HERA
“Hoy, babae. Mag ready ka daw sabi ni boss.” agad akong napalingon sa bumukas na pinto ng marinig ko ang boses na ‘yon. Lumapit ito sa akin at hinitsa sa mukha ko ang isang manipis at makintab na kulay itim na night dress.
“P-po?” mangha na sambit ko. Pinulot ko ang dress at namilog ang aking mga mata nang makita ko kung gaano ka-daring ang yari ng tabas ng nightgown na hinitsa nito sa mukha ko.
“Isuot mo daw ‘yan sabi ni boss,” hindi naman nagtagal ay muling bukas ang pinto. May pumasok na dalawang babae. Ang isa ay may hawak na makeup box.
“Sige, paliguan n’yong mabuti ang babae na ‘yan. Kailangan maging mabango at kaakit-akit sa mata ng mga bisita mamaya sa auction.” wika nito sa dalawang dumating.
“Okay po Sir,” tugon naman ng dalawang babae. Paglabas ng lalaki ay agad naman nila akong inasikaso.
“Maligo ka na muna, miss Heralyn.” kilala nila ako?
“Sandali, kilala n’yo ako?” mangha kong tanong sa mga ito.
Sabay na napangiti sila sa akin. “Lahat ng babae na dinadala dito sa casa, alam po namin ang bawat pangalan miss Heralyn.” tugon nito.
L…lahat ng babae? Ibig sabihin marami kami?
“L-lahat? So, hindi lang ako ang babae dito?”
Tumango sila sa akin. “Opo, miss Heralyn. Marami kayo, pero ikaw ang naka-schedule ipa-auction ngayon ni bossing.”
“A-auction? A-ako?” hindi makapaniwala na sambit ko.
Anong auction ang sinasabi nila. Nung nakaraan ko pa naririnig ang tungkol sa auction na ‘yon sa mga tauhan ng boss na tinutukoy ng mga ito. Ang alam ko lang kasi sa auction ay parang alahas na pinapa-auction sa mga sanglaan pag narimata na ang ito.
Kumabog ang dibdib ko. So… ipapa-auction ako na para bang isang narimatang alahas!
“Opo miss Heralyn, auction. Yung pataasan ng bidding sa mga auctioneers. Then kung sino ang higher bidder, siya ang makakakuha sa ‘yo.” paliwanag nito.
Napanganga ako!
“Ano po? Pero… hindi po ako alahas para ipa-bidding nila. Tao po ako!” nagsisimula na akong mag-hysterical. Hindi ako isang gamit para ipa-bidding—auction nila!
Malungkot na napailing silang dalawa nang magsimulang tumulo ang aking mga luha.
“Ganiyan ang sistema sa casa na ‘to, miss Heralyn. Kaya kung sino man ang tao na nagdala sa ‘yo dito, wala siyang puso.” sabi ng babae na nakasuot ng kulay yellow na t-shirt.
“Kaya dapat hindi ka pumayag na magpadala dito. Kawawa ka lang dahil after nila na ipa-bidding ka sa malaking halaga, magiging ordinaryong babae ka na rin tulad ng iba dito sa loob ng casa. Pagsasawaan ng ibat-ibang lalaki gabi-gabi.” kalungkutan ang nakarehistro sa mukha nito habang nagsasalita.
Napailing akong humihikbi. “Mga ate, please. Ayoko pong matulad sa mga babae dito, ayoko po na ipa-auction nila ako. Parang awa n’yo na po tulungan n’yo po ako!” pagmamakaawa ko sa kanila.
Sabay napayuko ang mga ito sa akin. “Sorry, miss Heralyn. Hindi lang ikaw ang babae na nagmakaawa sa amin para tulungan namin sila. Ang kaso… wala po kaming magagawa dahil utusan lang kami dito. Kami nga matagal na rin namin gustong umalis dito dahil hindi na rin namin maatim ang nangyayari dito sa loob ng casa, ang kaso… hindi kami maaaring umalis dahil papatayin nila kami at madadamay pa ang pamilya namin.”
Napahagulgol na lang ako ng iyak dahil sa narinig ko. I’m hopeless. Wala nang tao na tutulong sa akin para maka wala ako sa lugar na ‘to. Tuluyan na akong malulubog sa impyerno na lugar na ‘to kasama ang iba pang babae na sinasabi ng mga kaharap ko.
Mapait akong pumikit at humikbi. Demonyo ka, sir Dalton! Wala kang puso! Angil kong hinagpis sa aking isipan.
“Tara na miss Heralyn, kailangan n’yo na pong maligo.” para akong walang buhay na sumunod na lang sa kanilang dalawa. Binabad nila ang katawan ko sa bathtub na maraming bulaklak at milk bath para bumango at maging malambot ang balat ko.
Pagkatapos kong magbabad sa bathtub ay binihisan na nila ako at inayusan. Tamang -tama naman dahil muling bumalik na ‘yung lalaki na pumasok kanina upang sunduin ako.
“Ano, tapos na ba ‘yan?” tila ba naiinip na bungad nitong tanong sa dalawang kasama ko.
“Opo, Sir. Tapos na po siya.” sabay nahihintakutang sagot ng dalawang babae.
Agad naman lumakad palapit sa akin ang lalaki. “Mabuti naman kung ganun! Nariyan na ang mga VIP bidders n’ya!” mabilis na napatingin ako sa kamay nito na humawak sa braso ko.
“At ikaw, umayos ka, ha! Tara na!”
“Ate,” sambit ko na lang sa dalawang nag-ayos sa akin ng hilahin ako palabas ng pinto ng lalaki.
“Mag-ingat ka, miss Heralyn, Sorry…” mahinang sabi ng mga ito sa akin.
“Hoy! Tumigil ka sa pag-iyak mo, sayang ang makeup mo!” sigaw sa akin ng lalaki ng mapansin na lumuluha ako.
Nang tumapat kami sa nakasaradong pinto, hindi muna kami pumasok sa loob dahil may sinabi ito sa akin.“Nandito na tayo, ayusin mo nga ‘yang mukha mo!” utos nito sa akin. At nang hindi ako kumilos para sundin ang sinabi niya. Ito na ang kumilos. “Ang arte mo talagang babae ka! Kung ‘di ka lang ipapa-auction ngayon ni boss. Sisiguraduhin ko na ako ang unang lalaspag sa ‘yo!” tinuyo nito gamit ang palad ang pisngi kong basa ng luha. Tapos ay inayos ang manipis na nightgown na suot ko.
“Siguradong paldo-paldo sa ‘yo si boss nito dahil maipapa-bidding ka niya ng malaki.” agad kong iniwas ang katawan ko nang pumisil ang palad nito sa dibdib kong halos lumuwa sa mga mata ng tao na makakakita sa akin. Wala akong suot na bra kaya naman nakabakat ang mga n*****s ko sa manipis at makintab kong suot na nightgown.
Ngumisi ito. “Matitikman rin kita, soon tulad ng ibang babae dito na pakipot at ma-arte sa una. Pero sa huli, pagsasawaan lang din namin kayo dito!” hayok sa laman na sabi nito sa akin.
Nanginig ang katawan ko sa takot ng sampalin niya ang puwitan ko.
“Hmmp! Ang lambot, fresh! Ang sarap!” takam na takam na sambit pa nito. “Tara na nga sa loob!” muli ay hinawakan niya ako sa aking braso at hinila papasok sa nakasarado na pinto.
Mabilis akong napalunok kasabay ng malakas na pintig ng aking puso dahil nalula ako sa dami ng mga lalaki na nadatnan namin sa loob. Hayok sa laman na napa-ungol ka agad sa gutom sa akin ang mga ito ng masilayan ako.
“Simulan na ang auction!” malakas na hiyaw ng kung sino sa kanila.
“Tama, simulan na! Ako ang kukuha sa kanya!” muli ay narinig kong hiyaw ng kung sino.
“Dalhin mo na dito ‘yan,” utos ng boss sa lalaking may hawak sa akin kaya naman hinila na nito ako sa gitna ng mga lalaki.
Habang naglalakad ako, pakiramdam ko ay hinuhubaran at nilalapa na ako sa isip palang ng mga lalaking walang ka-kurap kurap ang mga matang malaswang nakatitig sa akin sa bawat hakbang na gawin ko.
Tumayo ang boss sa gitna sa tapat ko. “Okay, bidders. Alam ko na mainit na mainit na kayo, kaya sisimulan na natin.” panimula nitong sabi sa mga lalaki na narito sa loob.
Malakas na nagsipag-ungol naman ang mga ito tanda na masaya na sila dahil sisimulan na akong ipa-auction.
“Okay, simulan natin sa 10 million,” nanlaki ang aking mga mata sa narinig ko.
10 million ang halaga ko…
“15 million,” mabilis na sabi ng isa.
“17 million!” sabi naman ng isa.
“20 million!” sigaw naman ng isa.
“25 million!” wika naman ng lalaking may edad na, malaki ang tiyan nito at nakakatakot ang itsura.
“Okay! 25 million, yours na s’ya, Mr. Dionizo,” nakangiti na sabi ng boss sa lalaking nag bids ng 25 million sa akin.
“Yahoo! Sabi ko na nga ba’t sa akin ka mapupunta!” ngiting-ngiti na sabi ni Mr. Dionizo habang nagmamadali ito na lumapit sa akin.
“Kahit ang mahal mong tikman, hindi ako magsisisi dahil alam kong masarap ka!” animoy naglalaway na asong ulol na wika ni Mr. Dionizo sa akin nang nasa tapat ko na ito. Akma na sana niya akong hahawakan sa aking hita ngunit napatigil ito nang may biglang nagsalita.
