Karisha PoV
Napabalikwas ako ng bangon nang makarinig ako ng ingay na nagmumula sa kusina. Naghikab pa ako habang kamot-kamot ang ulo saka naglakad palabas ng kwarto.
Sakit ng ulo ko.
"'Nay." tawag ko kay Nanay. Natigil sya sa ginagawang pag-hugas ng pinggan.
"O 'nak. Ba't gising kana? Alas quatro palang ah." pinahid nya ang basang kamay sa palda nito saka lumapit sa isang umbok ng kangkong. Sinimulan na itong himayin ni Nanay kaya tinulungan ko na sya.
"Okay lang 'nay. Pagising narin naman ako." pagkatapos namin maghimay ng kangkong ay nagprisinta na ako ang mag-luluto. Hinayaan ko ring mag-pahinga na muna si Nanay.
Ilang sandali pa ay natapos ko narin yung ginagawa ko. Nakapagsaing narin ako ng kanin kaya naman ay naligo na ako. Pagkatapos ay nagpaalam na ako kela Nanay at Bryan. Si Tatay naman ay sobrang himbing ng tulog.
Gamit ang bisikleta ko ay binagtas ko na ang daan papasok. Nahinto ako nang makita ko ang pagkalaki-laking gate nang isang sikat na all boy school dito sa amin. Dito din ako nasagi nang isang kotse kahapon eh.
"Tsk. Bumalik na naman ang alaala ko sa Red Head na yun. Bwiset." napailing nalang ako at mag-sisimula na sanang paandarin ulit yung bike nang biglang may dumaang kotse sa harap ko. Isang itim na kotse.
Napailing ulit ako at nagpatuloy na sa pagba-bike. Ilang sandali pa ay nakarating narin ako sa campus. As usual, binati na naman ako nang mga mag-aaral pagkapasok ko.
"Good Morning, Miss Olivare." bati saken ng guard ng school.
"Good morning din po mang Andres." nakangiti kong bati sa kanya saka ako dumeretso sa parking area nang bike.
O, ha. Hindi kami mayayaman pero may sarili din kaming parking area. Para nga lang sa mga bike. Pero at least meron.
"Good Morning." bati ko sa mga nadadaanan kong studyante.
"Good Morning, miss Pres." masiglang bati ng mga ito.
At dahil ala sais palang ng umaga ay nagtungo na muna ako ng student council office. Yun naman kasi ang tambayan namin kapag napapa-aga kami.
Pagkabukas ko nang pinto ay nandun na si Kira, Vice-President ng student council. Si Ayisha, yung auditor namin tsaka si Lala yung secretary. Kanya-kanya sila nang ginagawa.
"Morning." bati ko sa kanila. Tuluyan na akong pumasok at dumeretsong higa sa isa sa mga sofa dito sa loob.
"Ang aga mo ah. May nangyari ba sa inyo?" tanong ni Kira na tutok sa binabasang libro.
Umiling ako saka pumikit, "napa aga lang ng gising." saka ako napamulat at tiningnan sya, "bakit nga pala di ka pumasok kagabi?" tanong ko. Pareho kasi kami ng pinapasukang trabaho pero hindi sya pumasok kagabi.
Ibinaba nya ang hawak na libro saka tumingin saken, naka simangot. "Si Mama kasi, hindi umuwi kagabi. Magdamag kong hinanap tapos malalaman kong nasa sugalan pala." napabuntong-hininga sya. Ganun din ako. Napabuntong-hininga.
Si Kira, half-japanese half-filipino. Mayaman sila dati, marami ang negosyo sa japan pati na dito sa pilipinas pero biglang namatay yung tatay nya. Dahil sa heart attack. Bumagsak ang mga negosyo nila dahil sa kapabayaan nang nanay nya. Buhay pa ang Tatay nya lulong na sa sugal ang Nanay nya, kaya naman bumagsak lahat ng negosyo nila.
"Tsk. Bakit kasi sugal pa ng sugal yang nanay mo. Alam nya naman walang-wala na kayo." sabi ni Ayi habang nag-susulat sa notebook nito.
Si Ayisha, nakatira sya sa kapatid ng nanay nya. Matagal na syang ulila, 10 years old sya nang maaksidente ang buong pamilya nya. Yung mama at papa nya tsaka yung bunso nila ay namatay sa aksidente. Okay naman yung trato sa kanya nang kapatid ng nanay nya nuong una pero kalaunan ay para na syang si Cinderella. Inaapi nang mga pinsan at tiyahin.
"Tsaka, wag mo nang bibigyan ng pera para naman hindi na makapagsugal." komento pa ni Lala na nilalaro-laro ang hawak na bola ng basketball.
Si Lala naman ay lumaki sa ampunan. Hindi nakilala ang mga magulang at hindi alam kung bakit sya iniwan. May nag-ampon naman daw sa kanya noong 8 years old sya pero binabastos sya nang amain kaya napilitan syang umalis. Natuto syang mabuhay mag-isa at tustusan ang pangangailangan. Ngayon ay nakatira sya mag-isa at binubuhay ang sarili.
"Madaling sabihin pero mahirap gawin. Geez, kung alam nyo lang kung panu ko pagtaguan ng pera si Mama. Pero hindi ko alam kung bakit nalalaman nya kung saan ko inalalagay yung pera. Naiinis na nga ako, minsan pati ipon ko para college kinukuhanan nya." halatang inis ito.
Hindi ko sya masisisi, alam namin kung gaanu nya kagusto mag-aral sa college. Balak nyang kumuha ng Business Management at saka sya magtatayo ng negosyo pagka-graduate.
Sa totoo lang lahat naman kami gusto maka-pagcollege, pera lang talaga ang pumipigil. Pero sabi nga nila, kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan. Kaya nga nag-tatrabaho kami tuwing gabi para magkaroon ng pera.
Ipinikit ko ulit yung mga mata ko at hinayaan ang sariling makinig sa mga pinag-uusapan nila.
"Ay oo nga pala. Andyan ba si Dean?" rinig kong tanong ni Ayi.
"Ang alam ko, wala. Sabi ni Miss Lacie umalis daw." sagot naman ni Lala.
"Saan daw pumunta?" tanong ulit ni Ayi.
"Mm. Ang sabi ni Miss Lacie pupunta daw sya sa kabilang school. Ignacio High." iminulat ko ng bahagya ang mga mata ko. Naagaw kasi ang interes ko nang mabanggit nila yung Ignacio High.
"Oh? Anu naman kaya ang gagawin ni Dean doon?"
"Malay. Baka meeting."
"Malalaman nalang natin yan kapag nakabalik na si Dean. Sigurado akong tayo ang unang sasabihan bukod sa faculty." sabi ni Kira na sinang-ayunan ng dalawa. Tumahimik naman sila pagkatapos nun kaya tuluyan akong nakaidlip.
-
"Psst. Kari." ibinaling ko ang ulo ko sa likod. Pareho kaming nag-aayos ng uniform namin dito sa bar.
Hindi yung bar na may mga sumasayaw na mga babae na hubot-hubad, pero merong dance floor. Yung bar na madaming umiinom, may mga rich kids at may mga lasenggo lang talaga. Mga waiter kami sa bar na 'to at hindi naman kami mga under age para pagbawalan. 18 na ako ganun din si Kira kaya okay lang magtrabaho kami dito. Isa pa alam ng Dean yung tungkol sa trabaho namin.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
Tumahimik muna sya saka umiling, "wala hehe." nangunot ang noo ko.
Weird
Binilisan na namin ang pag-aayos pagkatapos ay lumabas na kami ng locker room. Kanya-kanya kaming dampot ng tray at lumapit sa bar counter.
"Hi Kari, Hi Kira." bati samin ni Alex habang si Greg naman ay tinanguan lang kami. Sila yung bartender dito.
"Hello." bati din namin.
Inabot nya saken ang isang inumin at mabilis ko namang inilagay sa tray, "Table 18." sabi nya kaya tinanguan ko sya. Ibinigay na narin yung ibang order kay Kira.
Mabilis kong tinungo ang table 18 saka inalapag ang oder nila. "Thank you sir." nakangiting sabi ko. Saka ako bumalik sa counter para kumuhang muli ng order.
Nagsunod-sunod ang order kaya halos wala kaming pahinga. Hanggang sa umabot ang 11:30 ganun parin ang set up namin. Kukuha ng order ng costumer at mag-hahatid ng order.
