chapter 1 -

2150 Words
MAX's POV Mainit at tirik na tirik Ang araw, di ko ito alintana sa aking balat habang ako ay Wala sa sariling naglalakad kahabaan ng high way dito sa Cainta..Di ko pa rin maalis sa aking isip Ang mga tagpo kanina sa apartment na aking tinutuluyan.. "wala po talaga akong alam sa nangyari," habang walang patid sa pag agos Ang luha ko, habang kaharap ko Ang may Ari ng gasoline station na pinagtatrabahuhan ko. "Sir mark, si Max lang naman po Ang huling naghulog at at lumapit sa vault, kaya sigurado po ako siya po Ang sumabotahe sa sales natin kahapon.." matabil at tila siguradong Sabi ni Agnes sa ibinibintang sa akin habang siya ay nasa likod ng may Ari ng gasoline station.. Walo kaming tauhan ng gasoline station..Bali dalawang babae, at 4 na lalaki..si Agnes na matanda sa akin ng anim na taon,25 na siya habang ako Naman ay 19y/o, Ang pinakabata sa aming anim.magkasama kaming 2 sa duty kasama si kuya Lloyd na siya g tumatayong team leader namin..pamilyado na si kuya Lloyd,tingin ko nasa mid 30's na siya ..sila kuya Alvin, Manny at Rey Naman Ang magkakasama sa duty..lahat sila ay mababait maliban Kay Agnes na abot langit Ang Galit sakin sa dahilang di ko alam Hanggang ngayon. "Wala po talaga akong alam sir, Wala po ako kinukuha na Pera ."pagtatanggol ko sa sarili ko habang walang patid Ang pagluha ko .. "pumunta ka sa office ko Max,kunin mo na natitira mong sahod ngayong buwan at ayaw ko nang Makita pa bukas,.maliwanag?"Singhal sakin ni sir Mark, bakas sa mukha Niya Ang Galit at pagkadismaya..Habang si Agnes ay nakangisi sa likuran ni sir Mark.. Tinitigan ko si Agnes ng may pagtatanong "bakit?" puno ng hinanakit Ang nakaukit sa mukha ko... "Masyado ka Kasing mapapel, buti NGA sayo." sabay talikod sakin at sinundan ang papalayo na naming boss..Dinaluhan Naman ako agad ni kuya Lloyd."Tama na maxi,alam Kong Wala Kang kasalanan,alam ko si Agnes Ang may kagagawan niyo dahil sa labis niyang selos dahil sa magkalapit kayo ni Rey,habang siya ay di man lang nito pinapansin,.Tama na namamaga na ang mata mo,papangit ka Nyan". mahabang pag Alo sakin ni kuya Lloyd.Parang anak na Ang turing sakin ni kuya Lloyd.. "kuya Naman eh," sabay nguso ko..masakit pa rin Ang nangyari para sakin,dahil ito Ng unang beses n napagbintangan ako na nagnakaw ng pera ..pero alam ko sa sarili ko na malinis Ang konsensya ko.. "So pano ka na ngayon Maxi? San ka na tutuloy?"tanong ni kuya Lloyd saakin..Alam Niya Kasi na mag Isa lang ako dahil nasa Aurora province Ang pamilya ko.Doon talaga kami nakatira.doon din ako nag aral Hanggang makatapos ako ng high school..di rin ako nakapag college..magsasaka Ang aking mga magulang at anim kaming magkakapatid at ako Ang panganay..nagpasya ako na lu uwas ng maynila para maghanaap ng trabaho and ng makatulog sA magulang ko sa pagpapa aral sa mga nakababata Kong kapatid.. __________________________________ Simula ng lumuwas ako dito nakatatlo na din akong trabaho na pinasukan..Una doon sa kapatid ng kapitbahay namin sa probinsya, may tindahan siya sa parañaque..ako Ang naging tindera ako roon,maayos Naman Sana ung umpisa ko sa kanila kung Hindi lang sa manyak na Asawa ni ate Susan..sa tuwing malalasing ay madalas ako tingnan ng may pagnanasa..kaya napilitan ako umalis at baka San pa umabot Ang pagnanasa Niya sakin..Lalo nat madalas ko