Matagumpay na nairaos nina Flex at Natasha ang kanilang marriage proposal party. Masayang-masaya ang magkakapatid na Ara at Kiah sa oras na iyon, para kasi sa kanila, magiging panatag na sila para sa kapatid nilang si Natasha. Kasalukuyang nasa kwarto sina Kiah at Ara sa oras na iyon, sabay silang nag-iimpake ng kanilang mga damit. Ngayon kasi ang oras kung saan, babalik na sila sa kanilang mga trabaho, tapos na ang party. And for now, marami silang aasikasuhin sa kanilang mga trabaho. "Siguradong okey ka lang ba talaga, sis?" untag ni Kiah sa kakambal. Tiningnan siya nang mariin ni Ara at ngumiti. "Yes, i am. Don't worry, sis. Okey lang ako." Sabi pa ni Ara na agad namang isinarado ang hawak na maleta. They both heard the beep of some vehicle outside. Magkasabay na sinilip nina Ara a

