Chapter 57 Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa mga ipinakikita ni Rave na kakaiba. Hindi siya ganoon sa akin. Nang tinanong niya kung sino kami ni Zayn ay alam kong malaki ang naging epekto ng pagtama ng ulo niya sa batuhan. Kinabahan ako. "Anong sinasabi mong sino ako? Chief ko, ako ‘to. Hindi mo ako nakikilala?" tanong ko. "Hindi? Sino ka? Sino kayo? Ano bang nangyari sa akin? Nasaan ako?" tanong muli niya. Bago ako sumagot ay dumating na si Dame kasama ang doctor ni Rave. "Dok? Hindi niya ako nakikilala. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kaniya." Naluluha kong balita sa padating na doctor. "Mawalang galang na ho muna pero puwedeng sa labas na ho muna tayo maghintay para ma-eksamin ko pa muna ang pasyente?" pakiusap ng doctor sa amin. Hinawakan ni Zayn ang braso ko.

