Nakasukbit sa kanyang likuran ang isang black backpack na naglalaman ng mga face towel, extra t-shirt, at sunblock ni Senyor Hellion. It's only three in the afternoon kaya tirik na tirik pa rin ang araw, tumigil ang sasakyan sa car park ng golf club. Lumingon sa kanya si Senyor Hellion bago nito pinatay ang makina. "Have you been in this place?" Tanong nito sa kanya. "Opo, I've been here countless times kasama ang daddy ko; I'm usually the one who holds his umbrella every time he plays." Itinaas niya ang mukha at tumingin kay Senyor Hellion, nakita niya ang pagtiim ng bagang nito at mariin ang pagkahawak ng kamay nito sa manibela ng sasakyan. Bigla ay muling sumalakay ang kaba sa kanyang dibdib. May mali ba sa sinabi niya? Sinagot niya lang naman ang tanong nito sa kanya. Tumingin

