"Anong balita Gregor?" Tanong niya. Nasa library siya, nakaupo sa mababang sofa habang nakatayo sa kanyang harapan ang tauhan na si Gregor. "Boss. May mga dugo po na nakita sa kasukalan. Siguradong may natamaan kagabi sa pagtapon niyo ng grenade. Magdamag kaming naghanap sa loob ng kasukalan dahil iniisip namin na siguradong malala ang tama dahil sa maraming dugo na nagkalat. Ngunit wala kaming nakita, maliban sa nagkalat na maraming dugo." Dinala niya sa labi ang sigarilyong hawak at hinithit iyon sabay buga ng usok. "Wala na bang ibang palatandaan?" "Wala na boss," maikling sagot ni Gerogor. "Puntahan niyo ang lahat ng hospital sa malapit, dahil kung sakaling matindi ang tama non sigurado akong hindi makakalayo ang mga iyon," muli siyang humithit ng sigarilyo sabay muling buga ng