Silang naririnig na nagkukwentuhan ng mga kalaswaan ng kaniyang mga kainuman na tambay.. Nagpaalam Naman ako ng maayos Kay ate Susan,at nagdahilan na pinapapunta ako ng tita ko sa Pasay..at di naman ako nabigo pinayagan Naman niya ako..at Binayaran ng sahod ko na tatlong buwan..agad ko itong ipinadala sa mga magulang ko at nagtira lang ng kaunti para s budget ko.. "Mano po tita Vicky," bati ko sa kapatid ng tatay ko na siyang pinuntahan ko dito sa Pasay..nakaupo siya sa sofa habang kalong Ang kaniyang bunsong anak.."oh napasyal ka max?". tanong sakin ni tita ng nakangiti.. "ahm..tita Vicky,pwede po bang dumito Muna ako sainyo pansamantala habang naghahanap ako ng trabahong mapapasukan?"..pag aalangan Kong sabi. "nakong batang to!!syempre Naman..pagpasensyahan mo na lamang itong aming bahay Kasi mejo luma na at may kaliitan pa,tabi na lamang kayo ni patring sa papag sa kabilang kwarto.." si patring ay si Patricia na panganay niyang anak na halos kaedad ko.. Tattlo lang anak ni tita Vicky na mejo malalaki Ang agwat,si Patring ay nag aral ngayon sa kursong education..kaya mejo nakakaramdam ako ng inggit..pero Masaya ako at proud para sa kanya Kasi mahinhin at mabait ito.. "maraming salamat po tita Vicky,asahan niyo po na di po Ko magiging pabigat sainyo ni Tito Jessie" pagkuway sabi ko sa kanya..si Tito Jessie ay isaNg tricycle driver.bilib ako dito dahil Wala itong bisyo...Magiliw din ito s mga Bata. Naalala ko NGA Nung maliliit p kami nila Patring, madalas siya Ang kasama naming magkakapatid at ni patring habang ipinag gagawa Niya kami ng guryon Nung minsan nagbakasyon sila sa Amin.. "Patring,samahan mo na Ng pinsan mo n ilagay Ang gamit Niya sa kwarto mo at ng makapGpahinga mun siya."wika ni tita Vicky.. "opo inay, tara n sa kwarto maxi.." aya Niya saKin at agad na kinuha Ang dala Kong bag.. agad kami pumasok sa kwarto.."maxi, naghahanap ng helper si aling Celia,un namamahala sa canteen sa unibersidad na pinapasukan ko, baka gusto mo irekomenda kita?". "Talaga??"bulalas ko."sige patring naghahanap talaga ako mapapasukan,ayaw ko mabakante ng matagal alam mo naman kelangan ko makapagpadala kina inay sa probinsya.."Mahabang wik ko.. "sige tatawagan ko siya mamaya tutal may cellphone number siya sakin,at pag pumayag isasabay na kita bukas para makilala ka". sabay ngiti Niya saakin. "salamat pinsan."Balik ngiti ko sa kanya.. tuwang tuwa ako sa tinurAn ni patring.. Nang makapGpahinga ako ay nagpasyang maligo.. Hapon na at dumating si Tito Jessie galing sa pamamasada at may bitbit na sariwang tilapia.."Mano po tito,"sabay abot ko sa kamay niya.. "oh max nandito ka Pala..nabalitaan ko na andito ka Pala sa manila upang magtrabaho,buti nakapasyal k dito sa Amin."wika ni Tito. "dito muna sa atin tutuloy si Max, habang naghahanap ng bagong trabaho.."habang palapit Kay Tito at kinuha Ang dalA nitong isda.. "opo Tito,subalit di ko na po ata kelangan maghanaap ng trabaho at meron na agad na nag aantay sakin,.Sabi po ni patring isasama Niya ako bukas sa unibersidad na pinapasukan Niya at meron daw po nangangailangan ng helper s cafeteria nila,at nagkausap na po ni patring Ang namamahala at pinagrereport na po ako bukas upang makapag umpisa na". mahaba at masigla Kong paliwanag.. "Mabuti Naman kung ganoon,at magandA iyon at ng may titingin tingin Kay Patricia habang nasa