Chapter 48 Nang matapos ang aming pagkanta ay mahigpit naming niyakap ang isa't isa. Napapikit ako nang magtagpo ang aming mga labi. Pagmulat ko ay nakita ko si Zayn. Nanlaki ang aking mga mata. Paanong nakapasok dito si Zayn? Anong ginagawa niya rito? Tumalikod siya. nasa kabilang bahagi pa ang armas ko. Paano ko ngayon iyon makukuha. “Sandali!” sigaw ko. Tumayo na rin si Rave. Kapwa kami nangangapa kung ano ang gagawin namin dahil alam naming kalaban si Zayn at ang pagpasok niya sa mismong camp ay paniguradong may malalim na dahilan. “Para hindi tayo magkasakitan dito, humarap ka sa amin at itaas moa ng iyong mga kamay bilang pagsuko!” sigaw ko. Mahirap sa akin sabihin iyon ngunit kailangan. Nagpatuloy lang siya sa kanyang paglakad. Hindi man lang siya natinag. “May armas k

