga?" pagtawa ko. May mga player pala kami? Daming time mag-basketball ha.
"Oo, nakakagulat nga eh. Madami palang matangkad sa higher batch."
"Ahh."
"Gusto mo sumilip?"
"Sure!"
Ewan ko ba pero biglaang pagtapak ko sa kalsada nakaramdam ako ng kaba. Parang sabi ng gut feeling ko makikita ko si Ivo sa loob ng court na 'yun. Sobrang strange ng pakiramdam na alam mong siguradong-sigurado 'yung sinasabi ng sikmura mo.
Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Bawat tapak parang iyon lang ang tangi kong naririnig.
Shit.
Shit.
.....
Shit talaga.
Si Ivo...
player ng Chemistry basketball team.
Nasaktuhan pa na 'yung side na nilapitan namin ay kung saan naganap ang isang foul at doon sila nakatayo.
Oh s**t.
Puso ko.
"Si Ivo," sabi ko.
"Saan?"
"'Yun oh, number four." Number fourever. Eww. Corny jejemon.
"Ay oo nga! Wait, patapos na ba?"
Napatingkayad ako para masilip ang scoreboard pero walang nakalagay kung anong quarter na. s**t. "Baka fourth quarter na," nanlulumo kong sagot dahil sixty plus na ang score ng bio at fifty something ang sa chem.
"Ay sige. Gusto mo tapusin na lang natin? One minute na lang naman eh."
"Sige." Take every chance para sumilay 'no. Ts.
"Anong kakainin natin?"
Sumusunod ang mata ko kay Ivo habang nananakbo siya papunta sa kabilang banda. "Busog na nga ako eh."
"Ay!" paghampas niya sa'kin.
Sinabayan ko siya sa pagtawa. "Totoo nga kasi. Busog na ko."
Habang pababa nang pababa, paubos nang paubos, at patuloy sa paggalaw ang pulang timer sa ibabaw ng lamesa, ninamnam ko na kung anong nasa harap ko. Malay ko ba kung kailan ko siya ulit makikita?
Tangina, Ivo.
Maling-mali ako.
Asan 'yung sinasabi kong chubby? s**t, ang yummy.
Yuck, ang manyak. Pero totoo. s**t talaga.
Never--and I say never, talaga akong nagkagusto sa lalaking muscle-muscle ang katawan. Gusto ko 'yung medj payat or 'yung chubby. Pero s**t. Parang ang sarap kalmutin at magpayakap sa braso niya. Kaya kaya akong buhatin no'n? Ugh.
Napapaisip tuloy ako kung ano pang mayroon sa ilalim ng jersey na 'yun.
"And that concludes our third quarter--"
"Huy, may fourth quarter pa. Bili muna tayo pagkain tas balik tayo?" tanong ni Blanca.
"Tara habang break."
"Meant ka yata na makasilay ngayon."
"Baka nga."
Ayoko na talagang kumain. Busog na talaga. Totoo nga. Kung kanina kumakalam sikmura ko... ngayon kahit hindi ako kumain ng tatlong araw okay lang. Gusto ko na lang bumalik doon at makita siya. Hays.
"Anong kakainin mo?"
"Busog na nga ako."
"Kumain ka! May dalawa pang subject mamaya!"
"Oo na," sabi ko. Um-order na din ako. Take out ang pagkain at nakalagay sa isang bilog na cup at may spork na kasama.
Bumalik din kami kaagad sa gym at naupo sa bleachers na iniwanan ng mga Tourism students na siya naman naming inokyupa. Nagsimula na ang fourth quarter. Hinanap ko ba si Ivo. Iyon pala nasa kabilang banda ng court at nagf-free throw.
"Para daw kay Chyanne," bulong sa'kin ni Blanca.
Natawa ako. Pumasok ang tira. Ayokong kiligin. Psh. Hindi pwede sa'kin 'yun.
Pakiramdam ko masuuska na ko kapag kumain ako. Nabusog talaga ako noong nakita ko si Ivo. Hay. Ang pogi ng back profile niya. Pusuan natin 'yan. ❤❤❤❤❤❤❤❤❣️
Lahat na, Ivo. Iyong-iyo naaaaa. Hay.
Matapos na pumasok ang pangalawa niyang free throw, nanakbo naman sila dito sa kabila, kaya lang may nangyaring foul. Ang lapit niya sa'kin! Less than ten steps.
"Ivo. Ivo. Ivo!"
Napatingin ako. Tinawag ko na ba talaga siya. Napaikot din ang tingin niya at tumama sa may paahan ko... kung saan may mga Science students na hindi ko napansin na naupo na pala. Puro lalaki naman ang mga ito.
"Maglalaro ka pala ngayon."
Cue megawatt-smile. "Oo nga eh."
Biglaan akong siniko ni Blanca.
Sumiko ako pabalik. Wag ka magulo mahahalata tayo.
Umiwas na nga ako ng tingin dahil... ewan ko. Hindi ako makatingin sa kaniya ng diretso? Napakagat ako sa labi ko at napapikit panandalian. Heto na naman ako sa katorpehan ko.
Natapos ko din ang pagkain ko. Nawalan na ng pag-asa ang chem at pinaupo na ang bigatin nilang players. Hindi naman na kasi sila mananalo. Masyado nang malaki ang lamang.
Kahit hindi na siya naglalaro, sumusulyap naman ako sa kaniya. Ang cute niya.
Parang nawawalang bata na nanonood sa upuan nila. Hahahahaha! Cute kainis. Sarap pisilin ng pisngi. Hay
My goodness, Ivo. Kung akin ka lang...