Kung kahapon ay nagising si Carmeline sa malakas na katok mula sa pintuan ngayon naman ay nagising siya dahil sa mabagal na paghaplos sa kaniyang buhok. Hindi agad siya dumilat, ninamnam niya muna ang sarap sa pakiramdam ng bawat haplos. Para siyang idinuduyan muli para makatulog. Ngunit nilabanan niya ito at hindi nagpatangay, ayaw niyang tulugan ang bawat sandali na nagpapagaan sa kanyang kalooban. “Sweetie, I know you’re awake,” nakangiting sambit ni Inno. Hindi pa rin kumilos ang dalaga, ipinagpatuloy niya ang pagpapanggap na tulog pa rin siya. Nagpipigil rin sa pagtawa ang binata at baka uminit pa ang ulo ni Carmeline sa kanya, hindi kasi marunong magpanggap na tulog ang kasintahan. Mabilis na nalalaman ni Inno kung gising na ito or hindi, minsan na kasi niyang ginawa ang pagmasdan

