HERALYN Kinaumagahan ay nagising akong wala na sa tabi ko si sir Dalton. Kinusot ko ang aking mga mata at napatingin sa pinto nang marinig kong may kumatok at hindi nagtagal ay bumukas iyon. Pumasok sa loob ang babae na halos kaedaran ko lang. “Magandang umaga po ma’am Heralyn, pinapababa na po kayo ni sir Dalton para sa almusal.” walang ka-ngiti-ngiti na wika nito sa akin. Napaisip ako. Bakit pansin ko. Puros batang babae ang taga silbi ni sir Dalton dito sa bahay niya gayong wala naman ditong ibang nakatira maliban sa kanya… Ayokong mag-jump ng maling conclusion pero… hindi ko mapigilan ang aking sarili na maging judgemental. Dalawang babae ang nakita kong taga silbi niya. Parehong maganda at batang bata pa. Hindi kaya… no. Mabilis akong umiling sa pumasok sa aking isipan. Hindi n

