Arrogant 5

2131 Words
Kari's PoV "Kindly pass your paper." sabi ni Miss Salazar pagkatapos nyang magbigay ng quiz. Kaagad din naman yung ipinasa sa harap. "By the way, Miss Olivares and Miss Hayashima. The Dean wants to talk to you. Pwede nyo na syang puntahan ngayon, you can bring your things with you." "Yes, Miss." sabay naming sabi ni Kira. Nagligpit narin kami ng gamit at sabay na nagpaalam kay Miss Salazar. "Bakit naman kaya tayo kakausapin ni Dean?" taka kong tanong. "Baka yung tungkol sa pagpunta nya doon sa Ignacio High. Narinig ko kayo nag-uusap tungkol dyan." sabi ko habang pababa kami ng building. At dahil sa nangyari kaninang madaling araw ay medyo kumikirot ang gasgas ko sa tuhod. Naikwento ko na nga kay Kira. "Oo nga noh. Nakalimutan ko na ang tungkol sa bagay na yan." sabi nya. Napagkwentuhan pa namin yung tungkol sa Ignacio High habang naglalakad. Hindi naman ganun kalaki yung campus namin at hindi magkakalayo ang buildings na hanggang second floor lang. Narating kaagad namin yung opisina ni Dean. *knock*knock* "Bukas yan." Binuksan ko yung pinto at kaagad kami pumasok ni Kira sa loob ng opisina ni Dean. Nakaupo sya sa swivel chair nya at may binabasang document. Nag-angat sya ng tingin sabay ngiti, "Buti't nandito na kayo. Have a seat." umupo kami sa dalawang upuan na nasa harap ng Working table ni Dean. Nag-katinginan muna kami ni Kira bago ako nag-tanong, "Uhm, bakit nyo po kami pinatawag?" tanong ko. Tiningnan kami ni Dean pareho habang nakangiti, saka nya inabot ang folder na hawak nya. Kinuha ko naman yun saka binuklat. "Agreement for Transfer.." basa ko sa itaas ng papel na nakapaloob sa folder na yun. Binasa ko lahat ng nakasulat at gulat na napatingin kay Dean pagkatapos. Kinuha naman yun ni Kira saka nya binasa. Hindi ako makapagsalita, walang lumalabas na kahit anung salita sa bibig ko. Dahil sa gulat. "Dean? Bakit may ganito?" takang tanong ni Kira at halata din sa boses nito ang gulat. "Bakit kailangan kaming ilipat?" tanong nya ulit. Bakit nga kaya? Bakit kailangan naman lisanin ang paaralang ito at makipaghatian ng school sa iba? At bakit sa Ignacio High? Public kami at private sila. All boys school yun at all girls school kami. Napabuntong hininga si Dean saka kami tinignan, "Alam nyo naman siguro yung nangyari five years ago." tumango kami bilang tugon sa sinabi ni Dean. "At alam nyo din ang tungkol sa malaking utang natin sa kanila." tumango ulit kami. "Pero Dean, may iba pa naman sigurong paraan bukod sa pag transfer. Gusto namin dito Dean." sabi ni Kira na ikinatango ko. "Dean. Baka naman mapakiusapan yung Ignacio. Ayaw naming malipat, tahimik na kami dito." sabi ko pa. Umiling naman si Dean, "Naiintindihan ko ang sentimyento nyo, pero ito ang napagkasunduan namin ni President Valquez. Matagal na namin 'tong kasunduan at nagkataon lang na ngayon nya gustong isakatuparan. Pasensya na, kung may sapat lang siguro tayong pundo para mabayaran ang utang natin hindi mangyayari 'to. Sana ay maintindihan nyo, at ayaw rin namin ng ganito. Mas lalong lalake ang problema kapag hindi natin sinunod ang kasunduan." halata sa boses ni Dean ang lungkot pero mukhang wala na syang magagawa. Nakakalungkot. Nakakalungkot isipin na ang paaralang humubog samen ay biglang mawawala. Nakakalungkot dahil akala namin dito kami ga-graduate. Parang ang bilis ng pangyayari. Hindi kami nakapaghanda. Hindi namin naihanda ang mga sarili namin. "Gusto kayong makausap ni President Valquez tungkol sa ibang bagay. Maari na kayong umalis." tipid na ngiti ang ibinigay ni Dean samin. Kahit ayaw ay tumayo nalang kami at nag-paalam. Pagkalabas ng Dean's Office ay wala kaming kibuan. Hanggang sa makarating kami sa bike namin. "Anu ba yan! Tsk. Ang bilis ng pangyayari." reklamo ni Kira habang inaayos ang gamit sa pagkakalagay sa basket ng bike nya. Napabuntong-hininga ako, "Hindi kaylanman sumagi sa isip ko na mangyayari ang bagay na 'to ngayon." Sabi ko sabay lagay ng bag sa basket ng bike ko. "Ako din naman, at malamang ganun din ang magiging reaksyon ng lahat kapag nalaman nila ang paglipat natin. Tsk. Badtrip talaga." sumakay sya sa bike nya, "tara na nga, mas lalo akong naba-badtrip." inis na sabi nya. Napailing nalang ako saka sumakay narin sa bike. Sabay kaming lumabas ng campus at binagtas ang daan papunta sa Ignacio International High School. Ilang minuto lang ay narating narin namin sa wakas yung campus nila. "Ang laki ng gate, tsk. Halatang mayayaman ang nag-aaral sa loob." komento ni Kira. Nasa harap namin ang isang malaking gate ng Ignacio High. Halos triple ang taas nito sa gate namin na umaabot lang dalawang metro. Ganun din ang lapad nito. Bumaba kami ng bike tsaka naglakad palapit habang nakahawak kami pareho sa bike. Sa gilid ng malaking gate ay may maliit na pinto at sa tabi nito ay may parang bahay na miliit. May bintana ito na sakto lang ang laki at may tao sa loob. Mukhang ito yung gwardya. Kinatok ko yung bintana na kaagad namang binuksan, "Good Afternoon mga Ma'am. Anu po ang atin?" tanong ni Kuya Guard. Mag-sasalita na sana ako nang biglang tumunog yung telepono na nasa ibabaw ng desk nito, "excuse me lang po.." saka nya sinagot yung tawag, "..Yes sir? Opo.." sabay tingin samen, "okay sir." pagkababa nya ng telepono ay tinginan nya ulit kami. "Pasok po kayo." nakangiting sabi nito saka binuksan yung maliit na pinto at mukhang high tech. Nagkatinginan muna kami ni Kira bago pumasok sa loob bitbit ang bike namin. Pagkapasok namin ay pareho kami napanganga sa sobrang ganda sa loob. Pagpasok namin ay bumungad sa harap namin ang mahabang covered walk, sa side nito ay may malaking bahay na may floor to ceiling na bintana. Industrial yung design nya basi narin sa nakikita kong palamuti at iba pa. Sa kaliwa naman ay syang malawak na parking area at doon makikita ang nag-gagandahan at nag-mamahalang mga sasakyan. Iba't ibang uri ng sasakyan. Sa harap nito ay isang covered walk ulit na nagdudugtong sa isang covered walk. Sa tabi nito ay parang isang hall. Mukha sya bahay sa labas pero halata sa naglalakihang bintana na hall lang ito na malawak. "Sundin nyo lang po itong covered walk, deretso lang at sa likod ng social hall dyan po yung admin office." sabi ni Kuya Guard. Tumango naman kami saka nagpasalamat. Inahabilin nalang din muna namin yung bike kay Kuya Guard. Habang naglalakad ay panay ang tingin namin sa paligid. Katabi kasi ng mukhang bahay ay isang building na may apat na palapag at mahaba. At may nakikita kaming mga mag-aaral na nakatingin samen. Yung ibang nasa baba ay parang sinusundan pa kami. "Babae bro." "Sht. Ang gaganda." "Cup C yung matangkad." Leche ka. "Sakto na yung isa. Pati height sakto na." Mabilis akong tumingin kay Kira na naka kunot na ang noo. At bumubulong-bulong. "Pero bakit may babae dito?" "Right. This is all boys school." "Tsk. Edi tanungin si Valques." Binaliwala nalang namin yung ibang pag-uusap nila. Nagpatuloy kami sa paglalakad haggang sa makarating kami ng admin office. Malaki ito kompara sa admin office namin sa school. Sa harap nito ay ang malawak na quadrangle na may naglalaro pang mga estudyante. Sa tabi naman nitong admin ay ang library na malaki din. At sa paligid ng quadrangle ay may lima pang building na may tig-limang palapag. Mula naman sa malayo ay tanaw ko ang para isang dome, siguro ito ang kanilang gym. "Hoy." Mabilis akong napatingin kay Kira nang mag-snap sya sa harap ko. "Tulala ka dyan.." Napakamot ako ng batok, "May iniisip lang." palusot ko. "Tara na. Nang makaalis tayo dito." sa tuno ng pananalita nya halatang ayaw nyang magtagal pa dito. Hinanap namin yung opisina ni President Valques at hindi naman kami nahirapan. Nasa gitna ang opisina ng president, pinagigitnaan ng opisina nang student council at faculty office. Kaagad kaming lumapit doon at kakatok na sana nang bigla itong bumukas. Isang lalakeng matangkad at gwapo ang sumalubong samen. "Come in, naghihintay sa inyo si President Valques." sabi nya saka linuwagan ang pagkakabukas ng pinto at gumilid. Nagkatinginan naman kami ni Kira at sabay na pumasok. At isa lang ang masasabi ko, ang ganda ng opisina nya. Mas malawak at mas malaki. Isang lalake na may edad na ang unang nakita namin na naka upo sa sofa dito sa lobby ng opisina. "Have a seat," nakangiting sabi nito samen at nakalahad ang kamay sa dalawang upuan na katapat nya. Tahimik kaming umupo, sya naman ay umayos ng upo saka kami tiningnan, "Buti naman at pinaunlakan nyo ang imbetasyon ko." panimula nya, "..siguro naman alam nyo na kung bakit kayo nandito?" tumango kami pareho pero hindi nagsalita, "..at inaasahan kong nasabi na nang maayos sa inyo ng Dean nyo ang tungkol dito?" tanong nya ulit kaya tumango nalang kami. "Pero hindi po namin maintindihan kung bakit sa ganitong paraan namin babayaran ang utang namin sa inyo." hindi ko mapigilan ang sarili ko. Siguro kasi hindi ko lang talaga tanggap na lilipat kami ng school na hindi kami pamilyar. At isa pa, masyadong mataas ang mga tao dito. Sa lebel ng pagkatao. "Parang ang bilis lang po ng pangyayari. Hindi namin inaasahan ang ganito." sabi naman ni Kira na ikinatango ko. Bumuntung-hininga ito bago nag-salita, "I understand your concern, and I apologize for that. I know this sounds selfish but I am doing this for my students, hindi ko naisip yung maaapektuhan nitong paglipat. I am just so desperate, my words isn't enough for them to straighten there lives." sabi nya. Naiintindihan ko sya, naiintidihan ko syang gusto nya lang mapabuti ang mga mag-aaral nya pero, "Paanu naman po kami President Valques? Gusto lang naming makapag-aral ng walang problema, bukod sa perang ipangtutustos namin sa pag-aaral at sa pamilya. Kapag nalipat kami, wala kaming kasiguraduhan kung maipag-papatuloy pa namin ang pag-aaral namin. Mag-kaiba po tayo ng lebel sa buhay." giit ko. Ayoko mang ikumpara ang mga sarili namin sa kanila pero ganun talaga ang mangyayari dahil sa paglipat. Baka nga matahin pa kami ng mga nandito sa paglipat namin. "Wag kayong mag-alala. Kaya kayo nandito para pag-usapan natin ang mga bagay-bagay sa magaganap na paglipat." nakangiting sabi nya. "Anu po ang ibig nyong sabihin?" takang tanong ni Kira. "You may be transfer here still it won't affect your tuition when you're at Evangelist. Ganun parin ang magiging tuition fee nyo, ang pagkakaiba lang e malilipat kayo dito. Sa faculty and staff naman e ganun din ang magiging set up. Nothing change except the fact that Ignacio and Evangelist will merge, ganun narin sa classroom." nakangiting sabi nya. Kung ganun di na namin puproblemahin na baka tumaas yung tuition kahit malipat kami sa private? Pero kahit ganun nakakalungkot parin. Gusto kong mag graduate sa Evangelist, kasama ang mga classmates at kaibigan ko. "But.." nahinto ako sa pag-iisip nang magsalita ulit sya, "..in exchange to that, you need to help me. I know that your school is always on top in terms of academics. And I'd like to offer a proposal." Napakunot ako ng noo, "Proposal?" kahit may hint na ako ay gusto ko paring malaman kung anung proposal yun. "Yes. Tulungan nyo ang mag-aaral naming tumino sa pag-aaral, kapag nagawa nyo yun asahan nyong babalik kayo ng Evanglist. At mababayaran nyo ang utang nyo samen. And also, there'll be some universities who will conduct school visits. They're looking for a student that has a chance to take there scholarship. And since our school will be merging to Evangelist, I grab that opportunity." Nagkatinginan kami ni Kira at bakas sa mga mata nito na parang nasiyahan sya sa nadinig mula kay President Valques. Maging ako ay nakaramdam ng saya. "By the look on your faces, I guess you both agreed on my proposal." nakangiting sabi nito. "Mr. President-." "Deal kami Mr. President." biglang singit ni Kira. Bakas ang kasiyahan nito, at sino naman ang hindi magiging masaya sa sinabi ni President? Scholarship ang pinag-uusapan dito. Kapag nag-kataong isa samin ang mapili ay isang malaking karangalan na para samen yun. Hindi na kami mag-papakahirap mag-hanap ng universities na aaplyan ng scholarship, dahil saamen na sila mismo lumapit. Makakapag-aral ako ng college, mas matututukan ko ang gastusin ni Bryan at sa bahay. Hindi magkakada-hati-hati ang sweldo ko sa trabaho. Lalong lumawak ang ngiti ni Mr. President dahil sa narinig mula kay Kira, "Very well, I am happy that you accept my proposal. Thank you so much." tumayo ito at inilahad ang kamay sa harap ko. Tumayo din ako saka nakipag-kamay sa kanya, "Thank din po." sabi ko. Nakipag-kamay din sya kay Kira. "Well then, I'll see you and the whole Evangelist on monday. Thank you again." inihatid nya pa kami sa may pinto habang sinasabi yun. "Maraming salamat po." nasabi ko nalang. "Salamat din sa inyo." Nagpaalam na kami sa kanila. Kailangan pa din kasi naming pumasok sa Bar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD