Fast Forward... "Kambal ang anak mo!" sambit pa ng doktor kina Ara at Rise na noo'y nagpapa-ultrasound sa kaniyang tiyan, isang buwan na lang ang hinihintay ni Ara sa kaniyang panganganak. "Oh my..." sabi pa ni Ara na natutop ang sariling bibig sa sobrang pagkakabigla. Halatang nasiyahan sa narinig mula sa doktor, gayundin si Rise na hawak-hawak ang kaniyang kamay. "This is a dream come true, doc." Sabi pa ni Rise na dahil sa pagkakabigla ay natapik pa ang balikat ng doktor. "Dyosko! ang gandang regalo po para sa darating na bagong taon!" sambit pa ni Ara sa oras na iyon. Sa enero na ang delivery month niya. Iyon din ang birthmonth ni Rise. Nagkatinginan sina Rise at Ara sa oras na iyon, halatang walang pagsidlan ang galak na nararamdaman nila. Niyakap ni Rise si Ara sa oras na iyo

