CARMINA P.O.V Huminga ng malalim si Carmina at pilit kinakalma ang naghuhurmintadong tibôk ng dibdib. "Romano, hindi ako naparito upang balikan o pag-usapan ang nakaraan. Mag-usap tayo ng maayos, pakiusap." yumuko sya at mariin na lumunok. "Umakyat ka," iminuwestra ni Romano sa kanya ang hagdan paakyat sa puno. "Romano naman!" "Gusto mo akong makausap ng maayos hindi ba, Carmina? Kung gusto mo akong makausap sundin mo ang gusto ko." Wala syang magawa kundi ang sundin ito. Alam nya kung gaano ka tatag ang paninindigan ni Romano. Wala ni isa sa pag-uugali ni Romano ang namana ni Aliyah, marahil dahil si Fidel ang katuwang nya sa pagpapalaki sa anak. kung mayroon man namana si Aliyah sa totoong ama nito yun ay ang malalantik na pilik mata, hugis puso na mga labi at matangos na ilong

