Imagination #3

456 Words
Chronicles ng Babaeng Torpe Imagination #3 Babala: Pawang imahinasyon lamang. Huwag idagdag sa kabuuan ng mga tunay pangyayari. Second Day Shooting. As we all know late na naman dumating si Ivo noong araw na 'yun. Kaya kunwari... kunwari nagmamadali kaming bihisan siya (medj). Ako pala ang magbibihis sa kaniya. Ganern. Mwahahahahaha. Omg, kakausapin ko na talaga siya hindi ko ma-imagine ❤(kahit nag-inagine lang naman talaga ako). "Come," tawag ko sa kaniya sa kaniya. Lord, ginagawa ko po ba talaga 'to? Kamay ko po ba talaga 'tong hahawak sa kaniya? Omg. Ipapaputol ko na sila mamaya at ipapa-museum ko. Human artifacts gano'n. Hindi ako makapagsalita, parang naputol ang dila ko. Hindi naman namin kailangan mag-usap, di ba? Di ba?! Puso ko parang lalabas na sa dibdib ko. Sa balikat niya ang unang tapon ng kumot. Hindi na ko umikot at inabot iyon. Pasimpleng yakap ba? Galawang Ate Chloe. Ang bango s**t. Pag-angat ko ng tingin nakatingin din siya sa'kin. Nagkatitigan kami mga... two hours? Haha! Joke. Two seconds lang. Ako na bumawi coz ya know... dapat hindi tayo pahalata na sobrang affected ko sa kaniya. Ayoko na nga kumilos eh dahil alam kong gulay na ang mga binti ko. So this is what it feels like to be in his personal bubble space. Grabe, para akong sinisigaan. Wooh! Mabuti na lang at wala pa si Stephen kundi inasar na naman ako no'n. Pero shet. Dadating na 'yun kaya kailangan ko nang kumilos. Kinakabitan ko na ng pardible ang tela sa tshirt niya. Tinusok ko siya. Oo, tinusok ko talaga siya. Sa tagiliran. "Ah," mahina niyang sabi. "Omg, sorry. Natusok ba kita?!" sabi ko sabay hugot ng pardible at kunwaring silip kung saan ko siya tinusok. "Ayos lang." "Masakit?" tanong ko sabay hipo--I mean, himas sa tagiliran niya. "Okay lang." "Wag ka mag-alala. Hindi naman na kita sasaktan." Pagtingin niya sa'kin tsaka ko binawi. "Char. Joke lang. Sorry talaga ha. Hindi ko sinasadiya." "Ayos nga lang," sabi niya na medyo natatawa. "Eh, kahit na. Akin na. Kiss na lang kita." Ha! "Hahaha," bawi ko kaagad. "Char ulit. Sorry ha. Mapagbiro kasi talaga ako." Naikabit ko na din sa wakas ang pardible pero hindi pa din siya sumasagot kaya napatingin ako sa kaniya. Nakatingin din siya sa'kin pero ang lapit na ng mukha niya. May nang-aasar sa mga mata niya. "Pwede naman nating hindi gawing biro." Kyaaaaaaa!! Hindi ko alam kung anong gagawin ko in case na mangyari 'yan sa tunay na buhay. Baka magpalpitate ako at mahinatay na lang sa mga braso niya. Hay. Charing. Syempre go lang nang go. Kiss agad. HAHAHAHAHA. Joke. Ang haraught. Shut up, Chyanne. Pero ayun na nga... ano na nga bang estado namin ni Ivo ngayong tapos na ang unang semester?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD