Kinabukasan. Nakatitig lang si Rise sa mga papeles na nasa lamesa ngayon, pagkatapos ng conference ay napagpasyaha niyang e-extend ang kaniyang leave ng ilang weeks. Kailangan kasi niyang paghandaan ang pagtransfer ng company sa oras na iyon, idagdag pa roon ang pagiging on-hand niya kay Ara sa kaniyang maternity schedules. Wala siya sa huwisyo na pumasok sa kompanya that time, nag-sign lang siya ng mga iilang paperworks at mga approvals. Pero kahit pa hindi siya pumapasok ay updated naman siya sa lahat ng departments, dahil sa mga daily reports ng mga managers sa kaniyang e-mail at mga hard copies na ibinibigay through his fax machine. He managed that situation, at pinagkaabalahan ang mga bagay na dati niyang ginagawa as a running CEO for trainee. Isinubsob niya ang sarili sa mga iyon

