SACRIFICE

2533 Words

Chapter 33 Nagulat ako nang makita kong naroon si Rave kasama ng mga iba pang Plebes. Hindi imposible dahil alam kong kaya niyang ma-meet ang mga qualifications lalo pa't binabaan na ito ng high school graduate na lang. Ngunit sa kabilang banda, imposible dahil alam kong wala sa plano niya ang pagsusundalo. Wala nga ba talaga o hindi lang ako naging interasadong alamin ang mga plano niya sa buhay. Sa araw na iyon ay inatasan akong maging buddy nila habang inoorganisa pa nila ang magiging mga squad leaders. Nang magtama palang ang aming mga paningin ay napakarami ko sa kaniyang gustong itanong ngunit wala pang pagkakataon. i***********l kasi ang pag-uusap lalo na sa kanilang mga plebe. Nang nasa kanal na kami para sa kaniyang paggapang ay nagkaroon na ako ng pagkakataon para tanungin siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD