CHAPTER 46 Magtutuos kami ng lalaking ito. Humanda rin ang higad na ‘yan! Mas malandi pa yata ito sa akin! Kailagan kong malamam kung anong score nilang dalawa. Hindi pwede ito lalo pa’t si Rave na ang nasa puso ko. Hindi ko hahayaang makuha lang siya ng kung sino sa akin, ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sa kanya. Nagreply ako. "Gano'n na lang yun chief? Kasi ako, namimiss kita. Hindi ba puwedeng tayo ang magkasama sa bakasyon mo sa Vizcaya? Akala ko lang kasi mamimiss mo ako lalo na at mgkakalayo na tayo. Kaya nga hindi muna ako nagreport sa work kasi gusto kita munang makasama. Bakit si Dame ang kasama mo ngayon at hindi ako?" Hindi siya nagreply. Naghintay pa ako ng ilang minuto ngunit sadyang hindi na siya sumagot. Minabuti kong tawagan siya ngunit nagriring lang ang kaniyang cel