Trienta minutos nalang Kari. Matatapos na rin.
Nang may dumating na bagong costumer ay kaagad kong kinuha ang order nila. "Good Evening sir, can I have your order s...sir." hindi mapigilang matigilan nang makita ko ang pagmumukha ng lalaking nasa harap ko.
Ang swerte ko. Bwesit.
Pero mukha hindi naman nya ako namukhaan dahil walang pake lang syang nagbigay mg order nya pati na yung iba nyang kasama. Mabilis akong bumalik sa counter at ibinigay kay Greg yung order nila.
Meron din bagong dating na costumer kaya inasikaso ko na muna habang inihahanda pa ni Greg yung order nila Red Head.
"Good evening, sir--" natahimik ako nang tingnan ako nang masama nang lalaking kulay abo ang buhok. "Uhm, can I--"
"We are not here to drink." putol nya sa sasabihin ko.
"Sir?" anung hindi sila nandito para uminom? Lutang ba sya? Bar 'to tapos hindi sila iinom?
Hindi sya sumagot, mabilis nya akong nilagpasan. Nginisihan naman ako ng isa pang kasama nya habang yung dalawa ay tiningnan lang ako.
Sinundan ko sila ng tingin na papalapit sa pwesto nila Red Head. Dali-dali naman akong bumalik sa counter dahil pakiramdam ko mag-kakaroon ng rambol.
"Psst. Oy, Alex." tawag ko dito. Binaling nya naman saken ang tingin.
"Bakit?"
"Tumawag ka ng security." kumunot ang noo nya kaya tinuro ko yung grupo nila Red Head, "mukhang kasing may mangyayaring rambol sa pagitan ng dalawang yun." sabi ko pa.
Tumawa naman sya ng mahina, "Ah yan, okay lang yan. Madalas ganyan yang dalawang yan. Hindi nyo na sila naaabutan kasi madalas madaling araw talaga ang punta ng mga yan dito." itinuloy nito ang pag-hahalo ng inumin.
Madalas sila dito? Madalas din kaya mag-away ang dalawa kaya mukhang sanay na sanay na ang mga nandito?
"Table 5." bumaling naman ako kay Greg pagkatapos nyang ilapag ang order nila Red Head. Nag-alangan pa akong kuhanin yun.
"Sigurado ba kayo? Baka kailangan natin ng security." tanong ko sa kanila.
"Bakit Kari?" mabilis akong tumingin kay Kira na kabibigay lang ng order kay Alex.
"Mukha kasing may mangyayaring rambol sa dalawang grupong yun." sabi ko sabay turo sa gawi nila Red Head.
"Oo nga noh? Eh teka, parang pumapasok yan sa Ignacio ah. Mga rich kid yan." sabi pa nya.
"Hahaha. Wag kang mag-alala, Kari. Kapag may mangyaring gulo dyan habang nag-hahatid ka ng order nila eh ipapahila ka nalang namin sa mga bouncer." tatawa-tawa sabi ni Alex.
Aba't!
"Gago ka ah." singhal ko sa kanya kaya natawa sila. Maliban kay Greg na napaka seryoso sa ginagawa.
"Kaya mo yan, Kari." sabi ni Kira na may patapik-tapik pa sa balikat ko.
Sinamaan ko lang sila ng tingin saka naglakad pabalik sa table nila Red Head. Hindi naman sa takot ako, kapag kasi magkagulo yan at maipit ako habang dala ang order nila baka mabawasan ang sweldo ko. Tsk. Ilang oras nga lang ang trabaho namin mababawasan pa ang sweldo.
Nang makarating ako sa table nila ay dahan-dahan kong inilapag yung alak nila. Wala naman silang ginagawa, nag-tititigan lang naman sila.
Baka may mafall.
Sa wakas ay tapos ko nang ilapag lahat ng oder. Aalis na sana ako nang bigla may natumba sa likod ko at tumama mismo saken. Dahil hindi ko naman inaasahan yun ay nawalan ako ng balanse. At babagsak ako kay--
Hindi!
Mabilis kong ikinilos ang mga kamay ko. Kumapit ako sa mesa at upuan ni Red Head kaya naka hinga ako ng maluwag nang hindi ako natumba sa kumag na 'to. Natamaan ko pa ang ulo nya ng tray na hawak ko.
Sinamaan nya ako ng tingin habang nakatingala saken. Tinaasan ko lang sya ng kilay at umayos ng tayo. Mabilis kong sinipat yung lalaking natumba saken.
Nakahiga ito sa sahig, marahil ay sa sobrang kalasengan. Nilapitan ko sya at tinapik sa balikat.
"Sir? Okay lang po ba kayo? Sir?" tawag ko sa kanya. Hindi naman sya sumagot at panay ungol lang habang papiling-piling ang ulo. Mabilis namang lumapit samen ang dalawang bouncer para itayo yung lasing.
"Bhiwan nyo akoh! Khaya kho pahng uminom!" nagpumiglas ito. Nabitawan sya nung dalawang bouncer at deretso ang bagsak sa table nila Red Head na kanina pa tahimik.
Natumba lahat ng alak at natapon ang ilan dun kay Red Head. Mabilis kong tinignan ang reaksyon nya.
Halatang inis ito at mas nadagdagan ang inis nang tawanan sya ng isang lalaki mula sa grupo nung Gray Head.
"Dude, it suite you. You should do that more often." sabi pa nito habang tumatawa.
Tumayo naman ang isa pati na ang mga kasamahan nito, "What do you want?" mariing tanong nito kay Gray Head.
Nginisihan sya niton "You know what I want."
Lumapit si Red Head kay Gray Head at parang kunting tulak nalang mag-susuntukan na sila. Kaya naman ay dahan-dahan akong lumapit sa kanila.
"Uhm, mga sir. Kung pwede po sana wag kayong mag-away dito?" mahinang pakiusap ko. Yung ibang costumer ay nakatingin na sa kanila habang yung iba walang pakialam. Si kuyang lasing naman ay inilabas na nang dalawang bouncer.
Sabay nila akong tinignan ng masama kaya medyo napaatras ako, "Stay the hell out of here." sabay ding sabi nila.
"Eh mga sir. Bawal nga dito mag-away, kung gusto nyo sa labas nalang para walang umawat sa inyo." medyo inis kong sabi. Ilang minuto nalang matatapos na ang duty namin, at antok na antok na ako at pagud na pagud. Kapag ito hindi pa tumigil sila ang makakatikim saken.
"Pwede ba, wag kang mangealam? O baka gusto mong madamay dito?" galit nung Gray Head.
"Pwede din ba sir? Wag kayong gumawa nang gulo dito dahil hindi lang kayo ang tao dito, kung hindi nyo talaga mapigilan yang init ng ulo nyo e sa labas nalang ho kayo mag-away. Doon walang pipigil sa inyo kahit magkamatayan pa kayo." bwiset talaga 'tong mga 'to. Palibhasa mga mapepera kaya hindi nag-aalala sa mga bagay na masisira. Eh kami, pag-hahati-hatian pa namin yung mga masisira dito. Bawas sweldo. Anak ng..
Parang inis narin sila saken pero wala akong pakialam. Dapat silang lumabas dito.
"Look miss. Kung may mga bagay mang masisira dito eh kami na ang bahala. Tsk." aba. Ayos yan. Sana pala sinabi nya kaagad.
"Ay ganun po ba sir? Kung ganun, sige ituloy nyo yan. Basta sir ha, sagot nyo kami sa boss namin." sarkastikong sabi ko.
Hindi naman sila nagsalita kaya umalis na ako at bumalik sa counter. Malawak naman ang ngiti ng dalawa.
"Ayos yun ah." papuri ni Alex.
"Magaling talaga yan," natatawang sabi ni Kira.
Inis kong inilapag yung tray, "kapag yan nag-rambol dito, wag nyo palabasin ng bar tsaka nyo dalhin kay boss." sabi ko na ikinatawa nila. "Out na kami." sabi ko sa kanila.
Tumango naman sila ni Greg saka kami bumalik ng locker at nagpalit ng damit.
"Ugh! Ang sakit ng buong katawan ko." reklamo ni Kira pagkalabas namin ng bar. Nagtungo kami pareho sa bike namin. "Oh panu ba yan, mamaya nalang ulit sa school."
"Sige. Ingat." nakangiti kong sabi saka kami nag fist bump pagkatapos ay naghiwalay na kami ng daang tinahak.
Makakapag-pahinga narin sa wakas.