university."pagkuwa'y wika ni Tito. "tita ako nalang po Ang magluluto ng ulam,sanay Naman po ako magluto Nung nasa probinsya pa po ako". Tumango naman ito sabay abot sa akin ng supot nA may lamang tilapia..agad Naman ako tumungo sa kusina upang linisin ito at mailuto..Plano kung sabawan ito at asiman sapagkay sariwa pa.. Nang matapos ko Ang pagluluto naghanda na ako at tinwag ko na sila upang maghapunan.. __________________________________ Kinabukasan maaga kami umalis ni Patricia upang pumunta ng university na pinapasukan Niya..agad kami nagtungo sa cafeteria at Doon nadatnan namin Ang isang babae na tantiya mo ay nasa mid 50's na Ang edad.. "Magandang araw po aling Celia, siya po si Max, pinsan ko..siya po Ang sinasabi ko sainyo".nakangitin g wika ni Patring. "naku,napakaganda mo namang Bata hija," pag puri sa akin ni aling Celia."sige na Pat,ako na bahala sa pinsan mo, baka malate ka pa sa 1st subject mo" pagtataboy Niyaay patring. "sige po, kayo na po bahala Kay Maxi,..maxi, good luck sa trabaho mo,pasok na ako daanan nalang kita mamayang uwian.."pagkuway baling niya sa akin . Tumango naman ako "sige mamaya nalang patring,salamat!"paalam ko Naman sa kanya. Tinuro sa akin ni aling Celia Ng mga dapat na gagawin ko sa loob ng cafeteria, agad ko Naman itong naisaulo..naging mabilis Ang maghapon para sa akin,ngunit do ako naubusan ng energy..tuwang tuwa Naman si aling Celia sa akin dahil mabilis ako kumilos at pulido.. Nagliligpit n Sana ako nang may isang lalaking estudyante Ang lumapit,"hi miss!can I have some bottled water for three?" aniya. Agad akong napatulala dahil sa aking nakikita, isang napakagwapong binata Ang nasa harap ko na nakangiti, kahit naliligo ito sa sariling pawis ay hindi. ababawasan Ang kagwapugan nito..matangkad ito na sa tantiya ko ay 6flat Ang tangkad,matipuno at kayumanggi Ang kulay nito,matangos Ang ilong, manipis na labi,mKapal na kilay,at may pagkasingkit na Mata..para itong artista.. "ehem!!miss may tubig pa ba??"tanong nito saakin nang Hindi nawawala Ang ngiti sa labi.. "ay oo meron!!"Dali Dali kung sagot na parang natataranta.Bigla ako nakaramdam ng hiya dahil di ko alam kung ganu ako katagal napako sa kinatatayuan ko habang nakatitig ako sa kaniya.."heto po..45pesos lang po!"sabay abot ko sa kanya.. "Salamat,heto bayad,"sabay abot saakin ng pera na bayad sa tubig..pero nakangiti pa rin ito s akin,"by the way my name is Anton."sabay lahad ng palad Niya sakin.. "Max po.."sabay tanggap sa kamay niya..para g nanginginig ako ng abutin ko kamay niya.. "nice name,..pleasure to meet u Max.." sabay Sabi.. "Anton c'mon!!nauuhaw din kami!!" tawag sa kanya ng dalawang binata na nakatayo sa di kalayuan na kagaya Niya ay naka uniform don ng pam basketball..maiitsura din Ang mga ito at halatang galing sa mayamang pamilya.. "okay bro!"Balik sigaw Niya sabay uli akong hinarap.."nice to meet u again,Max!."sabay talikod at tumakbo patungo sa dalawa nitong kasama.. para pa din akong tuod na napako sa kinatatayuan ko at di maalis Ang mukha ng lalaki sa isip ko kahit Wala na ito sa harap ko.. "para Kang nanuno dyan maxi,!"wika ni Patricia..di ko napansun na nasa tabi ko na Pala ito.. "ah Wala..kanina ka pa ba Dyan?uwi na ba tayo?"tanong ko. "oo Tara na para di tayo gabihin!"pero parang nahihiwagaan parin siya sa akin..di ko nalang pinansin dahil baka