"What the hell are you doing in my bed?" Malakas niyang sigaw sabay bangon. Napabalikwas ng bangon ang babae. "S-Sir kasi po-" Hinablot niya ito sa braso sabay mariin na hinawakan. "Bakit ka nandito sa loob ng silid ko? Anong ginawa mo?" Hinawakan niya ito sa panga ng mariin. "Akala mo ba madadali mo ako ha? Ha?" Dumagundong ang malakas na boses niya sa loob ng silid na iyon. "S-Sir kayo n-naman po ang nag hila s-sa'kin sir," ani ng babae habang nakahawak sa kanyang braso at pilit tinatanggal ang kanyang kamay sa panga nito. "Hinila? 'Wag mo akong gawing tanga!" Itinulak niya ito sa kama sabay hinawakan sa leeg at sinakal. "Alam mo bang wala akong babae na pinapayagang yakapin ako at tabihan sa pagtulog maliban kay Aliyah? At hindi rumiresponde ang katawan ko sa babaeng katulad mo, ka