“40 million! She’s mine!” manghang napatingin ang lahat sa nagsalita.
“4… 40 million?” hindi makapaniwala na usal ng boss ngunit malaki ang ngisi nito sa labi.
“Okay, yours na siya, 40 million!” sabi ng boss na siyang ikinasimangot ni Mr. Dionizo dahil sa panghihinayang na hindi ito ang naging bidder ko.
Lumakad ang lalaki sa harapan. Agad na hinubad ang suot nitong suit coat tsaka sinuot sa akin upang matakpan ang katawan ko.
Napaluha ako…
Hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari. Para akong gamit na pinag pasa-pasahan nila…
“I will settle the payment,” wika ng lalaki sa boss at nilabas na ako sa auction room.
Sandaling inayos ng lalaki ang payment sa boss at hindi rin nagtagal ay sumakay na kami sa kotse. Habang nasa byahe kami ay tahimik na nanginginig ang aking katawan sa takot kung saan ako dadalhin ng lalaking kasama ko ngayon.
Tumigil kami sa isang malaking mansyon. “I’m sorry, kailangan kong isuot sa ‘yo ‘to, utos ni boss.” wika nito sa hawak na blindfold. Napalunok ako nang itali nito ang blindfold sa likuran ng ulo ko. Dahan-dahan at maingat niya akong inalalayan papunta sa kung saan. Narinig ko ang langitngit ng bumukas na pinto at nakipag usap ang kasama ko sa tao na kausap nito.
“Boss,” tipid na sabi nito.
“You can leave,” sagot naman ng boss na tinawag ng kasama ko.
“Okay po boss,” narinig kong sagot ng lalaki. Muli ay narinig kong lumalangitngit ang pinto ng lumabas ang kasama ko.
Malakas ang t***k ng puso ko at rumagasa ang takot sa aking dibdib nang marinig kong humakbang palapit sa akin ang tao na kasama ko dito. Pinaglandas nito ang palad sa balikat kaya naman napaigtad ako sa pagkagulat.
“40 million ang inubos ko sa ‘yo, at sa laki ng halaga na ‘yon. Kulang pa ang buhay mo para mabayaran ako.” muli ay napaigtad ako nang pumisil ang palad nito sa puwitan ko at humampas pa ito ng malakas.
“S-sir… parang awa n’yo na po. Pakawalan n’yo na po ako…” nagmamakaawa at humihikbi na sabi ko.
Narinig kong mahina itong humalakhak. “Pakawalan? 40 million ang inubos ko sa ‘yo, kaya malaki ang utang mo sa akin. Kaya dapat lang na sundin mo ang lahat ng gusto ko. Now, hubad! Gusto kong maghubad ka at sumayaw ka!” napaigtad ako sa gulat dahil sa lakas ng boses nito.
“P-po… S-sir?” nangangatal ang aking boses na sabi.
“Hubad, sumayaw ka. Giling, ganun!” muli ay sigaw nito. “Malaki ang kasalanan mo sa akin, kaya dapat lang na pagbayaran mo!”
Malaki ang kasalanan mo sa akin… kaya dapat lang na pagbayaran mo…
Sa isang tao ko lang narinig ang mga salitang ‘yon. Kay… si… sir Dalton!
Pero hindi. Malabo na ito ang tao na kasama ko ngayon dito dahil binenta nga niya ako sa casa sa halagang 5 million tapos bibilhin niya ako sa halagang 40 million?
Dahil hindi ako kumilos upang sundin ang inutos nito sa akin. Malakas akong napa singhap sa pagkagulat ng bigla na lang nitong hablutin pahubad sa katawan ko ang manipis na nightgown na suot ko.
“Sir! Maawa po kayo, ‘wag po!” sambit ko at agad kong niyakap ang hubad kong katawan. High cut G-string thong T-back ang pang ibabang suot. I heard him groans nang tumambad sa mga mata nito ang hubad kong katawan. kahit nakapikit ako ay alam kong nangingilit ang mga ngipin niya dahil rinig ko kung paano kaigting magkiskisan ng mga ngipin nito dahil sa akin… sa katawan ko.
“Not bad,” saad nito at muling hinampas ang pisngi ng puwitan ko kaya naman napaigtad muli ako. “Now, remove your blindfold, then dance!”
“I said remove your blindfold, and dance! Bingi ka ba?” ulit sigaw nito ng hindi ako sumunod sa kanya.
“Do what I say, kung ayaw mong samain ka sa akin!” sigaw nito kaya naman mabilis akong kumilos upang alisin ang blindfold sa mga mata ko.
“S-sir Dalton!” gulat na sambit ko ng makilala ko ang tao na bumili sa akin sa halagang 40 million sa casa. Nabitawan ko ang hawak kong blindfold at napa-atras ako ng isang hakbang palayo sa kanya.