"Anong gusto mong malaman?" Agad na tanong ni Manang sa kanya ng makaupo s'ya sa couch. "Gusto kong malaman kung ano ang nangyari kay lolo federico," sagot niya sabay itinukod n'ya ang mga siko sa magkabilang binti at matamang nakatitig kay Manang. Huminga ng malalim si Manang at matamang tumitig sa kanya. "Sigurado ka? Handa ka bang malaman ang totoo?" "Alam ko na ang totoo. Gusto ko lang malaman ang lahat ng nalalaman mo. Twenty-eight years of my existence was built up with lies, I was surrounded by pretentious people. Kaya sabihin mo sa 'kin ang lahat ng alam mo Manang." Mariin n'yang wika. Nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga si Manang kasabay ng isang mapait na ngiti sa labi. "Labing siyam na taong gulang ako ng mapadpad ako dito sa Santa Ana, Hellion. Kasama ang dalaw

