“Carmeline, we’re just the three of us, will you tell us what’s the meaning of that?” tanong ni Chia Chaine. Oo, si Chia Chaine ang sumigaw sa canteen kanina. Nang wala itong makuhang sagot mula kina Carmeline, Iluvio at Inno, sa kanilang tatlo lang dahil hindi nito maatim na kausapin ang kinamumuhian na si Carmela, ay hinila niya palabas si Carmeline. Maya-maya ay kasabay na nila sa paglalakad si Iluvio. Hindi alam ni Chia Chaine kung saan dadalhin ang kaibigan, hinayaan na lamang niya ang paa kung saan sila mapapadpad. “What are we doing here? We still have class, we need to attend,” sabi ni Carmeline sa kaibigan. Dito siya dinala ng kaibigan sa Forbidden Garden of Roses. Alam niya sa sarili na may sasabihin pa siya kay Inno kanina, ngunit hindi niya magawang ibuka ang bibig. Kaya nagp

