New beginning

1111 Words

CEDRIC: HINDI MAPUKAT-PUKNAT ang ngiti sa mga labi ko habang magkahawak-kamay kami ng asawa kong namamasyal dito sa pinakakilalang park sa syudad ng Baguio. Ang Burnham Park. Matapos naming nagkausap kagabi ng masinsinan ay pinili naming magsimulang muli. Dito sa lugar kung saan kami unang nangako ng habang-buhay na pagmamahalan. Katulad pa rin siya ng dati. Napaka-possessive nito. Na tipong may mapapatingin lang sa akin ay naniningkit na ang mga mats nitong parang tigreng mananakmal ng daga. Para namang may makakaagaw pa sa akin sa kanya. tss. Ang asawa kong ito talaga. "Umuwi na tayo" ungot nito. "Huh? Pagod ka na ba, baby?" napabusangot ito. "Pinagtitinginan ka lang naman kasi nila e. Akala mo naman ang gaganda nila" ismid nitong napapairap. Mahina akong natawang napailing.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD