6

1673 Words
MABILIS na tinungo si Sydney ang itinuro nitong restroom. Buhat sa kanyang bag ay inilabas niya ang kanyang “emergency kit”. Mabilis din siyang naghilamos at inayos ang sarili. Hindi na siya nag-abalang mag-make up uli. Nag-apply lang siya ng compact powder at lipstick at lumabas na. It was Ivan. Hindi niya akalaing lalapitan siya nito. Gusto niyang magpasalamat na hindi pa siya nakikilala ni Ivan kaya hindi siya mahihirapang magpaliwanag. Isang paghinga ang ginawa niya bago lumapit kay Ivan na palinga-linga sa entrada ng hotel. Alam niya, siya mismo ang inaabangan nito. “You must be Ivan,” nakangiting lapit niya dito. Halatang nagulat ang desenteng bakla. “You know me.” Tumango siya. “I’m Sydney, the w—” “The wedding singer!” bulalas nito. “How come—” tumingin ito sa itaas na tila hindi maapuhap ang sasabihin. Mayamaya ay napahinga ito. “Kanina ka pa ba? Saka umiiyak ka kanina? May problema ba?” Umiling siya. “I’m sorry but I can’t tell you.” “Of course. We hardly know each other. But I’m telling you, Sydney, I could be a friend to anyone. I can listen to you.” “Thank you. Kanina pa lang nang nilapitan mo ako ay alam ko nang mabait ka. Pero alam ko rin na handa ka mang makinig sa akin ay wala kang panahon ngayon. Kasal ng kapatid mo, hindi ba?” Hirap siyang palabasin sa mga labi ang huling tinuran pero napagtagumpayan niyang maging kaswal ang kanyang tinig. “Oo nga. But we can talk about it later. Are you all right, Sydney? Do you think you can make it? To sing, I mean.” Pumasok sa isip niya na aatras na lang siya sa pagkanta. Malakas ang palagay niya na maiintindihan naman siya nito lalo at bakas na bakas sa mukha nito ang concern nang makita siya nitong umiiyak. Pero hindi niya alam kung bakit ang tila umiral ay ang tawag ng propesyunalismo. “Kasabihan sa showbiz, the show must go on,” sabi ni Sydney at tumawa nang mapakla. Tinatanong niya ang sarili kung paano kaya siya kakanta gayong ang ikinasal ay si Paolo mismo? Baka sa kauna-unahang pagkakataon ay kumanta siya nang wala sa tono. “Paano, akyat na tayo?” nasisiyahang sabi ni Ivan. “Ikaw na lang ang hinihintay ko. If it’s not asking too much, I’m gonna request a little hosting as well. Kung magagawa mo, don’t worry about the pay.” “Hindi ako mahirap kausap pagdating sa bayad. I will do my best to handle your event.” “That’s wonderful to hear. Let’s go.” Bawat hakbang patungo sa suite na pakay nila ay nagtatalo ang isip at damdamin ni Sydney. Kabaliwan ang ginawa niyang pagpayag gayong may pagkakataon din naman sana siyang umatras. Pero isang hamon din iyon sa kanya. At hindi niya ugaling umatras sa isang hamon. Ngayon pa ba na madami na din siyang effort para mag-move on. Nang pindutin ni Ivan ang door bell ay lihim siyang humugot ng paghinga. Kailangan niya ng lakas ng loob para makayanan ang hamon na iyon sa kanya. Pinaglapat niya ang kanyang mga labi. At nang eksaktong bumukas ang pinto ay sinabi niya sa sariling kayang-kaya niyang harapin ang sitwasyong iyon. “Sydney?!” Tila sumabog at kumalat sa iba’t ibang direksyon ang wisyo ni Sydney nang makitang ang nagbukas ng pinto ay dili iba’t si Paolo. Pagkagulat ang makikita sa buong mukha nito. Samantalang siya ay hindi naman niya matiyak kung ano ang anyo niya. ang pakiramdam niya ay walang iniwan sa biglang naestatwa. They met each other’s eyes. Iba’t ibang damdamin ang nasa loob ni Sydney at hindi niya tiyak kung alin doon ang lumutang—ang nananatiling pag-ibig niya kay Paolo o ang labis na sakit dahil sa pagpapakasal nito. At wala naman siyang mabasang iba sa anyo ni Paolo maliban sa pagkagulat nito. At dahil doon ay mas gusto niyang isiping higit na lumarawan sa mukha niya ang iniindang sakit. “Magkakilala na kayo?” Si Ivan ang bumasag sa ilang sandaling katahimikan. “WE’RE COLLEGE friends,” mabilis na sabi ni Paolo na tila nakipag-unahan sa isasagot niya. At lalong nasaktan si Sydney sa narinig na iyon. Of course, they weren’t just friends. College friends ka riyan. Walong taon na naging tayo, for heaven’s sake! nais sana niyang isigaw pero ni kibot ay hindi gumalaw ang kanyang mga labi. “Really?” nakangiting sabi ni Ivan, sa wari ay walang nahahalata sa tensyong namamagitan sa kanila ni Paolo. “What’s that?” lapit sa kanila ni Missy na awtomatikong idinaiti ang sarili kay Paolo. Kulang na lang ay hantarang mapangiwi si Sydney nang makitang kagyat ding inabot ni Paolo ang kamay ng babae at nagdaop ang mga iyon. Hindi na niya matandaan kung paano sila nakapasok sa suite. Hindi kukulangin sa labinglima ang naghihintay sa kanila. Ipinakilala siya ni Ivan sa lahat. Sinikap naman niyang ngumiti nang kaswal. Nasa kalagitnaan ng pagkain ang lahat kung kaya’t inalok din siya ni Ivan na kumain muna. “Okay lang ako,” nakangiting tanggi niya. “Hindi pa ba ako magsisimulang kumanta?” Mabilis na umiling si Ivan. “No. Mayroon pa tayong hinihintay. By the way, here are the list of songs na palagay ko ay magugustuhan nilang kantahin mo. Kaya mo ba ang mga kantang iyan?” Mabilis na bumaba ang tingin niya sa nakasulat sa papel. Kulang na lang ay mapaungol siya nang malakas nang mabasa iyon. Can’t Help Falling In love With You, Born For You, Ikaw, You Are My Song, All Of My Life… Lahat ng iyon ay nagustuhan nilang dalawa ni Paolo! May mga panahong bawat isa sa mga kantang iyon ay naging theme song nila. Parang gusto na ni Sydney na magpapadyak. Tinitirya ba siya ng tadhana? O si Paolo mismo ang naninirya sa kanya? Ilang taong na siyang kumakanta sa mga wedding events at hindi naman lihim kay Paolo iyon. Alangan namang ang theme songs nila noon ay theme songs din nito kay Missy? Iniisip niya ngayon na hindi kaya’t pinasasakitan pa siya ni Paolo kaya siya pa ang kinuhang wedding singer sa mismong kasal nito gayong marami namang ibang puwedeng makuha? At mga kanta pa mandin na naging bahagi ng relasyon nila ang nais nitong ipakanta sa kanya! “Sydney?” untag sa kanya ni Ivan. “Ah,” mabilis niyang baling dito at pinilit na ngumiti. “Hindi na bago sa akin ang mga kantang ito. Most requested songs na nga ito sa mga kasalan.” “Good. Iyan kasi ang paborito ng mga bagong kasal.” Baka naman si Paolo lang ang may paborito, nais sana niyang isagot pero ngumiti na lang siya uli. Mayamaya ay tumunog ang door bell. Biglang bumaling ang tingin ni Ivan sa mga naroroon. Kakaiba ang excitement na bumadha sa mukha nito. “Guys, guys! Nandiyan na sila!” sabi nito at siya nang nagtungo sa pintuan para buksan iyon. Isang pareha ang tumambad sa kanila. Parehong puting-puti ang attire ng mga ito at magkahawak ang mga kamay. Sa biglang tingin ay mapagkakamalan niyang si Missy ang nakatayo doon. Malaki ang pagkakahawig ng dalawa. “Congratulations and best wishes!” chorus na sabi ng lahat maliban kay Sydney. Tila nag-uunahang lumapit ang mga ito sa pareha. Muli ay bumabati. Hindi iilang beses na narinig niya ang mga salitang congrats at best wishes. Mayroon pang nagtanong kung saan ang honeymoon. Napakunot ang noo ni Sydney. Nalilito siya sa nasaksihan. Ano ba itong napasukan niya, double wedding? “Okay, huwag na nating patagalin pa,” malakas na sabi ni Ivan. “I think we could start the entertainment now. Again, everybody, I want you to meet our wedding singer Sydney!” Nagkaroon pa ng palakpakan buhat sa maliit na audience. “These are the CDs,” sabi sa kanya ni Ivan nang lumapit. “Sandali, mayroon akong gustong malaman,” wika niya. “Iyong pangalan ng bagong kasal.” “Ay, oo nga pala. Pasensya ka na, Sydney. Masyado kasi akong excited. They are Lizzy and John. Kapatid ko si Lizzy pero natural na mas magkamukha sila ni Missy. Kambal sila, eh.” Napatango siya. “How about Missy and Paolo?” “What do you mean?” tanong din sa kanya ni Ivan. “Hindi ba sila bagong kasal din?” Kumunot ang noo na ito. “Naringgan ko kasi kanina sa lobby na binati mo din sila,” maagap na paliwanag niya. “Ah, iyon ba? Ibang dahilan iyon. Missy has just signed a contract with Johanna Modelling. Siguro ay narinig mo na iyon. Isa sa mga prestihiyosong modeling agency dito sa bansa. Natupad na ang pangarap niyang maging ganap na modelo. At hindi lang iyon. She will undergo training para sumali sa international competition for models two years from now,” proud na sabi nito. “And Paolo?” “Ah, your former friend?” tila makahulugang sabi ni Ivan at tinitigan siya. “Missy said he has just promoted from his work. That’s why I congratulated him too,” at nagkibit ito ng balikat. “Pero hindi para sa kanila ang okasyong ito kundi para kina Lizzy at John.” Tumango siyang muli at tiniyak niyang kaswal lang iyon. Ayaw niyang ipahalata kay Ivan na tila siya nabunutan ng malaking tinik sa kanyang dibdib. She had to be careful, paalala niya sa sarili. Makahulugan ang salita kanina ni Ivan. At bagaman malakas ang kutob niyang magiging mabuting kaibigan si Ivan, ibang usapan pa rin na kapatid nito si Missy. “Akala ko kasi, double wedding ito. Iyong damit kasi nila—” “Igala mo ang mga mata mo, Sydney. Halos lahat kami ay hindi nalalayo ang kulay ng mga damit. Para naman kahit color motif ay mayroon ang kasalang ito. Ewan ko ba naman sa dalawang iyan. Kahit madalian ang preparasyon ay puwede rin naman ang kaunting garbo sa kasalan kung bakit ganito kasimple ang nangyari,” naiiling na sabi nito. Tumango na lang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD