HERA
Paubos na ang alak na laman ng bote na hawak ni sir Dalton. Nagdadalawa na rin ang tingin ko sa kanya at pakiwari ko’y dinuduyan ako dahil naduduling na ata ako sa mga bagay na nasa paligid ko dala ng aking kalasingan.
Hindi ko alam kung ano ang trip ni sir Dalton. Gusto pala niyang uminom ng alak, bakit kailangan isama pa niya ako. Paulit-ulit niyang ginawa ang sumimsim ng alak at pagkatapos ay isalin sa bibig ko at ipalunok sa akin.
“S-...sir… A…yaw… ko… na…po… pl…please…” nahihilo na sabi ko. Masakit na rin ang aking sikmura.
Umiling ito. “Wala kang karapatan tumanggi sa gusto kong gawin mo, okay. Wala.” muli ay tumungga ito ng alak sa bote at nilagay sa loob ng bibig ko. Dahil hawak niya ang panga ko, wala akong magawa kung ‘di lunukin ang alak.
Napakislot ako nang paglandas niya ang palad sa balat ko sa aking balikat na lantad sa mga mata niya. “Kasalanan mo kung bakit hindi natuloy ang kasal ko,” saad nito na may panunumbat sa akin. “At dahil ikaw ang may kasalanan, magpapakasal tayo.”
Napa kurap ako. Pakiwari ko ay nawala ang kalasingan ko dahil sa sinabi nito. Ano daw? Magpapakasal kaming dalawa? Nanginig at nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa aking katawan. Ayokong magpakasal sa kanya.
No. Ayoko. Umiling ako.
“H-hindi po ako papayag magpakasal sa ‘yo, Sir. Hindi po maari.” kinakabahang lakas loob na sagot ko.
He looked at me evilly at piniga ang panga ko. Napa-daing ako sa sakit. “Hindi kita tinatanong kung gusto mo, or ayaw mo.” Napasinghap ako nang ibuhos niya sa katawan ang laman na alak ng hawak na bote.
“Ah, Sir!” sambit ko.
Ngumisi ito. “Kung ako lang ang masusunod, I want to f**k you right here, right there. Hanggang sa maubos ang lakas mo, at pagsisihan mo ang ginawa mong pangingialam sa mga plano ko. You mess with me, then you suffer for the rest of your life with me.” tiim panga na sabi nito. Then
he began liking my skin while looking at my eyes erotically, evilly. Dinilaan niya ang bawat parte ng balat kong nabasa ng alak. Tinabig niya ang kamay kong nakatakip sa aking dibdib. “They’re are mine now,” sabi nito na ang tinutukoy ay ang dalawang dibdib ko na ngayon ay nakadakot na ang dalawang palad niya.
Napalunok ako. “S-sir… H-huwag po… please…” nagmamakaawang sabi ko.
He smirked. Binitawan ang dibdib ko at tumayo ng tuwid. “Get dressed,” utos nito at lumakad pabalik sa lamese at muling naupo sa swivel chair.
Nanginginig ang aking mga kamay na kumilos naman akong kaagad. Hindi ko magawang isuot ng maayos ang nightgown dahil sa takot sa kanya, lalo pa’t nakatitig lang siya at pinapanood ang bawat kilos ko.
Pero kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag dahil malayo na siya sa akin.
Dinampot niya ang phone at may tinawagan.
Hindi naman nagtagal ay bumukas ang pinto.
“Boss,” tawag sa kanya ng lalaki na pumasok.
“Get her, dalhin mo s’ya sa kwarto n’ya para makapagpahinga na,” utos niya sa lalaki na dumating.
“Yes, boss.” agad na sagot naman ng lalaki at hinawakan ako sa aking braso.
“She’s drunk,” narinig kong sabi ni sir Dalton.
“Okay, boss.” sagot muli ng lalaki at maingat akong inilalayan sa paglalakad palabas ng pinto. Sumuray-suray ako dala ng aking kalasingan habang naglalakad kung saan ako dadalhin lalaking tauhan ni sir Dalton.
“Dito po ang room n’yo, Ma’am.” binuksan ng tauhan ni sir Dalton ang pinto ng kwarto at hiniga ako sa kama. Narinig ko na lang ang langitngit ng pinto nang isarado iyon ng lalaking kasama ko kanina.
Nag-aagaw ang pagpikit ng aking mga mata sa tumatakbo sa isipan ko. “Magpapakasal daw kayo… Hera… Ikakasal ka sa demonyong lalaki na ‘yon…” wala sa aking sarili na sambit ko dala ng kalasingan.
Napangisi ako. Sinampal ko ng malakas ang aking pisngi, baka panaginip ang lahat. Kailangan ko ng gumising.
“Pero hindi panaginip ang lahat, Hera. Malinaw ang bawat detalye. Ikakasal ka sa kanya, kay sir Dalton, at bukas na ‘yon!” sinapo ko ang aking noo.
“No! Ayokong magpakasal sa kanya, ayoko! Ayoko siyang pakasalan!” parang sirang plaka na paulit-ulit na usal ko hanggang sa hindi ko namalayan nakatulog na ako.
***
“Ma’am Heralyn, pinapa gising na po kayo ni boss.” naalimpungatan ako ng gising na may kamay na umuuga sa aking balikat kaya naman agad akong nagdilat ng mga mata.
“Magandang umaga po, Ma’am Heralyn.” ang nakangiti na mukha ng isang magandang babae ang nabungaran ko ng idilat ko ang mga mata ko.
Napalunok ako at mabilis kong inabot ang unan sa gilid ko nang mag sink-in sa kukote ko ang manipis na suot kong nightgown.
“What?” usal ko sa pagkabigla nang makita kong hindi na nightgown ang suot ko kung ‘di pares na ng maayos na short at t-shirt.
Napatitig ako sa mukha ng babaeng nasa harapan ko.
“W-wait… i-ikaw ba ang nagpalit ng damit ko?” nahihiya at alanganing tanong ko rito.
Ngumiti ito. “Yes po ma’am, utos ni sir Dalton,” magalang na tugon nito.
“S-salamat,” nahihiyang sagot ko. Kahit babae siya, nahihiya pa rin ako na may ibang babae ang naka kita at humawak ng katawan ko. Sanay akong magsuot ng two-piece swimsuits tuwing nag-su-swimming kami ng mga amo ko. Pero yung may ibang babae ang maghubad at magpalit sa akin. It’s kinda awkward and weird for me.
“Wala ‘yon,” sagot nito at lumakad papunta sa pinto. “Siya nga pala, ang sabi ni sir Dalton, you only have five minutes to fix yourself. Hinihintay ka na po ni sir Dalton sa ibaba,” she said and left me.
Pagtayo ko ay napahawak ako sa aking bibig. Parang hinahalukay ang t’yan ko at masakit ang ulo ko.. Dahil ito sa alak na pinainom ni sir Dalton sa akin kagabi.
Mabilis akong kumilos at tumungo sa loob ng banyo. Baka may pagkain na sa labas, kumikirot na ang aking sikmura at ang pagkain lang ang tanging sagot sa pananakit ng tiyan ko.
Habang tahimik na naglalakad ako pababa ng hagdan ay napatigil ako nang makita ko ang naka–formal attire na si sir Dalton at ang kasama nito na may hawak na attache case, kasama rin ng mga ito ang tauhan ni sir Dalton.
Narinig ko na ang pangalan nito, Samuel. Oo, tama. Samuel nga.
Bumilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam pero may kung ano ang hatid na takot sa akin nang makita ko ang may edad na lalaking may hawak na attache case na kausap ni sir Dalton.
Maingat akong pumihit paharap sa itaas ng hagdan at sinikap kong wag lumikha ng kahit na konting ingay para hindi nila ako mapansin.
Ngunit nakaka dalawang hakbang pa lamang ako ay narinig kong nagsalita ang babae na gumising sa akin kanina.
“Ayan na po pala siya, Sir.” sabi nito.
Kagat ang aking pang-ibabang labi na napatigil ako sa aking paghakbang. Mabilis ang pagtibok ng aking dibdib. Pero hindi ako pumihit paharap sa kanila. Parang wala akong narinig na nagsalita na ipinagpatuloy ko ang aking pag-akyat pataas ng hagdan.
“Get her,” narinig kong utos ni sir Dalton sa tauhan. Hindi naman nagtagal ay naramdaman kong may humawak sa akin braso.
