PAGKATAPOS MALIGO at magbihis ay agad na lumabas ng walk-in closet si Hellion at tumungo ng silid. He smiled, as he saw his wife peacefully sleeping in the middle of their bed. Agad ni Hellion nilapitan ang asawa. Hinalikan n'ya ito sa labi, sa noo, sa pisngi at tungki ng ilong, kapagkuwan ay muling hinalikan n'ya ito ng mariin sa labi. "You're so brave back there, baby…" mahinang bulong n'ya. Kinuha n'ya ang kumot at kinumutan hanggang leeg ang asawa n'ya. Tumunog ang kanyang cell phone, agad n'ya iyong dinampot sa bedside table sa pag-aalala na baka magising ang asawa n'ya dahil sa tunog. He checks the caller. Nakarehistro sa screen ng cellphone ang pangalan ni Michael. Aga s'yang tumungo ng balkonahe at sinagot ang tawag. "Kamusta na dyan?" Agad na tanong ni Michael mula sa kabilang

