MABILIS ang pagpapatakbo ni Hellion ng sasakyan sa kahabaan ng highway patungo sa location kung saan naroon ang tahanan ng ina ni Aliyah. Sa sobrang bilis ay tila na lumilipad ang sasakyan. Kung pwede nga lang lumipad ng makarating agad sa kinaroroonan ng asawa ay ginawa na n'ya. Walang tigil ang pagdagundong ng kanyang puso, napuno ng matinding takot ang buo n'yang sistema. 'Baby!' Patapos na ang pag-uusap nila ni Romano ng makatanggap s'ya ng tawag mula sa tauhan n'yang si Mando, sinabi nito sa kanyang umalis ng mansyon si Aliyah at minaneho nito ang kanyang toyota vios. Sinundan ng ilan sa mga tauhan n'ya ang asawa habang ang ilan ay agad na hinuli ang babaeng naging dahilan ng pagwawala ng asawa n'ya. Never in his entire life felt so damn scared. Not until Aliyah came. Nangingi