mag Isa pa siya.. "Makikita ko pa kaya siya bukas?"tanong ko sa isip ko. Habang nakasakay kami sa jeep ni Patricia ay hindi mawala sa isip ko Ang mukha ng lalaki na nakilala ko sa cafeteria.. May kung anong kiliti sa aking puso sa tuwing naiisip ko Ang gwapo niyang mukha at Hindi ko maiwasang mapangiti... "alam mo Maxi,kanina pa ako nahihiwagaan sayo.."baling niya sa akin habang magkatabi kami sa loob ng jeep.."parang may kung anong nangyari sayo kanina sa cafeteria at nagkakaganyan ka."nangingiting wika nito.. "Wala Naman,meron lang ako na bagong nakilala university ,at natutuwa ako at tatlo na kayo nila aling Celia na kakilala ko sa loob ng university."matapat kung salaysay sa kanya. "Ah mabuti Naman kung ganun,.sigurado Naman ako marami Kang makilala sa loob ng university habang tumatagal..at ihanda mo na rin Ang iyong sarili dahil sa Ganda mong Yan,marami pa Ang makilala mong guys..and I'm pretty sure mas marami pa Ang mga magiging manliligaw mo kesa sa mga magiging kaibigan mo..!" sabay kurot sa tagiliran ko.Ganito talaga kami ni Patricia,kahit Nung nasa probinsya pa kami ay malimit siya Ang kasama ko..shy type ito pero pag ako Ang kasama lumalabas Ang natural n kakulitan nito.. "pano mo naman nasabi Ang ganyan sakin?siguro marami ka din manliligaw sa school.?" tanong ko dito..Hindi Kasi maipagkakAila Ang angking kagandahan nito..bukod pa rito..mabait at matalino ito,kaya malamang marami Ang humahanga rito.. "Hay naku..may mga nanliligaw na din saakin,pero ayoko Muna mag boyfriend,kelangan makatapos Muna ako sa pag aaral,Saka nalang ung boyfriend na Yan,and besides di ko pa nakilala si mr.right ko!".sabay tingalA na nakayakap p sa librong hawak Niya na para bang kinikilig pa.. "ako rin,tsaka na boyfriend na Yan kelangan ko magfocus sa pagtatrabaho.."wika ko. "Wala ka na bang Plano mag aral sa college Maxi?".seryosong tanong Niya sa akin.. Napabuntunghininga Naman ako."gusto ko pa din naman makatapos sa pag aaral..pero sa ngayon kelangan ko Muna mag ipon,dahil nakikita Kong nahihirapan sila inay at itay kaya mas pinili ko Muna magtrabaho.pero di Naman ako susuko,kahit abutin pa ako ng 40y/o eh magaaral pa rin ako..".Mahabang saad ko.. "ay grabe ka naman sa 40y/o hahaha..hayaan mo age doesn't matter din Naman kahit sa pag aaral..Ang importante maynpangarap ka parin na makapagtapos..sayang NGA lang at di tayo magkasabay na makapag tapos."pahayag Niya. Medyo nakaramdam ako lungkot dahil sa tinuran Niya..pero di ko ito pinahalata. "mama sa may Kanto lang po kami,salamat!!"para ni Patricia sa jeepney driver. Nakarating kami sa bahay na inabutan namin si Tito Jessie at Tita Vicky na naghanda ng hapunan.. "oh nariyan na Pala kayo,magpalit na kayo at ng makapaghapunan na tayo."Sabi ni tita.. "opo tita,magpapalit lang po kami". masarap namin pinagsaluhan ng gabing iyon Ang masarap na hapunan na niluto ni tita.pagkatapos ay pumasok na ako sa kwarto at inayos Ang mga isusuot ko bukas sa pagpasok s cafeteria. nang makaramdam ako ng antok ay nahiga na ako sa bandang kana ng papag na higaan ni patricia.umaasa ako na bukas ay muling maayos Ang magiging takbo araw ko..nakatulugan ko na lamang Ang ganung isipin... subalit bago pa ako tuluyang gupuin ng antok ay muling sumagi sa isip ko Ang gwapong mukha ni Anton....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD