Chapter 19 -Tamang Daan

3613 Words

Araw ng Linggo kaya pahinga sa trabaho. Napag-pasyahan ko na imbes na lumabas kami ni Jillian ngayong araw ay papasyalan ko na lang siya sa apartment nila. Maaga pa ay namili na ako ng pwedeng lutuin para sa pananghalian namin. Hindi ko ito sinabi sa kanya para ma-sorpresa siya. Matapos mamili sa palengke ay naligo na ako at gumayak. Kagaya ng inaasahan ko, nagulat ko si Jillian ng mabungaran niya ako sa pinto ng apartment nila. Malapad akong nakangiti habang siya ay gulat na gulat at halatang kagigising pa lamang. “Surprise mahal!” ngumiti rin siya ng malapad bago dali-dali na pinasadahan ng tingin ang sarili. “Tuloy ka, mahal. Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na pupunta ka pala? Hindi pa ako nakaka-ligo. Halos kagigising ko lang.” “Kaya nga surprise, mahal. Saan ko ito ilalaga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD