WEARING BLACK leggings at isang pulang t-shirt. Nagsuot din siya ng sapatos na puti na iniregalo sa kanya ni Georgina noong pasko. Ipinusod niya ang may kahabaan na buhok at kinuha ang cellphone sa ibabaw ng Vanity mirror desk saka bumaba. Pagkababa ay agad niyang hinanap si Manang. Nakita niya ito sa likod ng mansion sa may greenhouse. Inaayos ni Manang ang mga berdeng halaman. "Manang!" Tawag niya. Lumingon sa kanya si Manang at ngumiti. "Aalis ka na ba?" Tanong nito sabay tinanggal nito ang suot na gloves. "Opo, Manang. Babalik po ako bukas ng gabi," lumapit siya kay Manang at yumakap. "O siya sige. Mag ingat ka ha? Tumawag ka na ba kay Hellion, iha?" She smiled and nodded. "Opo. Kaninang umaga. Pero tatawagan ko po ulit siya kapag nasa byahe na ako pauwi." Ngumiti si Manang s

