AS HELLION stood up in front of the door room where Massimo was waiting for him. Huminga s'ya ng malalim at lumunok bago tuluyang inangat ang kanang kamay at hinawakan ang seradura at pinihit iyon pabukas. Sumalubong sa kanya ang malamig na silid. Diretso ang kanyang tingin sa lalaking nakatayo sa gilid ng glass wall panel. Hanggang balikat ang alon-alon nitong buhok at gaya n'ya ay malapad ang likuran nito, matipuno at makisig. Nakasuot ito ng short sleeve Hawaiian polo, habang nakatanaw sa labas. Nakasuksok sa magkabilang bulsa nitong suot na cargo short ang dalawang kamay. He walks toward Massimo. Marahil ay nararamdaman nito ang kanyang paglapit kaya lumingon ito sa kanya. As Massimo turned his gaze to him and their eyes met, he stopped stepping on his feet and just stood where he