“Kanina pa po kayo hinihintay nila boss, Ma’am.” sabi nito sa akin. “Ma’am, tara na po sa ibaba.”
Nag-aalangan akong pumihit paharap. Gusto kong tumakbo pabalik sa loob ng kwarto. Pero sa higpit ng kapit nito sa braso ko alam kung hindi ako nito pakakawalan.
“Ma’am, kung ayaw n’yo po na magalit si boss, sumunod na lang po kayo para hindi kayo samain sa kanya.” concern ba siya sa akin or tinatakot lang niya ako?
Wala na akong nagawa kung ‘di ang pumihit paharap sa kanya at naglakad kaming dalawa pababa ng hagdan. Habang palapit kami ng palapit sa gawi ng mga ito doon sa ibaba sa sala. Grabe ang lakas ng kabog ng aking dibdib.
“Simulan n’yo na po, Ninong.” wika ni sir Dalton sa may edad na lalaki at agad na hinila ako palapit sa kanya at parang ahas na pinulupot ang braso sa aking bewang.
Mabilis na bumaba ang aking mga mata sa kamay nitong nasa bewang ko at napa kunot ang noo ako kung ano ang ibig nitong sabihin na simulan na.
Tumango ang may edad na lalaki kay sir Dalton. “Okay, inaanak.” nakangiti na sagot nito. Ganun na lamang ang panlalaki ng mga mata ko pati na ang butas ng aking ilong. Anong… ibig sabihin nito… No! Hindi ako maaaring magkamali, base sa aking naririnig ay para sa wedding ceremony ang binabanggit ng may edad na lalaking nasa harapan namin ngayon.
Kasal namin ngayon!
“Heralyn Ellarich, Do you take Dalton Guevara, to be your lawful wedded husband in accordance with our law?” tanong nito sa akin.
Mabilis akong umiling…
“H-hindi po.” mabilis kong matigas nagot rito.
Madiin na pumisil ang palad ni sir Dalton sa aking bewang.
“Sorry, ninong. Palabiro lang talaga siya kung minsan.” nakangiti na sabi ni sir Dalton at masama akong tinitigan.
“I warning you, umayos ka.” pananakot na bulong nito sa akin at muling humarap sa tinatawag nitong ninong.
“Continue, Ninong.”
Ngumiti naman ito kay sir Dalton. “Okay, hijo.” muli ay tinanong ako nito.
“Heralyn Ellarich, Do you take Dalton Guevara, to be your lawful wedded husband in accordance with our law?”
Sunod-sunod akong lumunok sa tanong nito. Ang utak ko ay naghuhumiyaw ng ‘NO’. Pero hindi ko magawang isatinig ‘yon dahil sa pasimpleng madiin na pisil ni sir Dalton sa bewang ko.
Napatingin ako sa mukha ni sir Dalton na ngayon ay naniningkit ang mga mata at animoy lulunukin ako ng buo once na magkamali ako ng aking isasagot.
Isang beses pa akong malalim na lumunok.
“O-po,” tipid na sagot ko rito sa nanunuyong lalamunan na animoy may nakabarang malaking tinik sa loob.
“You, Dalton Guevara, Do you take Heralyn Ellarich to be your lawful wedded wife in accordance with our law?” tanong naman nito kay sir Dalton.
“Yes, I do.” mabilis at buong-buo ang tinig na sagot ni sir Dalton.
“I now pronounce you, Husband, wife. Congratulations! You may now kiss your bride!”
Napatulala ako ng walang salita na pinihit ako paharap ni sir Dalton sa kanya at pagkatapos ay hinalikan ako sa aking labi sa harap ng ninong na tinatawag nito na nag-sealed ng aming pag-iisang dibdib.
Napakurap ako matapos akong halikan ni sir Dalton. Hindi ako makapaniwala na kasal na ako… at sa kanya pa! Ako lang yata ang babae na kinasal na tanging simpleng short at t-shirt ang suot!
“Thanks, ninong.” nakangiti na pasasalamat ni sir Dalton sa ninong nito.
“Your Welcome, inaanak.” sagot naman ng ninong ni sir Dalton at masayang nag-handshake ang dalawa.
Hindi rin naman nagtagal ay nagpaalam na ang ninong ni sir Dalton na nagkasal sa aming dalawa.