HERALYN “Good thing, okay naman ang X-Rays mo iha, mapalad ka dahil hindi na-fracture ang pelvic bone mo.” saad ng lalaking doktor sa akin habang hawak nito ang X-ray result na ginawa sa akin. Dito din sa bahay ginawa ang procedure ng X-rays sa akin dahil nang dumating ang doktor ay may kasama na itong isang nurse na babae at isang lalaki na siyang nag X-rays sa balakang ko sa loob ng kulay puting van. Customized iyon na pang on the go X-rays and ECG para sa pasyente. Madalas kong makita ang ganitong custumized van tuwing may medical mission sa baranggay namin noon. “Reresetahan na lang kita ng vitamins and supplements para sa bones and joints mo iha,” saad pa nito at sa X-rays result ko pa rin abala. Kinakabahan ako sa gagawin ko. Pero… Baka lang naman maawa sa akin ang doktor na ka

