THIRD PERSON POINT OF VIEW Halos magduktong ang linya ng mga kilay ni Dalton matapos marinig ang sinabi ni Mr. Dionizio na kahit isang gabi lang, pagsasawaan lang nito ang katawan ni Heralyn. He’s crazy. Kasabay ng pag-igting ng panga niya, humigpit ang hawak niya sa gatilyo ng baril. Kating kati na siyang pindutin ang gatilyo ng baril at patayin si Governor Dionizio. Pero hindi niya magawa dahil sa takot na mapahamak ang babae once na nagpalitan na sila ng bala. Malaki ang kasalanan sa kanya ng babae na ‘yon. Pero hindi niya hahayaan na malagay sa alanganin ang buhay nito. Hindi pa siya tapos na pahirapan ang babae. Ngumisi siya sa harap ni Mr. Dionizio. “Hindi ako madamot Mr. Dionizio, you want her? Okay. You will have her. But…” bitin niya sa pagsasalita. Rumihistro naman ang

